Sinuong ni Prince ang malakas na ulan kahit halos hindi na niya makita ang kaniyang dinaraanan. He was worried for the horse they left not far from the kubo. Kung may mangyari man sa isa sa mga kabayo na alaga ng lolo niya ay tiyak malilintikan siya. Hindi inda ang pagpasok ng tubig sa kaniyang mga mata ay sinubukan niyang aninagin ang puno kung saan iyon tinali ni Miguel. Nang mahagilap, kaagad siyang dumiretso sa tali na lubid ng kabayo. “I’ll get you out of here now,” aniya sa nanginginig na boses. Dahil sa malakas na ulan at higpit ng pagkakatali, hirap na hirap si Prince na pakawalan ang kabayo. Dagdag pa ang paglilikot nito marahil ay nagsisimula nang lamigin. Kahit siya rin ay nilalamig na at halos mangatal na ang mga labi. “s**t! Bakit ayaw matanggal, pota,” inis niyang sambit h

