Seryoso na nagsimulang mag-ihaw si Prince ngunit panaka-nakang sumisilip sa loob ng kubo. Naririnig niya minsan ang kalansing ng mga kubyertos at ang panaka-nakang agos ng tubig na sa tingin niya ay mula sa gripo roon. Napanguso si Prince pagkatapos ibalik ang paningin niya sa mga iniihaw. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig niya kanina mula kay Miguel. It was touching if Prince would be honest. Hindi maalala ni Pince kung may nakagawa na ba ng ganito noon para sa kaniya. Iyong kusa, hindi pinilit. “Akala ko pa naman dahil kay LJ,” wala sa sarili niyang sambit habang tinunghay ang paningin sa palaisdaan sa harap. “Hindi niya ba talaga gusto iyong kababata niya?” “Sino pong kausap mo riyan?” “f**k!” Napahawak si Prince sa dibdib niya dahil sa gulat. “Dude, huwag kang basta na l

