Meisha Rivera POV Mainit ang simoy ng hangin pagbaba namin ng sasakyan sa rest house sa Calatagan. Ang asul na dagat ay tila nakikipag-unahan sa pag-imbita sa amin, pero ang totoong tensyon ay wala sa tubig kundi nasa aming anim na nakatayo sa tapat ng driveway. Kung akala ko ay tapos na ang pasiklaban sa dinner table, nagkamali ako. Dahil ang family outing na ito? Isa itong fashion show na may halong lason. "Oh my god, it's so hot!" ani Monica habang nagpapaypay ng kamay. Halos luwa na ang kaluluwa niya sa suot niyang neon pink string bikini na tinakpan lang ng manipis at transparent na mesh cover-up. Kulang na lang ay maghubad siya sa harap ni Crane sa sobrang ikli ng suot niya. "Crane, babe, can you help me with my bag? It’s so heavy." Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Crane. Ki

