Tuluyan nang dumilim at hindi pa rin tumitila ang ulan. Medyo tumaas na ang tubig sa palaisdaan ngunit wala pa namang senyales ng pagbaha. Buong magdamag na tahimik at nagbantay lang ng pagtila ng ulan sina Prince at Miguel, ngunit kalaunan ay natanggap na rin nilang hindi na sila makakauwi pa sa gabing iyon. Narinig ni Prince ang pagbuntonghininga ni Miguel sa katabi niyang katre. Pagilid niyang tinignan ito. “Mukhang dito na talaga tayo magpapalipas ng gabi. Ayos lang po ba rito sa inyo, senyorito? Baka po hindi ka kumportable sa katreng higaan?” Umismid si Prince sa kaniya. Tumingin ito sa kaniya na tila naninimbang sa magiging sagot niya rito. Siyempre hindi siya kumportable dahil sa tanang buhay niya ay nasanay siya sa malambot na higaan. Never did in Prince life he ever slept in a

