Wala silang imikan ni Miguel noong pauwi. Pinapasakay siya nito sa kabayo ngunit humindi siya. It was still early kaya naisipan niyang ehersisyo na rin ang maglakad. Sa huli, kapwa na lamang silang naglakad habang hila ni Miguel ang kabayo. Nauna na ang mga tauhan kasama si LJ dahil sumakay sila sa mga kabayong dala nila. Pagkarating nila sa mansiyon ay nag-aalalang sinalubong kaagad siya ng kaniyang Lola. “Apo! Naku, labis kaming nag-alala kahapon, mabuti na lang at nakatawag si Miguel dito,” anito sabay yakap sa kaniya. “Magandang umaga po, senyora, senyor,” narinig niya ang baritonong bati ni Miguel mula sa kaniyang likod. Kumalas siya sa yakap ng kaniyang Lola na hinaplos pa ang kaniyang buhok. Ngumiti siya rito para pagaanin ang loob nito at ipakitang ayos lamang siya. “I’m fine,

