KABANATA 5

1585 Words
WALA nang mas masakit pa sa puso't isipan ng isang taong iniwan ng pinakamamahal niya sa buhay. Halos hindi makapaniwala si Kristina na sa loob ng tatlong buwan na lang niya muli nakayakap at nakatabi sa pagtulog ang kaniyang pinakamamahal na ina. Makalipas ang tatlong buwan ay binawian na ng buhay ang kaniyang ina. Nagkaroon ito ng malubhang komplikasyon sa kanyang sakit na stage 4 Colon Cancer. Nandito siya ngayon sa libingan ng kaniyang ina. Naka-alis na ang lahat ngunit minabuti niyang manatili. Labis siyang napaiyak at sabay haplos sa anim na buwang ipinagbubuntis. Nagbunga ang ginawa ng lalaking iyon sa kaniya. "Nay, bakit niyo po ako iniwan? Sabi niyo babantayan at aalagaan niyo pa ako at ang magiging apo ninyo. Bakit ba kasi hindi ninyo iniinom ang mga gamot ninyo? Ayan tuloy mag-isa na lang ako muli," sabay pahid ng mga luha. Maraming ala-ala ang bumalik sa kaniyang isipan. Nagbalik ang galit sa puso at isipan niya. Pati ang nangyari sa kaniya pitong buwan na ang nakaraan. Flash back Tinanghali siya ng gising at nananakit ang kaniyang buong katawan. Pero ininda niya ito lahat. Inabot niya ang mga nakapatong sa ibabaw ng mesa. Lahat ng sinabi ng lalaki ay naroon. Titulo ng bahay at lupa at 10 million pesos na nasa chique. Kinuha niya ito at isinilid sa drawer. "Ma'am, gising na pala kayo? Mabuti naman po. Kain na po kayo. Alam ko pong gutom na gutom kayo," alok ng matandang katulong. "Salamat po." "Ah. Tawagin niyo na lang ako na Manang Loling Ma'am," pakilala nito. "Opo, Manang Loling. Maari ba magtanong?" "Aba, pwede naman. Hanggat alam ko ang sagot sa mga tanong ninyo Ma'am." "Kilala mo ba ang lalaking nagdala rito sa akin?" "Ha?" Bigla natutop ang dila ng matanda. Hindi niya alam ang isasagot. "Okay lang po manang kung ayaw ninyong sagutin. Manang, by the way, tawagin ninyo akong Kristina iyan ang pangalan ko." PAGKALIPAS ng isang buwan. Unti-unti na niyang natanggap sa sarili ang mga nangyari. Gusto sana niyang iwan ang mansion ngunit nag-alala siya na baka mas lalo siyang mapahamak. Mas mabuti namang manirahan doon, matiwasay, malayo sa polusyon hindi gaya nang sa Maynila. Nakarating siya sa bayan at may nakilala siyang isang lalaki, ito ay nagngangalang Miguel. Matipuno ang pangangatawan, gwapo at moreno. Nasa kwarenta ang edad, naging kaibigan niya at ito ang nagturo sa kaniya ng paggamit ng baril, pangangabayo at ibat-ibang klase ng self-defense. Sa tulong rin nito ay nakahanap siya ng abogado na tumulong para palitan ang kaniyang pangalan at pagkatao. Simula noon kinilala na siyang Kristina Grey Villa Rosa. Kinagawian na rin niya ang mangolekta ng iba't-ibang klase ng armas at ang mag-ikot sa buong hacienda sakay ng kabayo niyang si Puti. "Mang Nestor," tawag niya sa kaniyang driver. "Ma'am Kristina? Bakit po?" "Ihatid mo muna ako sa bayan at mamimili tayo ng mga gamit sa bayan. Ngayong araw din darating ang mga in-order kong mga armas." "Ma'am, para saan ang mga armas?" "Para sa mga demonyo Mang Nestor, baka makawala sa lungga nila at tirahin tayo edi may panlaban tayo," seryosong sagot niya sa matanda. "Kayo talaga Ma'am, palabiro talaga kayo." "Mang Nestor hindi iyan biro, totoo yan," saka ngumiti ng nakakaloko. Naging kilala siya sa buong hacienda. Pero hindi siya nakilala na siya ang nawawalang modelo. Hindi siya nakilala dahil ang dati niyang kulay golden brown na buhok pinakulayan niya ng itim, dati lipstick lang ang kaniyang pampaganda pero ngayon nglalagay na siya ng makeup na lalong nagpaganda sa kaniya. Nag-iba ang kaniyang awra, hindi na siya ang dating neneng, ngayon isa na siyang malakas na babae. Nag-iba na rin ng ugali niya dahil ang dating matatakutin ay wala na ngayong sinasanto. Kahit nag-iba siya hindi niya parin nakakalimutan ang nakaraan. Paghihigante ang taging hangad niya kaya siya nagpapalakas. Nakilala rin siyang mabait, at magaling na tagapagligtas ng mga babaing inaapi. Kasalukuyan siyang naglilibot sa hacienda ng makasalubong niya ang mga trabahador. "Magandang umaga po ma'am..." "Magandang umaga rin sa inyo." "Ma'am, mga sariwang prutas, galing po ito sa hacienda," alok ng isang trabahador. "Naku, maraming salamat po." "Ma'am, saka pala marami na pong mga aanihin na prutas, gulay, palay at iba pa ma'am." "Kuya, kayo na ang bahala. Alam kung mapagkakatiwalaan ko kayong lahat. Kayo na po ang bahala na maghanap ng buyer, tutal meron naman kayong kilala na mga buyers. Bago lang po ako rito. Kaya maraming salamat po dahil nandiyan kayo na tumutulong sa akin." "Naku, wala po iyan ma'am. Libreng pagpapatira at pagpapa-aral sa mga anak namin ay sapat na po." "Sige po, maraming salamat muli," paalam niya sa mga trabahador. Isa rin sa mga naging libangan niya ang firing. Ginagawa niya itong libangan at the same time practice para mas lalong maging mahusay siya sa paggamit nito. Mula sa pagkainip ay kinuha niya ang baril. Pumwesto at isa-isang inasinta ang mga target bottles na nakalagay sa mga sanga ng kahoy, bullseye lahat ng iyon. Kinuha niya din ang kaniyang palaso at tinira sa board sapol sa gitna. Magaling na siya kung pakikipaglaban ang pag-uusapan. Pagkatapos ay nagpasya na siyang umuwi at nadatnan niya ang balita tungkol sa kaniya. Kinuha agad niya ang kaniyang cellphone at sibukang kuntakin ang kaibigan. Masyado niya itong na miss. "Hello? Sino to? Ano ang kailangan nila?" Boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Claire…" mahinang sagot niya. "Haley ikaw ba to? Bff? Hello?" "I'm sorry Claire, but..." saka pinutol ang tawag. Hindi niya magawang kausapin ang kaibigan. Nag-alala siya na baka madamay ang kaibigan niya sa nangyari sa kaniya. Binali rin niya ang sim card na ginamit niya para hindi ma-trace up ng mga pulis. Dumating din sa mansyyon ang kaniyang naging kaibigan na lalaki. Dumalaw ito sa kaniya. "Mr. Miguel De Catalino, oh good morning," bati niya dito. "Good morning too Kristina." "How's your day Miguel? Why are you here?" "It's good. Well, I'm here to tell you that I have any information about your mom, she's fine. According to my assit your bestfriend is taking care of her." "Oh. Thanks God. Thank you so much." Agad naman itong umalis pagkasabi ng magandang balita. Pagkaalam niyang iyon ay inutusan niya si Nicolaus na hanapin at iuwi ang ina sa hacienda. >End of Flashbacks Marami man ang mga masamang nangyari sa buhay niya pero kinaya niya para sa kanyang ina, ngunit ngayon wala na ito at muli naman siyang mag-iisa. Ala-sais na ng gabi pero ayaw pa rin umalis ni Kristina sa puntod ng kaniyang ina. Medyo nagkakaroon na rin ng hamog sa paligid at nagsimula ng tumunog ang huni ng mga insekto sa paligid. Bigla siyang kinalabutan kaya dali-dali siyang umalis papunta na siya sana sa sasakyan ng may mabangga siya. Muntik siyang mahimatay ng dahil dito. "Ahhhhhh," she screamed. "Multooo!!!" "Miss, hindi ako multo. Buhay ako..." sagot ng lalaki. "Bitiwan mo ako Mr. kung ayaw mong masaktan..." "Hindi kita bibitiwan. Ihahatid kita pauwi. Hindi nakakabuti sayo ang mahamugan at ma-stress ng ganiyan. Bawal iyan sa ipinagbubuntis mo," pagsusuyo nito. "WTF... Who are you? Bakit ako makikinig sa iyo? Hindi kita kilala, stay away from me." "But Miss..." "Stay away! Huwag mo akong sundan." Padabog na nagpatuloy sa paglalakad si Kristina. Pagkarating sa sasakyan ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nawalan siya ng balanse at tuluyang nawalan ng malay. Pagkagising niya ay laking gulat niya na nasa kwarto na siya nakahiga. "Mabuti at gising ka na. Akala ko may masamang nangyari sa iyo." "Sino ka? Bakit nandito ka sa kwarto ko?" "Dinala kita rito ng mawalan ka ng malay kagabi." "Bakit? Sino ka ba? Anong paki-alam mo sa akin?" "Hindi na mahalaga kung sino ako, basta ang importante ligtas kayo ng anak mo." Tumayo ang lalaki at aalis na sana nang biglang sumigaw si Kristina. Sumasakit ang kaniyang tiyan. Sa subrang sakit ay nawalan uli ng malay kaya dinala nila ito sa malapit na hospital sa bayan. "Doc, kamusta po ba ang pasyente?" "Sir, hindi maganda ang lagay niya. Kinakailangan po namin na operahan ang pasyente. Kailangang ma CS siya. Manganganib sila pareho ng bata..." "Gawin ninyo ang lahat doc maisalba lang sila." "Opo sir. Magdasal lang kayo na magtagumpay ang gagawing operasyon." Humahangos na dumating si Manang Loling kasama si Nicolaus sa hospital, at agad nilang nadatnan ang lalaking nagdala sa babae sa hospital. "Sir nasaan na si Ma'am? Kamusta ang kalagayan niya?" Usisa ng matanda. "Nanganganib silang pareho ng anak niya manang," tugon nito sa matanda. "Ano? Hindi iyan maaari? Anong ginawa mo kay Kristina, hayop ka," sabay hawak sa kwelyo ng lalaki. "Nicolaus huwag kayo mag-away," singit ng matanda sa dalawa. "Tika parang kilala kita... Nicolaus Bernado? Ikaw ito? Bakit ka nandito?" " It's a small world DM. Ikaw, bakit ka rin nandito? What are you doing here?" "Sir DM...Nicolaus... Tama na po. Dapat na magdasal tayo na magiging mabuti na ang kalagayan ni Maam." Nagpa-awat naman ang dalawa. Naging successful ang operasyon. Dalawang araw na siyang tulog pero hindi pa rin nagigising. Inalagaan siya ni DM ng mga panahong natutulog siya. Safe naman ang bata kahit na pre-mature ito. Sabi ng doctor magiging normal naman daw iyon pagkatapos ng ilang buwan na mailagay sa incubator. "Manang Loling…" Mahinang tawag ni Kristina sa matanda. "Shhhh... Wala rito si Manang Loling, pinauwi ko at pinakuha ng mga gamit mo. Huwag kang mag-alala safe ang baby mo." Kinapa agad ni Kristina ang tiyan, at ng mahinuha na wala na ang ipinagbubuntis ay malakas itong sumigaw. Agad na tumawag ng doktor ang lalaki. Pinakalma ang dalaga para hindi ma-damage ang kaniyang bagong opera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD