Ang hapag-kainan ay binalot ng isang klase ng katahimikan na tila ba bago ang isang malakas na bagyo. Kakauwi lang ni Crane mula sa airport at kahit pagod sa biyahe, ang kanyang presensya ay sapat na para bigyan ako ng paninikip ng dibdib. Nakaupo siya sa tapat ko, ang kanyang mga mata ay madilim at tila sinusuri ang bawat galaw ko—hinahanap kung may bakas pa ba ng kalayaan sa aking mukha. "Nga pala, Crane," pagbasag ni Tito Henry sa katahimikan habang hinihiwa ang steak. "Bumisita rito si Victor kasama ang anak niyang si Raven noong wala ka. Napakagalang na bata at mukhang naging magaan ang loob nila ni Meisha sa isa't isa." Napatigil si Crane sa pagsubo, ang kanyang kubyertos ay gumawa ng matunog na kalansing sa plato. "Raven?" pag-uulit ni Crane, ang boses ay tila galing sa ilalim ng

