"Okay ka lang ba babyboy?" Nagaalalang tanong sa akin ni Ate Shirly nang mapansin nitong hindi ako kumportable sa bar na pinasukan namin. Marahil hindi lang talaga ako sanay sa napakalakas na tugtugan at medyo hindi ko rin gusto ang amoy sigarilyo sa loob ng bar na ito. Mukhang kabaligtaran ko naman ang tatlong kasama ko na enjoy na enjoy at kaagad na nasabayan ang indak ng isang remix music sa loob ng bar. "Medyo maingay lang Ate Shirly" pasigaw ko namang sagot dito para mas magkarinigan naman kami. "Para kang tanga babyboy,kung katahimikan pala ang gusto mo eh di sana naglibrary tayo haha kaloka ka talaga” singit ni Meg na narinig pala ang pag-uusap namin. Pasalamat talaga ito si Meg at birthday niya dahil hinding hindi na sila makakaulit sa akin nang ganito. Kaagad kaming inilalayan

