"Calm down Leaf,masyado kang natataranta oh..." pakiusap sa akin ni Rafaep habang nasa sasakyan kami papunta sa Ospital "Wala na bang ibibilis yan Rafael? Gusto mo ako na lang magmaneho? Come on, ako na magdadrive" Sagot ko dito habang aligaga ko pa ring tinitignan ang nabubuo ng trapik sa lansangan. Taktent mga kalye to oh! Kung kelan naman kailangan nang mabilis na byahe eh! "s**t!!! Hindi na muna dapat ako umalis ng ospital! Rafael please naman oh bilisan mo" Umiiyak kong sabi sa sarili ko "Calm down Papa Dahon" biglang sabi sa akin ni Rj na nasa likurang bahagi ng sasakyan ngayon kaya medyo natameme naman ako. Minsan lang magsalita ang batang ito pero tatamaan ka talaga dahil parang pasimple ka nitong nirerealtalk "Oo nga naman Hon ! Ang OA mo din eh...gumising na nga di ba? Ito na

