"No tita i'll stay here! Baka mamaya ano pang sabihin mo kay Leaf eh. Brain washing or worst siraan mo ko” pangangatwiran ni Rafael kay Ms. Sandra habang ako naman ay naka-upo lang at kanina pa kinakabahan dahil sa mga nangyayari. Ano ba kasing pumapasok din sa isip mo Leaf? Bakit ba hinahayaan mo na lang na umayon lahat ng pangyayari kay Rafael? Right after makita ni Ms. Sandra ang nangyari kanina ay bigla na lang itong naging seryoso hanggang sa kumakain kami. I should understand it dahil kilala ang pamangkin niya, at ayaw niyang masira ang pangalan nito sa involvement sa akin. Hindi na rin siguro dapat akong magilusyon na may possibility na humantong kami ni Rafael sa isang relasyon ...thats way too impossible. "Go to your room Rafael, hindi ako nagbibiro" seryoso pa ring utos ni Ms.

