Ingay ng mga tindera at malansang amoy ng palengke ang sumalubong kay Prince pagkababa niya sa four-wheeled jeep na dala ni Miguel. Nagulat nga siya roon kanina. Anito ay matagal na raw nito iyong pag-aari. Nagkasagutan pa sila dahil ani Prince ay kung iyon na lamang daw ang dinala ni Miguel noong nangisda sila, sana ay hindi na sila na-stuck ng isang gabi sa kubo. Dahilan naman ni Miguel ay ginawa lang daw nito iyon dahil nga naisip nito na sabik na siyang mangabayo. That shut Prince up. Talo na naman siya kay Miguel. “Sigurado ka na po ba, senyorito? Mukhang ngayon ka lang po nakaapak ng palengke,” ani Miguel sa likod niya kaya masama ang tingin niya itong binalingan. Miguel got a smug look on his face na nangati bigla ang mga kamao ni Prince. He gritted his teeth at hinila ito para ma

