ADAM VALDEZ: Chapter Two

1088 Words
CHAPTER TWO Lulan ako ng aking kabayong si Aswad ay nadako ang paningin ko sa bodyguard kong si Bogart na papunta sa gawi ko. Nakasunod ito sa dalagang suot ang tattered na pantalon at pink na sleeveless na may dalang maliit na shoulder bag habang nakasuot sa kaniyang mga mata ang isang heart-shaped na sun glasses. "Tsk! Move, Aswad!" wika ko sa kabayong akmang hihinto pa sana nang mapansin ang paparating na bisita. Hindi ko alam kung ano ang masamang hangin at napadpad dito sa rancho ang dalagang kagabi lang ay parang kuting na nagwawala. Malayo ang lugar na ito sa mansyon at kailangang ng mahabang lakaran bago makapunta rito. Hindi na halata sa hitsura nito ang ano mang pag-iyak, hindi rin makikita ang hiya sa mukha sa pagwawala niya sa sarili kong pamamahay. Huminto siya sa paglalakad sa bandang may pinto ng bakod at matiim akong tinitingnan habang walang-pansin ko siyang patuloy lang sa pangangabayo. Hindi siya nagsasalita o tumawag man lang sa pangalan ko para patigilin ako. Hinayaan ko lang siyang maghintay o 'di kaya ay tawagin ako. Siya ang may kailangan sa akin at mas lalong hindi lang ako bababa o ititigil ang ginagawa ko dahil lang sa may kailangan siya o nandito siya. I made the mistake of hurting her last night, but I just realized I did it right. Binabastos niya ako sa harapan ng aking anak at mas lalong pinapahiya niya ang namatay niyang ina sa lahat. She did not even know how her mother sacrificed a lot for her so-called "happy family". Kahit maingay ang takbo ng kabayo ay parang naririnig ng tainga ko ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Misty at alam kong nawawalan na siya ng pasensiya sa akin. "Will you... please stop? Nakita mo naman siguro ako, Mr. Valdez?" Hindi ako makapaniwala sa ugali ng batang ito. Sobrang bait naman sana at napakagalang ng nanay niya ngunit mukhang namana ang masamang ugali sa amang barumbado. Muli kong hinampas ng latigo ang katawan ni Aswad at mas bumilis ang takbo nito, mas umalikabok naman ang track kaya kitang-kita ko ang agarang paglayo ni Misty at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong galit na galit na siya sa akin. Sigurado akong kumukulo na ang dugo ng malditang batang ito sa inis sa akin. "Ha, stop!" Hinila ko ang lubid na nakatali sa may mukha ng kabayo para makahinto. Sakto rin tumigil ang kabayo sa harapan ni Misty kaya madali ko na lang nakikita ang sobrang asar niyang mukha sa akin. "Are you here for an apology? Well..." "Hell, no!" See? Kung ako pa ang naging ama ng batang ito ay baka itinali ko na ito sa lubid at ipatakbo sa kabayo para magtanda. "So? Ano pala ang ginagawa ng isang... batang~" "I am not a kid!" Pagak akong natawa sa kaniyang sinabi dahil hindi bata? Hindi ba parang isang paslit na nagta-tantrums ang ginawa niya kagabi? "Mr. Valdez, nandito ako hindi dahil sa nais kong humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko kagabi. Wala akong pinagsisisihan sa mga sinabi ko sa iyo dahil totoong-totoo iyon." Huminga ako nang malalim dahil medyo nawawalan na naman ako ng pasensiya sa batang ito. Kung hindi lang talaga anak ito ni Violeta ay baka pinalayas ko na ito sa manor ko. "So... what a brat like you would mind to come here kung wala ka naman palang magandang sasabihin?" walang ganang tanong ko na hindi siya tinitingnan. Nang saglit ko siyang sulyapan ay sandali siyang tumitig sa akin at kahit nakasuot siya ng itim na sunglasses ay klarong-klaro ang kaniyang mga kayumangging mga mata na sa akin dumiretso. “Aalis na ako.” Pagod ko siyang tiningnan at iiling-iling. “So? Ano ang gusto mong ipabaon sa iyo?” Lumalaki ang mga butas ng kaniyang ilong ngunit halata ang pagpipigil. “Huwag kang atat, Mr. Valdez dahil aalis talaga ako and I cannot wait to leave this place!” sigaw niya. Napangiti na lamang ako sa kamalditahan ng batang ito. “So? Nandito ka para magpaalam.” “Yes!” Ngumisi ako at bumaba sa kabayo. Ibinigay ko ang lubid sa sotang nasa gilid ko at sinenyasan ang mga bodyguards na iwan muna kaming dalawa na mag-usap. “I appreciate that you said goodbye before you will leave.” “Ha! Nandito ako para sabihin na aalis talaga ako!” Huminga ako nang malalim dahil kanina pa siya nagsasabi na aalis tapos ano? Para saan? “Gusto mo bang magpa-party?” Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga kaya naitaas ko ang kilay. I was just kidding when I said that. “Kukunin ako ng lawyer ni Dad the next day. I have friend here and…” “Do whatever you want, Misty. I do not care!” Lumapit sa akin ang dalaga at nagulat ako nang inilapat niya ang palad sa aking braso. Ipinagpag niya pa ang alikabok na dumikit sa aking suot na itim na fitted jacket at ngumiti. Hindi ko maikakailang maganda na si Misty. Hindi naman siya talaga kasingkamukha ni Violeta ngunit ang mga mapupungay niyang mga mata ang medyo nagpapa-distract sa akin. Napalunok pa ako dahil parang may kakaibang kilabot akong nararamdaman. She was a kid. I know… but… Damn! Lumayo ako sa kaniya nang bahagya kaya mas lalo siyang napangisi. “Huwag kang matakot Mr. Valdez, hindi naman ako nangangagat, ah!” “Misty!” Ipinagpag niya ang mga palad at saka tumingala para tingnan ako. “I want to say goodbye to my friends and I want a farewell party.” Wala akong problema sa gastos dahil kahit walang pera ng ama niya ay kaya kong bayaran kahit anong party pa ang gusto niya. Hindi ko rin puwedeng gamitin ang naiwang yaman ni Violeta para sa party niya. We have plans for that and I need to make sure that those money will be invested for Misty’s future. “Okay. Magpapatawag ako ng organizer. Puwedeng dito na lang sa hacienda ang party. Kung hindi ka komportable ay sa condo na lang ako magsta-stay.” “Don’t bother, Mr. Valdez. Simple lang ang gusto kong party and I don’t want here. Isa lang ang gusto kong gusto mong gawin.” “What is it?” Ngumisi siya sa akin at sumagot, “I want Jinky to come with me.” Napatingin ako sa kaniya dahil bakit niya gustong isama ang anak ko? Hindi naman sila close ni Jinky. “Do not worry, Mr. Valdez, sigurado akong mag-e-enjoy si Jinky. I promise!” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD