Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, suot ang manipis na puting blouse at itim na slacks. Wala akong makeup, ni hindi ako nag-ayos ng buhok. Para saan pa? Paalis na rin naman ako. Sa pag-ikot ng zipper ng aking maleta, kasabay niyon ang ingay ng damdaming pilit kong pinatatahimik.
“Shut up, Misty,” bulong ko sa sarili, habang pinipilit huwag alalahanin ang lalaking tila nakaukit na sa isipan ko. Adam Valdez. Ang lalaking halos doble ang edad sa akin, ang lalaking hindi ko kailanman dapat pag-isipan ng ganito.
Ngunit bakit ganito ang t***k ng puso ko tuwing naririnig ko ang yabag niya? Tuwing nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid?
Naputol ang pag-iisip ko sa katok sa pinto. Tatlong sunod-sunod na katok—mahinhin ngunit may pagmamakaawa. Pagbukas ko, bumungad si Jinky, namumugto ang mga mata.
"Misty, please come back…”
Ngumiti ako sa kanya, pilit, sabay tango. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko kayang iparamdam sa kanyang hindi ko rin gusto ang nangyayari. Na ako mismo ay wasak sa loob.
At sa may likuran niya, nakatayo si Adam. Nakasuot ng dark gray polo, bahagyang bukas ang unang butones, at nakasuksok sa itim na slacks. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Walang emosyon sa mukha, pero para akong nilalamon sa titig niya.
Tumingin ako kay Jinky, hinalikan ang kanyang noo, at saka dire-diretsong naglakad palabas ng bahay—ng bahay nila, ng bahay ni Adam. Hindi ko nilingon. Hindi ko sinulyapan si Adam. Dahil alam ko, kapag ginawa ko iyon, baka hindi na ako makalayo.
Five Years Later – Los Angeles, California
Matao ang kalsada. Maingay ang paligid. Pero ako, tahimik lang habang nakaupo sa isang coffee shop sa Westwood. Ang laptop ko ay bukas, nakatapat sa akin ang ginagawang interior layout design para sa isang boutique hotel sa downtown LA. My dream is here, my life is here now.
Pero kahit limang taon na ang lumipas, minsan, nahuhuli ko pa rin ang sarili ko na pinagmamasdan ang mga lalaking may pagka-Anghel Locsin ang porma—matalino, malinis manamit, tahimik pero nakakatunaw ang titig. Parang him.
Oo, siya pa rin. Si Adam Valdez.
Pinilit kong itapon sa limot ang lahat, pero sa bawat gabi ng pagod at katahimikan, siya ang bumabalik sa isip ko. Ang tinig niya, ang tikas niya, at ang pangakong hindi niya kailanman binitiwan ngunit tila hinipan ng hangin. Wala naman siyang sinabi. Wala siyang hiningi. Pero bakit ako pa rin itong naghihintay?
"Misty Cruz?" tawag ng barista.
Tumayo ako para kunin ang order kong cappuccino. Pero pagbalik ko sa upuan, may nakapatong na puting sobre sa mesa ko. Naka-type ang pangalan ko sa envelope: Ms. Misty Evangelista-Cruz.
Nanlamig ang katawan ko.
Kinuha ko iyon, binuksan ng marahan—parang kinakatakutan ko ang laman. At pagkuha ko ng papel, ang una kong nabasa ay:
“You are requested to attend the reading of the Last Will and Testament of Violeta Evangelista.”
Pasig, Philippines – One Month Later
“Bakit pa ako nandito?” tanong ko sa sarili habang nakaupo sa loob ng opisina ng isang kilalang law firm sa Makati. Nasa harap ko ang abogado ng aking ina. Sa gilid ko naman ay ang ama kong si Manuel Cruz, nakangising-aso, parang may inaasam.
Hindi ako nakapagsalita sa buong biyahe. Pilit akong kinumbinsi ni Dad na umuwi.
“It’s your right, Misty,” aniya. “Your mom left you something. Don’t be stupid. You deserve it.”
Ang hindi niya sinabi ay ang totoong dahilan kung bakit siya interesado: pera. Shares. Properties. Stock options.
Pag-upo ng abogado, agad niyang binuksan ang isang leather folder at nagsimulang magsalita.
“According to Mrs. Violeta Evangelista’s will…”
Tumigil ako sa paghinga.
“…all properties, investments, and her 25% share in Valdez-Imperial Designs will be transferred to her daughter, Misty Cruz, upon the fulfillment of one condition.”
Napakunot ang noo ko.
“Misty must serve under the company for an indefinite period, under the direct authority of Mr. Adam Valdez.”
"What?!" Tumayo ako, mabilis. Napatingin ang abogado, ang ama ko naman ay mariing ngumiti.
"You’re kidding me. You mean, I have to work for him?”
“Not just work. Be under his mentorship. That’s what your mom requested. She trusted Adam Valdez more than anyone to train you before entrusting her legacy.”
Humigpit ang hawak ko sa upuan. Si Adam. Siya na naman.
“No. I won't go back there.”
“Anak,” sabat ni Dad, “kung ayaw mong kunin ang yaman mo, fine. Pero isipin mo ito: it’s not just about money. It’s about your future. Don’t let your feelings ruin your chance.”
Pakiramdam ko'y sinampal ako. Gusto kong sumigaw, tumakbo, mawala. Pero alam kong may punto siya.
Pagbalik ko sa condo unit kung saan ako pansamantalang tumuloy, buong gabing hindi ako nakatulog. Binuksan ko ang isang lumang kahon na dinala ko mula US. Nandoon ang luma kong sketchpad—punô ng designs ko noong wala pa ako sa LA.
Isang pahina roon, isang sketch ng lalaki. Matangkad. Naka-coat. Mapanglaw ang tingin.
Adam.
Bumuntong-hininga ako.
“Maybe this is fate’s way of putting us in the same page again. Or maybe this time… I’m not that little girl anymore.”
Pagpasok ko sa opisina, isang malamig na hangin ang bumungad sa akin. Lahat ng empleyado ay nakasuot ng pormal. Tahimik. Professional. Parang ibang mundo.
Nakasuot ako ng beige blazer, inner silk top, at pencil skirt na sakto sa katawan ko. High heels na kulay nude. Maayos ang buhok. Calm. Collected.
Pero ang puso ko?
Gulo.
May lumapit sa aking assistant. “Ma’am Misty Cruz? Sir Adam is expecting you in the boardroom.”
Of course he is.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa conference room. Bawat yabag ay parang dagundong sa tenga ko. Nang buksan ko ang pinto, naroon siya—nakaupo, tinititigan ako.
Hindi nagbago si Adam. Mas naging refined lang ang features niya. Mas intense ang aura. His salt-and-pepper hair gave him more character, not age. Ang suot niyang navy blue suit ay perpektong bumagay sa kanyang matikas na tindig.
Tumayo siya nang makita ako.
“Welcome back, Misty.”
Nanigas ako. Lahat ng iniiwasan kong damdamin, bumalik sa isang iglap.
“I’m not here to play games, Mr. Valdez.”
Ngumiti siya, matalim. “Neither am I. But you should know, this company is not a playground. If you want your mother’s legacy, earn it.”
Tumitig ako sa kanya, hindi nagpadaig. “Then teach me. And don’t expect the same Misty you left behind.”