MAY isang binata na pingtutulungang bugbugin ng limang mga kalalakihan. Nakita ni Kristina ang pangyayari kaya ipinahinto niya ang kanilang sinasakyang kotse.
"Mang Nestor pakihinto po ng sasakyan," utos ni Kristina sa driver niya.
"Opo Maam Kristina, itatabi ko lang muna."
Agad na bumaba si Kristina at tinungo ang kinaroroonan ng mga ito.
"Itigil ninyo ang ginagawa ninyo kung ayaw ninyong sumabog ang inyong mga bungo," sigaw niya sa mga lalaki. Nahinto sila sa kanilang ginagawa at binalingan siya ng masamang tingin.
"Aba, napakagandang binibini parang birhen pero napakatapang para sindakin kami," sabi nang lider nila.
"Hmmm, bitiwan ninyo ang lalaking iyan. Hindi ninyo ba nakikita na halos mawalan na iyan ng ulirat? Ano ba ang kasalanan niyan?"
Hindi siya sinagot ng mga kalalakihan, sa halip ay pinagtawanan lang siya ng husto. Uminit ang ulo niya dahil doon.
"Hindi ninyo ba ako kilala? Ako ang batas dito sa hacienda Villa Rosa. Dapat na matakot kayo sa akin," pagbabanta niya.
"Batas? Eh, sino ka ba? Hindi ka namin kilala. Umuwi ka na lang para hindi ka madamay at masaktan," sagot ng lider. "Iyan? Matapang kasi pero wala naman pa lang binatbat." Tinuro nito ang lalaking nakahandusay sa lupa.
Hindi nagpatinag at nagpadala sa takot si Kristina. Kaya nang nilapitan siya ng isa sa mga lalaki agad niya itong sinipa at sabay bunot ng baril na dala niya. Pinaputukan niya ito isa-isa at pagkatapos ay bumulagta ang limang lalaki sa lupa. Wala siyang pakialam kung sino ang mga iyon.
Dinala nila ang walang malay na lalaki sa mansion at ginamot ang mga natamo nitong sugat.
"Nasaan ako?" usal ng binata nang magising na ito.
"Mabuti at nagkamalay ka na," sabi ng matandang babae.
"Nasaan ako manang?"tanong nito ulit.
"Huwag kang mag-alala, ligtas ka na. Mabuti na lang tinulungan ka ng amo ko."
"Saan po siya at nang makapagpasalamat po ako sa kaniya. Napakabait niya."
Araw-araw naman siyang ginagamot ng matanda kaya mabilis siyang gumaling.
PAGKALIPAS ng isang linggo, fully recovered na ang binata. Nagpasalamat siya sa ginawang pagtulong sa kaniya ni Kristina. Kaya ng magaling na siya ay nagpasya na siyang umalis.
"Ma'am Kristina buti na lang nakita kita rito sa hardin. Magpapa-alam na po sana ako sa inyo. Aalis na po ako Ma'am, maraming salamat po sa tulong ninyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko."
"Huwag ka nang umalis. Mas ligtas ka rito sa Hacienda Villa Rosa. Baka may nakakita sayo noong pinagbubugbog ka ng limang lalaki at ikaw ang pagbuntungan ng mga iyon."
"Ma'am Kristina, pero kailangan ko na talaga umalis at makalayo," pagpupumilit niya.
"Dito ka na lang. Mas mainam naman ang lugar na ito para iyo."
"Salamat Ma'am, maaari bang magtanong?"
"Ano iyon?"
"Ano po ba ang nangyari sa kanila?" tukoy nito sa limang kalalakihan.
"Todas na sila. Mga demonyo kasi kaya hindi sila nakaligtas sa mga bala ng baril ko. Sino nga pala ang pangalan mo?" usisa niya sa binata.
"Nicolaus Bernardo po Ma'am."
"What a masculine name. Sige. Simula ngayon magkaibigan na tayo. Maaari mo na lang akong tawagin sa pangalan ko," wika niya.
"Yes ma'am…Kristina pala."
"Sige. Alais muna ako. Basta dito ka na tumira simula ngayon."
NANATILI si Nicolaus sa hacienda Villa Rosa. Naging close sila ni Kristina. Tinuruan siya ng dalaga na mangabayo, humawak ng baril at ibat-ibang klase ng self-defense. Naging bihasa ang lalaki at naging masculine ang katawan at nagka-abs. Dumagdag ito sa kagwapuhang taglay ng binata. May kakaibang karisma sa mga babae. Marami ang nahumaling sa kaniya na mga kakabaihan sa hacienda.
NAISIPANG mamasyal ni Kristina sa paligid ng hacienda sakay ng kaniyang paboritong kabayo.
"Manang Loling," tawag ng dalaga sa katulong niya.
"Ma'am Kristina, bakit po ba?" sagot nito sa kaniya habang dali-daling lumabas ng mansion.
"Aalis muna ako, mag-iikot lang po ako sa buong hacienda. Mangingingain ng mga prutas doon. Na miss ko na kasi iyong gawin."
"Sige po Ma'am, siya nga pala magpasama ka na kay Nicolaus."
"Huwag na Manang, okay lang ako at gusto kong mag-isa. May iniutos ako sa kaniya, kaya wala siya rito. Kayo na ang bahala rito."
"Opo Ma'am. Mag iingat kayo."
MASAYANG namimitas ng mga prutas si Kristina. Pero bigla siyang natakam at muntik nang tumulo ang kaniyang laway ng mapadako siya sa puno ng mangga. Namitas siya ng bungang mangga, inilagay sa basket at pagkatapos ay sumakay sa kabayo. Pumaroon siya sa lagi niyang tambayan doon malapit sa ilog. Maganda ang view doon, mahangin at nakakapag-relax siya ng mabuti.
Pagkarating niya roon agad niyang itinali si Puti, ang kaniyang kabayo. Agad na pumwesto sa ilalim ng punong kahoy.
"Hmm. Ang sarap ng manggang hilaw, bakit ba kasi ako kain nang kain nito? Masarap din itong makopa, hinog na kapayas at duhat. Hala ang dami ko ng nakain, ano ba ang nangyayari sa akin?" parang baliw na kinakausap niya ang sarili.
Mula sa malayo ay may mga matang malayang nakatanaw sa kinaroroonan ni Kristina. Hindi niya ito namamalayan dahil sa abala siyang kumakain ng mga prutas na kaniyang pinamitas sa hacienda. Simula ng mapasakanya ang hacienda ay inalagaan at minahal niya lahat ng anong meron dito maging tao man o halaman at hayop.
Hindi pa siya na kuntento sa pinagkakain. Umakyat siya sa puno ng bayabas na hitik sa bunga.
"Naku, ang dami talagang bunga. Isang buwan pa lang akong hindi nakabalik dito namunga na pala kayo," parang baliw na naman siyang kinakausap ang mga bunga ng bayabas.
Mapagkakamalan siyang may saltik 'pag may taong makakakita at makakarinig sa kaniya ngunit wala namang pwedeng makasaksi ng gayong bagay. Linggo kasi kaya day off ng lahat ng mga trabahador.
Hindi niya namalayang nasa dulo na siya ng sanga, bigla siyang napuwing at nadulas ang kamay niya sa pagkakahawak kaya bigla siyang nahulog.
"Diyos ko po, maawa po kayo sa akin," tanging nasambit niya dahil sa takot at pagkagulat.
Malaki ang pasasalamat niya ng may sumalo sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" tanong nito, habang hawak pa siya ng lalaki.
"Okay lang ako Nicolaus," sabay mulat ng mga mata. Laking gulat niya ng makitang hindi ito si Nicolaus.
"Sorry, hindi ka pala si Nicolaus. Ibaba mo na ako. Okay naman ako. Salamat pala sa pagsalo sa akin. Akala ko mamamatay na ako eh."
Ngumiti lang ang lalaki at ibinaba siya nito. Nahiya siya at nakaramdam ng pagkailang dahil dito. Ano ba kasi ang pumasok sa utak niya at inakyat niya ang puno ng bayabas? Ayan tuloy muntik na siyang mamatay ng dahil lang sa pagkahulog.
"Bakit ka ba kasi umakyat sa puno ng bayabas Miss? Kanina pa kita nakikitang panay ang kain mo ng mga prutas. 'Di ka pa ba nabubusog?" sunod nitong tanong. Maganda ang boses nito.
"Wala kang pakialam." Sabay talikod sa anang lalaki.
Ngunit hindi pa man siya nakaiilang hakbang ay nahagip na siya nito sa beywang dahilan na napabalikwas siya at mapasubsob sa dibdib ng lalaki. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Bigla siyang may naalala na pamilyar na pakiramdam. Kaya mabilis siyang kuwala mula rito. Agad na sumakay sa kabayo at bumalik sa mansion.
DUMIRETSO siya sa kaniyang kuwarto. Napuyat siya sa pangyayaring iyon. Humiga siya sa kama. Pero kahit anong pagod ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok. Ginugulo pa rin siya ng mga pangyayari kanina at higit na ang lalaki na parang pamilyar sa kaniya.
Narinig niya ang kaniyang cellphone na tumunog.
Napabalikwas siya upang tingnan ang kaniyang telepono. Si Nicolaus ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. "Hello, Nicolaus."
"Kristina, may mabuti akong balita sayo."
"Bakit, ano iyan?"
"Nahanap ko na ang ina mo, kasama ko siya ngayon at papunta na kami ngayon diyan sa mansion."
"Maraming salamat, Nicolaus."
Napuno ng saya ang puso niya. Hindi na siya natulog. Nag-ayos na lang siya ng sarili at nag-abang sa pagdating ng kaniyang ina. Bumaba at pumunta siya sa kusina. Nagluto ng masasarap na pagkain. Mga paborito nila ng kaniyang ina.
"Ma'am Kristina…Ma'am?" tawag sa kaniya ni Manang Loling.
"Bakit po Manang Loling? May nangyari ba? Ano po?"
"Wala ho ma'am, pasensya na. Pero nandiyan na si Nicolaus at may kasamang babae. Maganda kagaya niyo ng mga kabataan niya pero hanggang ngayon ay makikita pa rin naman."
Napatigil sa pagsasalita si Loling ng makita na wala na ang dalaga. Nagtaka siya kung bakit. Nakita niya na lang na mahigpit na niyakap ng dalaga ang matandang babae na kasama ni Nicolaus. Kaya inihain niya na lang sa mesa ang mga pagkaing niluto ng dalaga.
Kumain muna sila at saka dinala ni Kristina ang matandang babae sa kuwarto nito.
"Nay, akala ko hindi na kita makikita. Akala ko hindi ko na magagawang hanapin ka," wika nito habang mahigpit na yakap ang ina.
"Anak, hindi mangyayari iyon. Hindi tayo pababayaan ng panginoon. Walang makakapaghiwalay sa atin maliban sa lamang kamatayan."
"Nay, huwag niyo po iyang sabihin. Ngayon na nandito ka na. Hindi na tayo magkakahiwalay. Maniningil ako sa taong may gawa nito. Magbabayad siya sa ginawa niya sa akin."
"Anak, hindi maganda ang paghihigante. Bayaan mo na ang Diyos ang maningil sa mga kasalanan nang may gawa nito sa iyo. Magpasalamat ka na lang at buhay ka, nahahawakan pa kita at nayayakap."
"Nay,"saka yumakap ulit sa ina.
"Papaano ka ba nakarating dito anak? Napakalayo nitong lugar?"
Kinuwento lahat ni Kristina ang lahat ng mga nangyari sa kaniya, kung bakit siya nakarating doon.
Naging masaya naman silang mag-ina kahit papaano dahil magkasama na sila. Paunti-unti niyang kinakalimutan pero kailangan pa rin niyang maghigante.
NAGISING si Kristina dahil sa kung may ano siyang naamoy. Nang bumaba siya at nagtungo sa kusina, nadatnan niya ang ina na nagluluto.
"Nay ano ba iyang niluluto mo?"
"Inihaw na pusit anak, di ba paborito mo ito?"
"Nay, ang baho ng amoy...bigla pong sumama ang sikmura ko parang maduduwal ako." Tumakbo siya papuntang lababo at nagsusuka.
"Ano ba ang nangyari sa'yo anak? Dati sarap na sarap ka sa pagkain ng inihaw na pusit pero ngayon bakit nasusuka ka na?"
Hindi siya sumagot, sa halip panay suka lang ang ginagawa niya.
"Parang may mali yata sa batang iyon."
Nasalubong ni Kristina si Manang Loling. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari kaya agad siya nito pinainom ng maligamgam na tubig.
Lumabas si Manang Loling sa harden at nagdilig. Pagkatapos kasi niyang painumin ng maligamgam na tubig si Kristina ay pumunta silang mag ina sa hospital para magpa-check up.
"Sino po ba? Ha? Sir, bakit nandito kayo? Hindi ba sabi mo hindi ka na babalik dito? Kailan ka lang ba dumating?"gulat na tanong ni Manang Loling sa lalaking kaharap niya ngayon.
"Kahapon pa Manang," sagot nito sa matanda.
"Saan ka muna nagpalipas ng gabi?"
"Kay Mang Isko, doon muna ako tumuloy pansamantala." Si Isko ang trabahador na nakatira sa kabilang Ilog.
"Aba, baka makita ka niya dito, sir."
"Manang Loling hindi niya ako makikilala. Hindi niya nakita ang mukha ko noon."
"Pero sir..."
"Nasaan na pala siya?" tanong nito habang may hinahanap.
"Wala sila rito ng kanyang ina, kanina ng umaga ay sumama ang pakiramdam ni Ma'am Kristina kaya pumunta sila ng doctor para makapag-check up sir," sagot ng matanda."Sir umalis na muna kayo, doon na muna kayo kay Isko. Jusko baka magkapatayan kayo. Saka baka makita kayo ni Nicolaus."
"Sinong Nicolaus? Kasintahan ba siya ni...ni Kristina?"
"Ewan ko po sir, basta malapit sila sa isat-isa..."
Hindi namamalayan ni Loling na nakabalik na pala ang mag-ina galing hospital. At papalapit sa kaniyang kinaroroonan si Kristina.
"Manang Loling, sino ang kinakausap niyo rito? Wala naman akong nakitang tao ah."
"Wala po ma'am, mga halaman lang po."
"Ah, akala ko kase may kausap ka."
"Ang mga halaman lang ang mga kinakausap ko."
"Ganuon ba? Aalis na ako."
Mabuti na lang at mabilis na nakapagtago sa halamanan ang lalaking kausap ng matanda.
"Buti na lang sir, lagot sana ako! Sige na, alis na ako na ang bahalang magbantay sa kaniya," wika nito saka bumuga ng hangin. Nanginig ba naman siya sa sobrang takot.