"May problema ka anak?" Tanong ng isang boses sa likod ko habang masaya kong tinitignan ang mga batang naglalaro sa dala kong pasalubong. "Nawawalan po ba ng problema ang tao sister?" Nakangiti kong tanong dito namg umupo ito sa tabi ko. "Iba kang bata ka, lahat ng tanong na ibabato sayo ay sinasagot mo din ng tanong, pilosopo ka din ano?" tumatawa nitong sabi sa akin. "Namiss ko po ang lugar na ito sister,kayo po, ang mga bata. Iba pa rin po talaga ang tumira dito" tanging sabi ko dito habang nakatingin pa rin ako sa mga bata na walang ginawa kung hindi magtawanan at maghabulan. Kung maaari lang sanang ibalik sa panahon na bata rin ako ...na hindi masyadong iniinda ang lahat ng sakit, na hindi masyadong nagtatanong kung bakit eh di sana hindi ako nasasaktan nang ganito ngayon. Tatlong

