Chapter 1
Meisha Rivera POV
Tatlong taon na ang nakalipas. Nilunod ko ang sarili ko sa alak dahil sa pangungulila kay Papa. Mas close kami ni Papa kaysa kay Mama dahil siya ang unang lalaking nagmahal sa akin nang walang kondisyon. At nang mamatay siya, parang may namatay ding parte ng puso ko.
At nang gabing iyon, pumunta ako sa isang bar sa may BGC. Hindi ko na matandaan kung ilang shot na ang naibuhos ko sa lalamunan ko. Ang mahalaga, sa bawat pag-inom ko, unti-unting naglalaho ang mukha ni Papa sa harapan ko. Unti-unting nawawala ang sakit.
Sana hindi na lang ako magising. Iyon ang paulit-ulit na dasal ko noon.
At sa gitna ng malabong ilaw at malakas na musika, may lumapit sa akin.
Isang lalaki.
Hindi ko nakita ang mukha niya nang malinaw dahil masyadong madilim ang bar, at masyado akong lasing para mag-focus. Pero alam kong matangkad siya. Alam kong mabango siya, pinag-halong whiskey at mamahaling pabango. At alam kong may kakaiba sa boses niya nang magtanong ito.
"You sure about this?"
Akay-akay niya ako palabas. Blur na ang lahat sa paningin ko, pero hindi ko hinayaang madapa ako. Mahigpit ang hawak niya sa bewang ko na sapat lang para maramdaman kong may sumasalo sa akin.
"Ayaw mo ba?" taas-kilay kong tanong, kahit na ang totoo, wala na akong pakialam kung sino siya.
"I didn't say that. I just wanna make sure."
Tiningnan ko siya. Kahit malabo ang paningin ko, naramdaman kong totoo ang sinabi niya. Hindi naman siya mukhang nang-aabuso ng lasing. Sinisigurado niya lang na alam ko ang ginagawa ko.
"Take me all you want, Mister," sabi ko, at sa gabing iyon, iyon ang naging hudyat para bumigay siya.
Hindi ko na matandaan kung paano kami nakarating sa hotel. Hindi ko na rin maalala kung sino ang nagbayad ng room. Ang naaalala ko lang ay ang unang dampi ng mga labi niya.
Hindi siya marahas. Hindi tulad ng inaasahan ko sa isang lalaking na bumitbit ng babaeng lasing sa bar.
Sa halip, ang halik niya ay mabagal, marahan, gentle. Para bang hinihintay niya akong tumutol, pero hindi ko ginawa.
"You're beautiful," bulong niya laban sa labi ko, at doon, sa apat na salitang iyon, may kung anong kiliti sa dibdib ko.
Ang gabi ay naging serye ng mga sandaling hindi ko na sinubukang kontrolin. Hindi na mahalaga kung sino siya. Hindi na mahalaga kung tama ba ito o mali. Ang mahalaga ay sa unang pagkakataon mula nang mamatay si Papa, may naramdaman akong init na hindi dulot ng alak.
Paggising ko kinaumagahan, para akong binugbog. Sobrang sakit ng ulo ko, at may kirot sa pagitan ng mga hita ko na isang paalala na totoo ang lahat ng nangyari.
Hinawakan ko ang sentido ko, pilit na inaayos ang mga alaala. Unti-unti kong naalala ang mga halik, ang init ng katawan niya, ang paraan ng pagkapit niya sa akin na tila ba ayaw niya akong pakawalan.
Pero nang lumingon ako sa kabilang side ng kama ay wala na siya.
Ang tanging naiwan niya ay isang maliit na note sa ibabaw ng side table, at sa ibabaw noon ay limang libong piso na pamasahe raw pauwi, ayon sa sulat.
"Thank you for last night. I hope you enjoyed it as much as I did. –C."
Napapikit ako. Hindi man lang nag-iwan ng pangalan. Hindi man lang number. Isang letra lang talaga.
At sa loob ng ilang segundo, hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o malungkot. Sa huli, kinuha ko ang pera at ang note at parehong itinapon sa basurahan bago ako pumasok ng banyo.
Sa ilalim ng shower, hinayaan kong maghalo ang tubig at luha.
Hindi na mauulit, sabi ko sa sarili ko. Hindi na.
************
"Ma, hindi na ba talaga magbabago ang isip niyo?"
Pang-sampung beses ko na sigurong tanong iyon kay Mama.
Hindi ko alam kung bakit ako tutol sa plano niyang magpakasal ulit. Siguro dahil ayaw kong may pumalit kay Papa. Ayaw kong may bagong magmamahal sa kanya na hindi siya.
"Anak, alam kong mahirap para sa iyo ito," mahabang paliwanag ni Mama, "pero darating ang panahon na magkakaroon ka rin ng sariling pamilya. Ayokong maging pabigat sa'yo."
"Ma, kinakaya ko namang magtrabaho para sa atin," hindi ko napigilang maiyak. "Maganda naman ang trabaho ko. Hindi mo kailangan humanap ng asawa para buhayin ka."
"Meisha, hindi habang buhay ay kailangan mo akong buhayin. Gusto ko ring sumaya. Gusto ko ring maramdaman na may nagmamahal sa akin maliban sa iyo. At kay Henry ko iyon naramdaman."
Hindi na ako sumagot. Basta tumayo ako at nagkulong sa kwarto.
*******
Makalipas ang ilang araw, habang nasa hapag-kainan kami kasama si Tito Henry, ibinalita ni Mama na ibebenta na ang bahay namin.
"MA! Ito na lang ang natitirang alaala ko kay Papa!"
Hindi ko napigilan ang luha ko. "How can you be so heartless?"
Tumakbo ako paakyat at muling nagkulong sa kwarto.
Nang gabing iyon, hindi na ako bumaba kahit na dumating ang anak ni Tito Henry. Narinig ko lang ang ugong ng sasakyan nito mula sa bintana, pero wala akong pakialam. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya kailangang kilalanin.
Alas-dos ng madaling araw, bumaba ako para uminom ng tubig.
Madilim ang sala. Sanay na ako sa bahay kaya hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw.
"I'm glad you're finally awake."
Tuluyan akong napatigil.
Isang lalaki ang nakaupo sa sofa sa dilim. Hindi ko makita ang mukha niya, pero ang boses–pamilyar ang boses na iyon.
"Who are you?" tanong ko, pinilit kong patatagin ang boses ko kahit nanlalamig na ako sa takot.
"Your step-bro."
Napakunot ang noo ko. "My dad and your mom went to Singapore an hour ago."
"Then why are you here?"
"Your mom asked me to accompany you."
"I'd rather be alone right now."
Hindi ko na siya pinansin. Dumiretso ako sa kusina, kumuha ng tubig, at handa nang umakyat pabalik sa kwarto ko.
Ngunit bago ako makalayo, muli siyang nagsalita.
"How have you been, Meisha?"
Tuluyan akong nanigas.
Isang tao lang ang tumatawag sa pangalan ko nang ganon tipong may diin.
Dahan-dahan akong lumingon.
At sa ilalim ng madilim na liwanag mula sa bintana, nakita ko ang mukha niya.
Matangkad. Moreno. Perpektong panga. At ang mga mata tipo ng mga matang nag-aapoy kahit sa dilim.
Siya.
Siya ang lalaki mula sa hotel tatlong taon na ang nakalipas.
Siya si C.
At sa sandaling iyon, gumuho ang mundo ko.
"Crane De Vera," bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kanya. "Sino ka ba talaga?"