Leaf 3

1410 Words
"Are you okay Leaf? Sinaktan ka ba nitong pamangkin ko?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ms. Sandra habang nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa loob ng opisina niya. Isang malalim na buntong hininga lang ang napakawalan ko dahil yun lang naman ang madalas kung magawa sa mga ganitong pagkakataon eh. Matapos niyang makita ang ginawang pangunguwelyo ng pamangkin niya sa akin ay galit na galit niya itong inutusan na sumunod sa opisina niya kasama ako. Sa limang taong pagtatrabaho ko dito ay ngayon ko lang nakitang ganun kagalit si Ms. Sandra making me think na mukhang sakit nga ata talaga sa ulo ang isang ito.Kung ako pa nga lang na hindi kilala ang isang to ay napapailing na lang paano pa kaya si Ms. Sandra na matagal na itong nakakasama. He must be a pain in the ass. Not judging everyone pero siguro ganito talaga ang nangyayari kapag masyadong naeexpose sa luho ang mga bata...growing up mas nafefeel nila na dapat mukuha nila ang gusto nila in a blink of an eye. "Kinuwelyuhan ko lang, nasaktan agad? Grabe naman yun Aunt Sandra! Hindi yan nasaktan! " Komento naman ng bastos na lalaking napag-alaman kong Rafael pala ang pangalan. Kung anong iginanda ng pangalan ay iyon naman ang isinama ng ugali. "I am not talking to you Rafael! Shut up! Leaf tell me hinarass ka na ba niya? May masakit ba? If gusto mo I can send you to a hospital?" Galit na baling ni Ms. Sandra dito bago ako kinausap. "No Ms. Sandra okay lang po ako, wag na po kayong mag-alala hindi naman po ako nasaktan masyado "magalang kong sagot dito habang inaayos ko ang nalukot kong damit, ang mahal pa naman ng konsumo sa kuryent nang pagpaplantsa. "I told you Aunt Sandra. Youre just overreacting" singit na naman nitong Rafael na ito. "Thats good. And you Rafael! Who told you na pwede ka na lang pumunta at manggulo dito sa opisina nang wala man lang pasabi?! Hindi ka ba nag-iisip ha?" Galit na tanong nito sa pamangkin niya na prente pa ring nakaupo sa couch sa loob ng opisina ni Ms. Sandra "I need your service here"simpleng sagot nito sa tita niya na nagtaka sa sagot niya. "What do you mean? Dont tell me nagpalit ka na naman ng girlfriend ha? Oh hell Rafael! Baka nakakalimutan mo na hindi damit ang mga babae na papalitan mo lang kapag napagsawaan mo na. Kailan ka ba magtitino?! Ilang taon ka na pero parang teenager ka pa rin kung umarte!" frustrated na daing ni Ms. Sandra dito habang ako naman ay naiilang dahil hindi ko rin naman gustong mapakinggan ang pag-uusap ng magtiyahin pero hindi pa rin naman ako inuutusang lumabas. Its just that marami na akong problema sa buhay ko and wala na akong paki sa kasabawan at kababawan ng problema ng Rafael na ito. "No its not like that Aunt Sandra. You know Audrey? She broke up with me last night and I want her back. Thats why I am here. I really want her back" paglilinaw nito sa tiyahin niya. Palihim na lang akong napapailing sa sinasabi ng lalaking ito. Ginagawa niyang maliit na bagay ang relasyon na kung kailan niya gusto ay makukuha niya agad. "Kaya ginugulo mo si Leaf ngayon para maibalik si Audrey sayo? Ganun ba yun Rafael?" Masungit na tanong ni Ms. Sandra dito na tinanguan lang ni Rafael at sinabayan pa nang pagtaas-baba ng kilay nito. "Exactly! You got it righy Aunt!! I heard that he's your best agent here so I am pretty sure that he'll be able to bring back Audrey to me"sagot nito na ikinailing na lang din ng Tita niya. "No. if you really like that Audrey you'll do everything para bumalik siya on your own. Leaf is a busy person and I don't want him to be involved with you Rafael. Pasaway na batang to. My Gosh!” seryoso nang sagot ni Ms. Sandra dito na ikinasimangot naman ni Rafael. Pasaway nga po pero hindi na siya bata. Damulag na po siya. "Come on Aunt Sandra! You see I really love Audrey. I just want her back. Help me please. Just with this one. Please I am begging" pagmamakaawa nito kay Ms. Sandra na sinabayan niya pa nang pagluhod na akala mo ay batang nagpapabili ng ice cream sa magulang. "I am sorry Rafael but you're already 29 years old for petes sake at hindi ka pa rin marunong maghandle ng relationships mo. You should learn your own lesson. Man up. Hanapan mo ng solusyon yang problema mo" sabi ni Ms Sandra bago ibinaling ang atensyon sa mga papers sa lamesa niya "Aunt....." apila pa sana ni Rafael nang ituro ni Ms.Sandra ang pinto palabas asking him to go out. Nang makalabas ay kaagad akong tinignan ni Ms. Sandra "I am really sorry kung naistorbo ka ng pamangkin ko. I hope you understand Leaf" apologetic nitong pagkakasabi sa akin. "Not a problem Ms. Sandra okay lang po iyon" nakangiti kong sagot dito. "He grew up with me. Dahil nga wala naman akong asawa ay sa akin na siya hinabilin ng mga magulang niya bago sila mawala. The wrong thing siguro na nagawa ko ay ang ispoil siya. I just hope na magbago na ang batang yan." medyo malungkot nitong pagkukwento sa akin. "Time will come po and he'll eventually realize the need to grow."tanging nasabi ko dito na ikinatango na lang nito. "Sana nga. By the way you can now go back to your office Leaf. Salamat at pasensiya na rin for my nephew's behavior"sabi nito sa akin na nginitian ko na lang bago tumayo at lumabas ng opisina niya. Kalalabas ko pa lamang ng opisina ni Ms. Sandra nang isang braso ang marahas akong hinila papunta sa isang lumang stock room ng opisina. Nagulat ako sa mga pangyayari lalo na ng itulak ako nito papasok sa loob at nilock ang pintuan ni....Rafael. "What do you think you're doing?" kalmado pero naiinis ko ng tanong dito habang pinapagpag ko ang naalikabukang parte ng damit ko. "Kung hindi ako tutulungan ni Aunt Sandra then you will help me!"tanging sabi nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Look Rafael, boss ko ang tita mo and I only follow orders from her. She already made her decision and I cant contest with that. So let me go"sabi ko dito bago nagtangkang lumabas ng stock room pero nabigo ako dahil hinarang niya ang katawan niya. "No! Tutulungan mo ako sa ayaw mo man o sa gusto" madiin nitong sabi sa akin kaya tinignan ko siya nang masama. "Ano bang hindi mo maintindihan sa no,hindi pwede? Youre too immature and childish to. Sorry but you're not worthy of my time" simpleng sabi ko dito before attempting to go out pero again hinarang niya na naman ang katawan niya "I dont accept those answers. Alam mo ba na kahit babae hindi ako binibigyan ng ganyang sagot...well syempre except si Aunt Sandra." Mayabang na naman nitong sabi sa akin. "I dont care at hindi rin ako babae kaya ngayon makakatanggap ka ng sagot na NO" naka-pekeng ngiti kong sabi dito "Sorry but I wont accept that."nakangiti din nitong sabi sa akin na tuluyan ko nang ikinayamot. "Alam mo kanina ka pa eh! Actually kagabi pa nga eh! Nauubos na ang pasensiya ko sayo. Hindi mo ba alam ang oo sa hindi? Hindi nga pwede eh at ayoko rin!" yamot ko nang sabi dito na ikinangisi lang nito. "Oh... so you're finally showing your real attitude. Nagagalit ka din pala? Cool hahahha galitin pa kaya kita? Hahaha"tumatawa at nang-aasar nitong sabi sa akin. "Let me go. You're not worthy of my time"walang emosyon kong sabi dito "No way Leaf. Unless tulungan mo ako." Nakangiti nitong sabi sa akin na mas ikinakainis ko. "Hindi mo ako kilala and hindi rin tayo close kaya don't talk to me as if were friends" seryoso kong sabi dito na ikinaseryoso ng mukha niya. Pero ikinakaba ko na ang susunod niyang ginawa, unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko dahilan para mas mapa-atras ako hanggang sa mapasandal na lang ako sa dingding ng bodega. Takte mga lumang galawan ng mga lalaking gwapong-gwapo sa sarili nila. "Ano bang problema mo?!" inis kong tanong dito habang ilang pulgada na lamang ang layo niya sa akin. "I think this is close enough. Right Leaf? Tutulungan mo na ba ako?" nakangisi nitong tanong sa akin na nginiwian ko na lang kasabay ang panunuhod ko sa maselang parte ng katawan niya. "Serves you right. Gago" huling sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng stock room at siya naman ay nakahigang namimilipit sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD