Napaungot si Prince at tinapon na lang ang tuwalya niya pagkatapos maligo. Pabagsak siyang dumapa sa higaan niya at pinagsusuntok ang unan doon sabay kawag ng mga paa niya sa ere. He couldn’t get Miguel’s words out of his mind! Dumaan na ang maghapon, naghapunan na sila, at ngayon ay nakaligo na siya, paulit-ulit niya pa rin naririnig ang tinig nitong sinasabi iyon. That was the most sincere words and smile he ever received from Miguel after all this time. “What the hell is this? Why is this bugging me so much now?” tanong niya sa sarili habang nakabaon pa rin ang kaniyang mukha sa unan. Nabitin lang ang paglayag ng kaniyang isip nang tumunog ang kaniyang cellphone hudyat na may tumatawag. He texted his Dad earlier kagaya ng bilin ng lola niya kaya hindi na siya nagulat nang pangalan nit

