Hindi makapaniwala si Prince sa narinig. Pinagkasundo na sila sa isang kasal? Hindi manlang ba nila hihintayin na makumpirma kung anak ba talaga niya o hindi ang dinadala nito? Ofcourse, Prince was still hoping and praying na hindi sa kaniya ang bata. Malay ba niya kung may nakasiping pang iba ang babae bago o pagkatapos niya. Isa pa, she looked so suspicious! Kung sa kaniya man ang bata, then Prince would agree na sustentuhan ang bata. Pero ang pagpapakasal? No. He only agreed to be wed with Miguel. “Wait, hindi pa po natin alam kung akin nga ang bata, bakit may kasunduan kaagad na kasal?” pagkontra ni Prince at tumingin sa lahat ng naroon sa lamesa. “Prince Justin, this is a big responsibility. You’ve both done this thing at ngayong nagbunga, dapat lang na panagutan niyo,” ang ama niya

