Tila naging kompetisyon na sa pangingisda ang nangyari sa pagitan nina Prince at Miguel. Namamawis na siya at mas nag-init ang damdamin niya nang masulyapan si Miguel at kita niyang ngingisi-ngisi ito. Halos isang-oras na ang lumipas at nasa bangka pa rin sila sa gitna ng palaisdaan. Halos mapuno na rin ng mga isda ang balde na dala nila ngunit ang kinaiinis ni Prince ay halos kay Miguel lang iyon lahat. Wala pa siyang huli kahit isa! “Hey, baka may daya itong pain na nilalagay mo sa akin! Palitan mo ‘to!” padabog niyang sambit kay Miguel, tinutukoy ang uod na pain nila sa bingwit. Nakita niyang napailing lang si Miguel at sinunod naman ang sinabi niya. Siya ang namili kung anong uod ang ilalagay. Pinili niya iyong mukhang malusog at malaki. “Ayaw mo pa po kasing turuan kitang dumiskart

