Mag-alas otso na ng umaga pero parang wala pa rin akong balak na bumangon sa kama ko. Two days na ang nakalipas nang ibalita ni Papa na ako muna ang magpapatakbo ng negosyong naiwan niya para na rin daw matuto ako sa line of business namin which is shipping. Im okay with the idea pero nag-aalala lang ako sa isang pangalan na binanggit ni Papa...Rico. Alam ko na napakaraming tao ang may pangalang Rico sa mundo pero hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kaba ko nang marinig ko ang pangalan na yun. Every time naririnig ko ang pangalang yun ay sabay sabay na nagfaflashback sa akin yung oras na piliin niyang iwan ako para sa mga pangarap niya. Isa pa sa inaalala ko ay si Rafael...ewan ko ba pero matapos ang pagbanggit ni Papa sa pangalang yun ay bigla na lang itong tumahimik at agad ag

