CHAPTER ONE
Adam:
"I hate you, Mom..."
Napatingin ako sa dalagang tahimik na tumatangis sa gilid habang ibinababa ang kabaong ni Violeta. Masakit. Alam ko iyon. Masakit sa akin ang pagkawala ng babaeng buong buhay kong iningatan at minahal. Masakit para sa akin na kahit sa kaniyang pagkawala ay galit pa rin ang namumuo sa puso ng kaniyang anak.
You will understand us, Misty... Sadyang hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang lahat. Masiyado pa siyang bata para mabigyan ng isang malaking responsibilidad na iniwan sa kaniya ni Violeta.
"Dad? Should I go to her?" Jinky, my fifteen-year-old daughter, asked me.
Hindi maganda ang turing sa akin ni Misty, ngunit hindi naman sila magkagalit ni Jinky kaya hindi naman siguro mamasamain ng dalaga kung gusto ng anak kong aluin siya. Magkaedad lang din silang dalawa kaya baka mas makuha ni Jinky ang loob ng anak ni Violeta.
"Go..."
Marahang tumango ang anak ko at saka lumapit sa dalaga. Sandaling natigilan si Misty ngunit hindi hinayaan ni Jinky na itaboy rin ito katulad ng ginawa niya sa mga taong nais lang sanang pagaanin ang kaniyang loob.
Niyakap ni Jinky si Misty at hindi pa tumugon ang huli. Sobra din akong nasasaktan para sa anak ni Violeta. Hindi pa nagawa ng huli na magpaliwanag at nawala na lang itong natabunan ng galit ang anak.
"It's okay, Misty. I felt the same way too. I lost my mom, too. I never saw her since then." Sumabay sa paghagulgol ang anak ko kaya tahimik akong tumalikod para 'di masaksihan lalo ang iyakan nilang dalawa.
Katulad ni Misty ay ulila na rin ang anak ko at mas masaklap pa, hindi nagawang makita ni Jinky ang ina dahil iniwan kami nito.
"Don Adam..." Yumuko sa akin ang aking isang tauhan at inabot ang payong sa bodyguard na aalalay sa akin patungo sa sasakyan. Umuulan kasi habang nililibing namin dito sa isang memorial cemetery kung saan, katabi sila ng yumao kong ina.
Violeta and my mom were very close and God knows how I love them so much. God knows how I wish to Him every single night that they could see our children growing together. Ngunit hindi iyon ang inaasahan ko, inaasahan namin ni Violeta noon.
Muli akong nagbuga nang malalim na hininga bago pumasok sa loob ng sasakyan. "Kunin mo na sina Jinky at Misty roon, mas sumama yata ang panahon," utos ko sa dalawang bodyguards na naghatid sa akin.
Agad ding tumalima ang dalawa at ilang minuto lang ay kasama na nila si Jinky.
"Ayaw pong sumama ni Señorita Misty, Don Adam," wika sa akin ni Jun, ang isa sa mga bodyguards ko. Tuluyan nang nakapasok si Jinky sa loob at pinapahiran ang mga luha sa mga mata.
"Let Bogart and the other three bodyguards stay. Huwag silang paalisin hangga't hindi sumasama si Misty pauwi sa mansiyon."
"Yes, Don Adam."
Muli akong napasulyap sa tent kung saan mag-isang nakatayo si Misty. Alam kong naghihinagpis pa siya sa pagkawala ng kaniyang ina kaya hahayaan ko siyang magluksa ngayon. After all, sa akin siya hinabilin ni Violeta at gagawin ko ang lahat, makuha lang ang loob ng dalaga at magawa niya akong tanggapin... kahit hindi bilang ama. She will be my partner in business soon, at iyon ang mas inaasam kong mangyari dahil malaking posisyon ang naiwan ni Violeta sa kompanya ko na magiging kompanya na rin ni Misty.
"Daddy? Ayaw n'yo po bang matulog?" malambig na tanong sa akin ng nag-iisa kong anak.
Ibinaba ko ang tasang may lamang kape at saka inabot ang kamay ng anak ko.
"Hinihintay ko pa si Misty."
Napakurap si Jinky at saka tumingin sa bintana. Umuulan pa rin sa labas kaya kahit ako ay nag-aalala na rin kung nasaan ang batang iyon. "Dad, baka may~"
"Kasama niya ang mga bodyguards natin, anak. Uuwi rin iyon."
Napatitig sa akin si Jinky at bigla na lang akong niyakap. "Sorry for her loss, Daddy? Alam ko pong masakit iyon sa part ni Misty."
Kahit din naman ako ay labis na nasasaktan sa pagkawala ni Violeta. Kung may nagawa lang sana ako noon nang nagsasama pa sila ni Arnold ay sana, hindi naging ganito kalala ang sitwasyon ng babae.
Mabigat akong bumuntong-hininga at tinapik ang balikat ng aking anak. "Matulog ka na't nandito na rin si Misty mayamaya."
Masunuring tumango si Jinky at saka muli akong niyakap. "Good night, Daddy. I love you."
Kasama ng katulong ay tumungo na rin sa taas si Jinky. Sinubaybayan ko pa siyang umakyat hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Sobra akong nag-aalala para kay Misty at hindi ko alam kung nasaan na sila. Wala ring tawag galing kay Bogart kaya naman ay kinuha ko ang phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa para tawagan sana si Bogart ngunit biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang tila miserableng mukha ni Misty. Basang-basa siya kaya nag-aalala akong lumapit sa kaniya ngunit agad niya akong sinamaan ng tingin. I paused and gazed at her wet figure. Nakasuot pa siya ng itim na dress at puno ng putik ang kaniyang suot na doll shoes.
"Misty, what happened?"
"Do not act like my father, Mr. Valdez. Isa lang ang daddy ko!" sigaw niya.
Alam ko namang masama ang loob niya sa akin. Sobrang sama ng loob niya dahil sa pagtakas ko sa nanay niya sa kamay ng kaniyang malupit na ama ngunit totoo ang concern ko sa kaniya. Anak siya ni Violeta at katulad ng ina niya, mahalaga siya sa akin.
"Misty, you are soaking and you need to~"
"Don't care too much about me, Mr. Valdez. Bukas na bukas ay kukunin ako ng abogado ni Dad."
I understood it. Wala ako sa posisyon na pigilan si Misty na sumama sa ama niya pero gusto ko lang sanang ipaalala sa kaniya na nangako ako sa yumao niyang ina na ako ang susubaybay sa kaniya ngunit, hindi magiging madali ang lahat, sa akin at mas lalo ng sa batang ito.
"I won't stop you. But please... let me tell you this, Misty..." Lumapit ako sa kaniya ngunit agad din siyang umatras. Para ba akong may sakit na iniiwasan niya.
"Alright... your mom... cared so much~"
"She didn't! Because if she did, she would not leave me, she would not ruin our family. She wouldn’t escape and come with you and live with you! You are so disgusting! Nakasusuka kayong dalawa!" sigaw niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa labis niyang pagwawala dahil bigla na lamang nagsisisigaw-sigaw. Sa sobrang lakas niyon ay napababa pa ng hagdanan si Jinky na nasa silid na sana ito.
"Hindi ka ba nahihiya sa anak mo, Mr. Valdez?" Pulang-pula ang mga mata ni Misty at pati na ang kaniyang ilong. Puno rin ng luha ang kaniyang mukha kasabay ng basang-basa niyang katawan at buhok. Tinuro-turo niya pa ang aking anak na sobrang nagtataka sa kaniyang ginagawa.
"Naging kabit ka! Inagawan mo ako ng nanay para maging nanay sa anak mo!"
That's not true!
"Do not say that!"
"Bakit? Hindi ba totoo? Selfish ka kaya kumukuha ka na lang ng kung sino gamit ang yaman mo para mabigyan ng nanay ang anak mong~" Isang malutong na sampal ang dumapo sa kaniyang mukha. Punong-puno na ako sa kaniyang mga pinagsasabi at hindi ko napigilan na saktan siya.
"Wala kang alam, Misty! Hindi mo alam ang lahat!"
"Eh, sabihin mo sa akin, ano? Na sinira mo ang magandang pamilyang mayroon ako, Mr. Valdez! Selfish ka! Selfish!" Akma ko sanang sasampalin si Misty ngunit agad akong napigilan ng aking anak. "Daddy, no! Do not hurt her!"
Para akong nasabuyan ng malamig na tubig at napagtanto ko kung ano ang nagawa ko sa bata. Labis kong pinagsisisihan iyon kaya agad akong huminahon at lalapitan sana sa kaniya nang bigla siyang lumayo at tumakbo palayo.
Nasa may hagdanan na siya nang bigla siyang lumingon. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mukha kaya iniwas ko na lamang ang mga mata sa kaniya.
"You will regret that you once entered my life, Mr. Valdez! I swear!"