Hindi ko maalala kung paano ako nakarating ng condo. Ang buong biyahe mula sa Mayfair hanggang sa pintuan ng unit ko ay isang malaking blur—parang isang panaginip na pilit kong binubura pero ayaw mawala. Ang alam ko lang, bigla na lang akong nakaupo sa malamig na sahig ng living room. Ang mamahaling folder mula kay Mr. Harrington ay nakabukas at nakakalat sa harap ko, ang mga dokumentong dapat sana ay nagbibigay ng linaw ay lalo lang nagpapadilim sa mundo ko. Ang mga luha ko? Tuloy-tuloy lang ang pag-agos, bumabasa sa mga papel na hawak ang bago kong katotohanan. Nanginginig ang mga kamay ko nang muli kong damputin ang original birth certificate. Isang pirasong papel na biglang bumura sa dalawampu't anim na taon ng pagkatao ko. "Anastasia Victoria Ashford." Binasa ko ang pangalang

