Leaf 1

1647 Words
This is my new story and kagaya ng ibang writers pipilitin kong maging consistent pagdating sa mga characters ko dito. I know that some of you guys were disappointed pagdating sa characters ko sa previous story so with this itatry ko na bigyang justice ang persona ng bawat characters ko. Well magiging iba din po ang theme ng story na ito though may kaunti pa rin pong kalokohan at biruan ito. Sana support pa rin and comment your reactions and opinions. Enjoy the first chapter of Leaf's Story. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" At matapos nito ay ang walang humpay na pag-iingay ng mga basong kinakalampag ng mga bisitang sabik na makita ang pagdampi ng labi ng mga bagong kasal. Napuno nang kantyaw at halakhakan ang venue ng kasal ng mga masasayang kaanak ng mga nag-isang dibdib. Isa na namang pares ng mga masasayang puso ang pinagsama ng sagrado ng kasal. Isang masayang imahe ng mga taong kakikitaan ng wagas na pagmamahalan. Nagtagumpay na naman si kupido sa pagtama ng pana sa dalawang itanakdang tao. Kelan kaya ako? Bago pa man ako mag-emo o mag-kj ay napagdesisyunan ko nang umalis sa reception ng garden wedding ng mag-asawang Ching dahil sapat na sa akin ngayon ang makitang masaya silang magkasama. Sino nga ba namang makakapag-isip na ang dalawang taong ni hindi man lang magkakilala noon ay mabibigyan ng pagkakataon na mahanap ang pag-ibig sa katauhan ng isat-isa. Pero bago pa man ako makalabas ay mukhang nakita agad ako ni Mrs. Ching kaya kahit pa nakatrahe-do-boda ito ay pinilit niya pa rin akong habulin. "Leaf! Wait!" Pukaw nito sa akin dahilan para huminto ako sa paglabas. "Yes Mrs. Ching?"nakangiti kong tanong dito ng makalapit siya sa kinatatayuan ko. "Aalis ka na ba?"tanong nito sa akin na sinuklian ko na lang nang matipid na ngiti at tango. "Bueno. I am thankful to you Leaf. Without you wala ang lahat ng ito, wala itong kasal at wala kami. So utang namin ang lahat ng ito sayo. You're such an angel for us kaya salamat" emosyonal na sabi nito sa akin dahilan para himasin ko ang likod nito dahil ayoko namang gumawa ng eksena dito baka ano pa ang isipin ng ibang tao. "That's part of my job Mrs.Ching and I am also glad because nakita mo na din ang love of your life. So please wag po kayong umiyak sayang naman po ang make-up ninyo. Trabaho ko po ang ginawa ko and wala po kayong dapat ipagpasalamat" pagpapatahan ko dito dahilan para matawa ito ng payak. "Still, thank you Leaf" Sabi nito na ikinatango ko naman before I wave goodbye to her. I guess its one of the fulfillments of my job, yung makita mong masaya at success ang love story na pilit mong hinahanapan ng happy ending dati. The satisfaction that I usually get whenever nakikita kong nageend-up sa isang kasal yung mga taong hopeless na before when it comes to love. Para akong isang mananahi na pilit pinagdidikit ang mga sinulid para lang makabuo ng isang magandang damit o tela....at ang nabuo ko ngayon seems to be a perfect one. Bago pa kung ano ang masabi ko dito ay nagdecide na akong pumunta sa kotse ko para bumalik sa main office namin dahil mag-aalas dos pa lang naman ng tanghali at marami pa akong pwedeng magawa sa mga natitirang oras. Suppose to be ay off ko ngayon dahil nirequest nila Mr and Mrs. Ching na umattend ako ng kasal nila and dahil boss ko na mismo ang nag-utos sa akin ay wala na rin akong nagawa. Hindi ko man hilig ang pagdalo sa mga ganitong pagdiriwang ay malugod ko na lang itong pinaunlakan bilang pasasalamat na din sa pagtitiwala nila sa kompanya namin. Pasado alas tres y media nang makarating ako sa main office dala na rin ng matinding traffic dahil sa mga walang tigil na pghuhukay ng kalsadang maayos pa naman. Government sucks! "Leaf why are you here? I thought nasa kasal ka nila Mr. and Mrs. Ching? Dont tell me hindi ka pumunta ha?" Gulat na bungad sa akin ng boss ko nang makapasok ako sa lobby ng building namin. "Katatapos lang po ng kasal and besides po wala na rin po akong purpose doon. Ive done my part"nakangiti kong sagot dito na ikinailing na lang ni Ms. Sandra, na naging boss ko for almost five years of working here. Before anything else let me introduce myself. I am Leaf Autumn Sergio, 28 years old and currently working as love agent here in Cupids Incorported. You may be wondering kung tungkol saan ang kumpanya namin but as a brief introduction, for years nakilala ang kompanya na ito as a dating company where we usually conduct blind dates,group dates and in some cases we serve as a bridge sa mga clients namin na may pinopormahan. But all of that has a process. I have been working here for almost five years and Ms. Sandra my boss who is currently at her late forties ang isa sa naging mentor ko dito. Basically thats it, hindi naman ganun kainteresante ang buhay ko. Katulad mo normal na tao lang ako na kailangang kumayod araw-araw para mabuhay. Everyday is a surviving process for me lalo na at mag-isa lang ako para buhayin ang sarili ko... an independent man striving to stand on his own. "Leaf ayaw mo ba mag-vacation man lang? You need a reward dahil isang couple na naman ang ikinasal under your intervention. You know na mahirap yun gawin ngayon lalo na at nagkalat ang mga manlolokong tao ngayon" tanong sa akin ni Ms.Sandra na nginitian ko na lang nang sumunod pa lang itong pumasok sa opisina ko, she really loves to have a conversation with me kahit marami sa mga kaopisina namin ang nagsasabing boring at napaka-plain kong kausap. "I am fine Ms. Sandra and mas okay po sa akin ang magwork muna. I cant survive a week nang hindi man lang nakakapasok sa opisina. Routine ko na po ito" simpleng sagot ko dito bago ko itinuon muli ang atensyon ko sa laptop ko kung saan mababasa ko lahat ng request ng clients namin. "Sige ikaw bahala. Ikaw talaga masyado kang workaholic Leaf. Pero I wont insist the offer na rin , dahil I know you mas pipiliin mo pa rin ang magtrabaho. But still congratulations Leaf another job well done pinatunayan mo na naman na you're one of the company's best agent" masaya nitong sabi sa akin bago siya lumabas ng opisina. Kung isang love story na naman ang natapos ko ngayon kailangan ko na namang maghanap ng mga taong pwede kong pagtagpuin. Sa daming sawi sa mundo bakit kaya hindi na lang sila sila na lang din ang magmahalan. Bakit kasi kailangan pa ng trial and error sa pagiibigan, yan tuloy marami ang nasasaktan. Sa billiong tao sa mundo mahirap talagang makita ang taong itinakdang makasama mo, what if wala pala sa Pilipinas ang destiny mo or worst wala ka pala talagang ka-match sa mundong ito. 10pm nang magumpisa akong mag-ayos ng mga gamit para makauwi na din sa inuupahan kong apartment. As usual ako at si manong guard na lang ang natira dahil mukhang excited ang lahat na gumala ngayong araw ng biyernes. Ilang beses na din naman nila akong pinilit to join them pero I guess wala lang siguro akong spirit animal to have fun that way...masaya na akong matulog at magpahinga. I told you I am f*****g boring Kasalukuyan kong inaatras ang sasakyan ko sa tulong na din ni Manong guard palabas ng kalye ng isang malakas na kalabog ang bigla na lang umagaw ng atensyon na nagmula sa likod ng saskayan ko. Bakit kailangang humabol ng kamalasan ngayong gabi? Ugh! Only to find out na isang motor pala ang bumangga sa bandang likuran nito. Tsk. Kung minamalas ka nga naman. Yamot man ay pinili ko pa ring huminahon na humarap sa nakabunggo sa kotse ko. "Boss Leaf pasensya na po pero pinara ko naman ito dahil nga po umaatras kayo" natatakot na salubong sa akin ni Manong Guard na nginitian ko na lang at tinapik sa balikat. Nang mapadako ang tingin ko sa likuran ng kotse ko ay napabuntong hininga na lang ako sa lala ng tama ng kotse. Nilapitan ko naman ang nagmamaneho ng bigbike na motor na kasalukuyang inaalis ang helmet niya. "Sir mukhang napuruhan niyo po ang sasakyan ko ha" mahinahon kong sabi dito habang si Manong guard naman ay nasa likod ko. "Thats your fault asshole!!!" Sigaw sa akin ng driver ng motor na ikinabigla ko. "Excuse me? Hindi ba dapat ako ang magalit sa ginawa mong pambubunggo sa sasakyan ko?"mahinahon ko pa ring tanong dito pero this time nakababa na siya ng motor niya at lumalapit na sa kinatatayuan ko. "Bobo ka kasi magmaneho! Magmamaneobra ka na nga lang ng sasakyan hindi ka pa marunong!" Sigaw pa nito malapit sa akin kaya naamoy ko na mukhang lango nga sa alak ang isang ito. "Sir kaya nga po may nag-aalalay sa aking guard sa labas kanina hindi po ba? O baka hindi ninyo napansin dahil lasing na lasing kayo" kalmado ko pa ring sagot dito while still standing showing na hindi ako nagpapatinag sa kanya. "Reasons! ang sabihin mo hindi ka lang marunong magmaneho"mayabang nitong sagot sa akin "Ang sabihin niyo rin po na hindi kayo marunong magcontrol ng alak ninyo. Lasing po kayo pero harurot pa rin kayo magmaneho. Hindi po ba hindi tama iyon?"sagot ko dito na mukhang ikinayamot nito. "Anong sinabi mo? Wala kang karapatang sabihan ako kung lasing ako o hindi ha! Buti nga sayo and if youre expecting na babayaran ko yang sasakyan mo! No way!" Sabi nito bago ulit siya bumalik sa motor niya na sira na din ang headlights at mabilis na pinaandar at nagtatakbo. Bastos. Hindi na nga marunong humingi nang paumanhin, siya pa ang may ganang magalit. Reckless. ================ I want to know your opinion sa bagong kong story mga besh and dont forget to vote na din
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD