Malayo pa rin ang tingin ko , umaasang may babalik para sa akin, para kunin at balikan ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nila nagawa iyon sa sarili nilang anak? "Hindi po siguro nila ako mahal Sister noh? Opo, yun po siguro ang dahilan kung bakit?” Tanong ko kay Sister Lydia nang makita niya akong mag-isang naka-upo sa swing ng orphanage "Leaf lahat ng magulang ay mahal ang anak nila. May mga sitwasyon lamg talaga na mahirap ipaliwanag o di naman kaya ay hindi natin alam ang tunay na dahilan” mahinahon nitong tanong sa akin habang marahang hinahawakan ang aking buhok. "Kung ganun po,nasaan sila? Bakit po nila ako iniwan? Bakit hindi nila ako hinahanap? Bakit po hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa kanila?” Sunod sunod na mga tanong ko dito. "May dahilan ang lahat

