"So kaya ka pala absent kahapon dahil nagdate kayo ni Rafael? Tama ba ako babyboy?" kinikilig na tanong ni Meg sa akin habang umiikot-ikot ito sa swivel chair ko as if nagiinterogate "Date? Hindi. Hindi date yun Meg” walang gana kong sagot dito habang pinoproofread ko ang mga proposal ng mga newbies namin. "Pre naman sabihin mo na ang totoo , para ka namang others eh. Saka suportado ka naman namin if may namamagitan na sa inyo ni Rafael eh” singit naman ni Arlo na nakaupo sa couch ko sa office "Kaya nga come on!!! We need the truth!!! Ang katotohanan babyboy!!! That will set us free!!” OA na pahabol ni Meg "Hoy tigil-tigilan ninyo nga si babyboy at napepressure siya sa inyo!...pero ano ba talagang meron sa inyo babyboy?" gatong naman ni Ate Shirly na kaagad namang sinimangutan ni Meg.

