Sa kabila nang labis na antok ay pinilit ko pa ring bumangon para patayin ang alarm clock ko na kanina pa nag-iingay dito sa loob ng apartment ko. Dahil ang totoo ay wala din naman ang ibang pagpipilian kung hindi ang magbanat ng buto. Katulad ng marami ay pinaka-ayoko sa lahat ay ang paggising ng umaga,daig ko pa ang mga estudyante sa pagrereklamo pero katulad din nila wala rin akong choice kung hindi bumangon. Kung maaari lang sanang humiga ka na lang ng maghapon at maghintay ng biyayang malalaglag mula sa langit, hay naku eh di sana solve na solve na ako...pero hindi eh hindi naman Juan Tamad ang pangalan ko kaya kailangan kong kumayod. Bago pa ako makapag-isip ng kung anu-anong bagay ay nagpasya na akong tumayo para makapaghanda sa pagpasok ng trabaho.
Apat na taon na din ako sa apartment na ito at ako lang mag-isa ang nakatira dito. Lumaki rin kasi akong mag-isa at laking boarding house kaya hindi na rin ganun kahirap sa akin ang manirahan ng mag-isa , kung baga sanayan lang. Ito na rin siguro ang epekto nang mamuhay mag-isa mas naging focus ako sa kung paano ako magsusurvive sa panga aaw-araw. Long story kung ikukwento pa pero masasabi ko na hindi naging madali ang buhay ko.
Matapos maligo at papakin ang tinapay na baguette kasabay ng isang mainit na kape ay inayos ko na ang gamit ko papalabas ng kwarto. Isa itong kwarto sa apartment na halos ilang taon ko na ding inuupahan, katulad din nang inaasahan ay wala pa rin akong masyadong kaibigan dito.
Oo nga pala at kakailanganin kong magcommute at makipag-gitgitan sa mga estudyanye at nagtatrabaho ngayon dahil sa nangyari sa sasakyan ko kagabi. Matapos akong bastusin at takbuhan ng lalaking iyun ay wala na akong nagawa kung hindi ideretso ang sasakyan sa pinakamalapit na talyer dahilan para mas gabihin pa ako sa pag-uwi kagabi. Hindi na rin pa ako nag-aksaya ng panahon na habulin pa ang lalaking iyun dahil tiyak na mauuwi lang iyon sa away at yan ang bagay na hindi ko gustong mangyari. Para sa akin ang away at gulo ay mga walang kwentang bagay na sumisira lang sa isang magandang relasyon. Hindi ko rin alam kung bakit yan ang tingin ko o baka dahil na impluwensyahan na lang din ako ng trabaho ko.
Matagal ang naging byahe ko papasok ng opisina dahil bukod sa napakakupad na daloy ng trapiko sa Metro Manila ay putok din ang dami ng tao dala ng rush hour. Nakakahiya man ay kinailangan kong pumasok ng late sa trabaho na hindi ko naman nakasanayang gawin dahil ayoko rin na may masabing hindi maganda ang mga katrabaho ko pagdating sa aking professionalism.
"Good morning ho Sir Leaf, mukhang tinanghali tayo ha" bati sa akin ng pangumaga gwardiya sa opisina.
"Magandang Umaga din ho, masyado lang ho talagang malala ang traffic ngayon"nakangiti kong sagot dito bago ako tuluyang pumasok sa loob.
"Hi Pareng Leaf, aba talaga nga namang late comer ka ngayon ha. For the first time nadumihan din natin ang record ni Leaf! Isang himala!!" Nang-aasar na bungad sa akin ni Arlo isa sa mga kaopisina ko na HR manager ng kompanya.
"Maganda yan Babyboy, ipagpatuloy mo yan para naman may maipintas kami sayo. Padumihin mo pa ang record mo para bongga na!" dugtong naman ni Meg na katulad ko ay isa ring love agent.
"Naku kayo talaga, ako na naman ang pinagdiskitahan ninyo. Medyo nagkaproblema kasi sa sasakyan ko kagabi kaya nagcommute na muna ako." Tanging nasabi ko sa mga ito.
"Ano ka ba okay lang yun baby boy para naman hindi ganun kasama ang image namin kay Ms.Sandra. Keep it up we're so proud of you" dagdag pa ni Meg na tinawanan ko na lang.
"Ay oo nga, inaaway na naman ninyo ang baby boy natin. Kayo talagang mga halimaw kayo ha. Lalo ka na Meg mukha kang hippopotamus" singit naman ni Ate Shirly na mukhang kararating lang din na siya namang EA ni Ms. Sandra.
"Excuse me Ate Shirly,Erich Gonzales ang beauty ng kausap mo ngayon" sagot naman ni Meg dito
"Oo Erich nung Corazon siya ang unang aswang!"asar ni Arlo dito kaya mag-asawang palo na lang ang ginawad ni Meg dito habang ako naman ay ngiti-ngiti lang
"Sige po. Mauna na ako sa inyo. Mamayang lunch na lang ulit." Paalam ko sa mga ito bago ako tumuloy sa opisina ko. Silang tatlo ang pinakamalapit sa aking mga kaopisina dito dahil silang tatlong lang din naman ang nakakatiis sa pagiging KJ ko, pero masasabi kong masaya talaga silang kasama lalo na during free time and lunch breaks.
Bago pa man ako abutin ng tanghali ay nagpasya na akong gawin agad ang trabaho ko. Dahil wala pa namang naaassign sa akin ngayon ay nagfocus muna ako sa pagseset ng date ng mga group dates na monthly ng cinconduct ng company namin. But this is not just a simple group date dahil we do backgroud check sa mga participants nito and we make sure na pasado sila sa mga qualifications namin. Its actually funny dahil mukhang maraming mga pinoy ngayon ang nahuhumaling sa mga ganitong pakulo, I cant blame them dahil marami naman talaga sa panahon ngayon ang manloloko and dating is one of the most effective way to know a person much better. When everything was cleared and set ay nagpasya muna akong hubarin ang suot kong salamin at pansamantalang ipahinga ang mata kong kanina pa nakakatutok sa computer.
Nasa kalagitnaan ako nang pagpapahinga nang makarinig ako ng argumento papalapit sa pinto ng opisina ko.
"Sandali nga po sir, we follow a process here"dinig kong paliwanag ni Meg na mukhang may kinakausap na client
"I DONT CARE ABOUT THAT f*****g PROCESS! WHERE'S THE BEST AGENT HERE?!!"sigaw na sagot ng boses ng lalaki na sinabayan ng malakas na pagbukas ng pinto ng opisina ko.
Nagulat man ay pilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko at tinignan nang nakangiti ang lalaking nagsisisigaw sa labas. Ibinalik ko ang pagkakasuot ng salamin ko at namukhaan ko ang lalaking ito....teka nga...siya yung bumunggo ng kotse ko ha!
"Leaf I am sorry nageeskandalo na siya sa labas eh. He kept on saying na pamangkin siya ni Ms. Sandra eh" bulong at natatakot na sabi sa akin ni Meg nang makapasok siya sa opisina ko habang ako naman ay diretso lang na nakatingin sa lalaking nasa harap ko ngayon.
"No problem Meg, you can leave us" pag-aassure ko dito kaya dali dali ding lumabas si Meg nang opisina ko.
"Ikaw yung tatanga-tanga kagabi hindi ba?"kaagad na sabi ng lalaki matapos niyang umupo sa upuan for clients pero mas nagulat ako nang ipatong niya ang paa niya sa lamesa ko.
"Mabuti naman po at naaalala niyo pa ang ginawa ninyo kagabi. Yung ginawa ninyong pambabangga sa sasakyan ko." nakangiti kong sagot dito
"Bakit kasalanan mo naman yun ha! Asa ka namang magsosorry ako sayo." Maangas nitong sagot sa akin na ikinailing ko na lang.
Likas na siguro sa lalaking ito ang maging mayabang kaya hindi na rin ako aasang hihingi ito nang paumanhin sa ginawa niya sa sasakyan ko.
"So why are you here sir? Do you have any appointments?"pagiiba ko ng topic dito
"Wala naman sabi kasi ng mga tropa ko pwede daw ako matulungan ng kompanya ng tita ko. Kaya kahit ang jologs at ang corny nito. Sige susubukan ko"mayabang pa rin nitong sagot sa akin habang sinusuklay niya ng mga daliri niya ang mahaba niyang buhok. Kung titignan literal na badboy ang dating ng isang ito dahil na rin sa asta at pananalita nito..idagdag pa ang kawalanghiyaan niya sa kotse ko.
"So?"simpleng tanong ko dito
"Anong so?! Tulungan mo ako o baka gusto mong isumbong kiya sa Tita Sandra ko?!"inis nitong sagot sa akin na nginisihan ko na lang
"Sir we offer a variety of services , ang tanong ko po anong maitutulong namin sa inyo? Gusto niyo po bang imatch namin kayo or isali sa group and blind dates or what?"nakangiti ko pa ring sabi dito kahit kanina pa ako nawawalan ng pasensiya dahil sa kabastusan ng lalaking ito.
"Ayoko niyan! Yung girlfriend ko nakipaghiwalay sa akin kagabi, gusto ko balikan ako nun" sabi nito sa akin na ikinailing ko na lang. Kung makapagsalita siya akala mo laruan lang ang hinihingi niyang ibalik sa kanya. No wonder kung bakit bigla na lang siya iniwanan nun.
"Okay sir, heres the form pakifill-upan na lang and wait for our call" sabi ko dito bago ko ibigay sa kanya ang isang pahabang papel sa desk ko na tinignan niya lang.
"Anong gagawin ko dito?"tanong nito sa akin.
"Sulatan niyo po"simpleng sagot ko dito na mukhang hindi nito nagustuhan kaya padabog itong tumayo sa kinauupuan niya at kaagad na hinili ang kwelyo ko dahilan para mapatayo ako. But I manage to stay calm and collected ayokong makita niyang natatakot ako.
"Ginagago mo ba ako? Alam kong sinusulatan ito pero bakit mo ako bibigyan nang ganyan eh ngayon ko kailangan ng serbisyo niyo?!!" Sabi nito sa akin nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
"IBABA MO SIYA RAFAEL!"
Si Ms. Sandra
===============
So far kamusta naman po? Vote and Comment pa rin po. Salamat