Two weeks.... Dalawalang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Oh hell! Ang weird ko..no ang gago ko! Pagkatapos ko siyang ipagtabuyan na layuan ako ngayon hinahanap ko ang presence niya. Para akong pabebe sa di ko malamang dahilan. Bakit ako nagkakaganito? May nararamdaman na ata ako sa mayabang na lalaking yun.. "Tara na babyboy,sabay na akong umuwi sayo nauna na sila Ate Shirly at Arlo eh. Tara na" hila sa akin ni Meg na medyo ikinagulat ko dahil iba talaga ang plano ko ngayon eh. "Ahhh Meg pwede ba mauna ka na? May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ko dito dahilan para itigil nito ang paghila sa akin "Pupunta ka na naman sa kabit mo?" Tanong nito na ikinataka ko. Ano daw? Mali ata ang rinig ko eh "Ano Meg?" pag-uulit ko dito "Wag kang magbingi-bingihan Leaf! Nandoon ka sa labas nagsu

