"Babyboy!!!!" "Oh?! Bakit?!” gulat na tanong ko sa tatlong ito na sabay-sabay pa akong tinawag habang kanina pa pala sila nagkukwentuhan dito sa canteen ng kompanya. "Anong yes? Bakit tulaley ka diyan?kanina ka pa namin kausap noh?” tanong ni Meg sa akin habang ako naman ay gulat pa ring nakatingin sa kanila. "May problema ka ba babyboy?" nagaalalang tanong sa akin ni Ate Shirly. "O...oo naman" medyo nabubulol ko pang sagot sa mga ito. "Ano!!!! May problema ka?" OA na tanong ni Meg "Namumuro ka na Meg sa kaingayan mo ha,matatampal kita eh.” reklamo ni Ate Shirly dito kaya tumahimik naman ito Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Apat na araw na simula ang nangyaring pagtatapat ni Rafael sa akin pero hanggang ngayon hindi pa rin yun mawala sa isip ko. Gulong-gulo ako sa mga sinabi n

