MABILIS na kumalat ang balitang dinukot si Haleh ng tatlong armadong lalaki. Pero simula ng madukot siya hanggang ngayon ay hindi pa siya nahahanap.
Mahigit tatlong buwan na siyang pinaghanap ng mga pulis. Madalas din mawalan ng malay ang kanyang ina dahil sa labis na pag-aalala sa kalagayan ng anak. Mabuti na lang at doon muna umuuwi sa bahay nila si Claire para maalagaan ang ina ni Haleh.
"Miss Claire, pwede ka bang ma-interview para sa pagkawala ng bff mo na si Haleh? May natatandaan ka pa ba bago nangyari ang pagdukot sa kanya?" tanong ng isang reporter. Pumunta kasi ito sa office niya.
"I'm so sorry Maam, wala na po akong natatandaan maliban sa pauwi na sya noon. Nagpaalam siya sa akin na mauuna ng umuwi na dahil pagod na siya at ina-antok," tanging nabigay na impormasyon ni Claire sa reporter.
Naiirita na si Claire sa paulit-ulit na tanong ng mga media. Ito naman kasing mga pulis wala pa ring nagagawa para mahanap ang kaibigan niya. Kahit wala si Haleh sa company bilang model ng mga classic na gown pasalamat pa rin siya at nakahanap ng bagong modelo. Maganda ito, maputi at mataas. Pero kahit anong mangyari mas mainam pa din ang bff niya. Marami ang naaaliw doon at mas malaki ang kita ng kompanya noong siya pa ang nagmomodelo sa mga classic at branded na mga gowns.
"Miss Claire, I'm sorry for being late," paliwanag ni Czenaida Mac Gurry. Siya ang pumalit kay Haleh.
"It's okay Czen. By the way be ready for the pictorials."
"Yes, Miss Claire," sabay ngiti.
Agad namang natapos ang pictorial kaya maaga na umuwi ng bahay si Claire. Nag-aalala na naman siya sa kalagayan ng ina ni Haleh. Kanina kasi bago siya umalis malungkot ito habang nakatanaw sa may bintana. Baka ano ang pwedeng maisip ng matanda.
Mabilis siyang umuwi para e-check kung ano ang kalagayan nito. Lumuwag ang puso niya ng makitang nagluluto ang matanda sa kusina ng madatnan niya ito.
"Tita Fe, magandang hapun."
"Halika na Claire, kumain ka na. Alam kong gutom ka. Sana kung nandito lang si Haleh mas masaya. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na buhay pa sya at makakabalik pa sya rito."
Ipinaghain siya nito ng pagkain sa mesa. Naupo na rin siya para matikman ang luto nito. Masarap itong magluto at pareho nilang paborito ni Haleh ang mga luto nito.
"Opo tita, pasensya na po. Wala pa talagang update ang mga pulis, ang bagal ng imbestigasyon. Pero huwag kayo mag-alala. Gagawin ko ang lahat mahanap lang sya."
"Salamat hija, napaka-suwerte ng anak ko na nakilala ka niya."
"Uhmm. Tita, sumama po kayo bukas sakin pupunta tayo ng bahay. Doon muna kayo magstay para marami kayong makakasama sa bahay. Napakaboring naman dito. Biro lang iyan tita, sa akin lang ay para maykasama ka."
"Aba, pwede naman hija."
Kinabukasan sumama ang ina ni Haleh sa bahay nina Claire kahit papaano ay naibsan ang kanyang lungkot dahil may kasama na siya. Marami ang mga bata sa bahay ni Claire. Mga pamangkin iyon lahat ni Claire. Mga pamangkin sa mga pinsan niya.
Nasa sala si Claire at nakaupo sa harapan ng kanyang laptop ng may hindi nakarehistro na numero ang tumawag sa kanya. Agad niya itong sinagot dahil nagbabakasakali siyang magbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kaibigan niya
"Hello? Sino to? Ano ang kailangan nila?"
Ibababa na sana ni Claire ang telepono dahil sa inip na wala namang sumasagot sa kabilang linya ng may biglang nagsalita.
"Claire," mahinang wika ng nasa ibang linya.
"Haleh ikaw ba to? Bff? Hello?"
"I'm sorry Claire, but..." sabay putol ng tawag sa kabilang linya.
Ipina-alam agad ni Claire sa mga pulis ang tungkol sa tumawag sa kanya.
"Yes, sir! May tumawag sakin parang boses ng kaibigan ko. Paki-trace up ng number na to. I'll going to send it later. Thank you, bye."
Pagkatapos ng pangyayaring iyon pinakalma niya ang sarili at hindi muna ipinaalam sa ina ng kaibigan baka ito ay aatakihin na namang ng sakit dahil sa subrang pag-aalala.
Maagang pumasok ng trabaho niya si Claire kahit na naghahalo pa rin ang pagod na kanyang nararamdaman. Pinagsasabay niya ang trabaho at paghahanap sa kaibigan.
Sinalubong agad siya ng sekretarya ni DM.
"Ma'am Claire, ipinapatawag po kayo ni sir DM. Pumunta lang daw kayo sa opisina niya," sabi ng secretarya ni DM
"Okay, thanks Miss Jo,"agad tumungo sa opisina ng boss.
Kumatok muna siya bago pumasok.
"Come in, let's talk," wika nito.
"Yes sir!"
"Sit down. By the way hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like you to work on for the newest project in States. Alam kong kaya mo 'yon. Magaling ka Claire. Don't worry about here Miss Cindy will take over. Is that clear?"
"But sir, what about Haleh's case I'm incharged of it. Hindi ko kayang iwan iyon ng basta-basta lang. Naaawa na ako sa mama ni Haleh, masyado na talagang sakitin lalo pa at nawala pa si Haleh," pagdadahilan niya.
"I'll going to take care of that case, losing her in our company is also a big loss in our money. As well as, I like her. Even I did not see her face for the first time."
"What you mean, you like her? As in gusto mo siya?" Di makapaniwalang tanong ni Claire sa boss niya. "Okay sir. Just promise me. I don't want to lost my one and only bff."
"Nah. I like her as my employee, that's all. Okay, I'll fixed this as soon as possible, just trust me."
"Hmm. Weeh?" wika nito na may tunong panunukso.
"It's true. Sige na. Good luck sa project. Do your best," sunod nitong wika. Saka sumandal sa swivel chair niya.
"Okay. I will," sagot ni Claire.
Lumabas ng opisina ni DM si Claire pero hindi siya naniwalang basta employee lang ang tingin nito sa friend niya.
Pagkatapos ng utos na iyon ni DM agad na tumungong States si Claire. Hindi niya talaga pwedeng tanggihan ang utos ng amo.
Bago siya umalis ay nagpa-alam siya ng mabuti kay Aleng Fe. Hindi naman siya lubos na nabahala dahil sa pangako ng kanyang boss.
NASA location sila ngayon ng pictorial.
"Okay, let's take another shots. Then, proceed to another location," utos ni Claire sa kanyang mga kasamahan.
"Yes Ms. Claire."
"By the way Doddie may updates na ba mula Pinas?" usisa ni Claire sa baklitang sekretarya niya."
"Wis Ms. Claire," sabi sabay kindat. Naku naadik na itong magsalita ng gay lengua.
"Sige. Doddie, magpapahinga muna ako. Take charge ka muna dito. Thanks!"
"Siya-siya Miss Claire. Gora..."
Maaga pang pumunta sa kompanya ni DM ang kanyang kakilala at isa ring investor na si Manolo Bernardo. Likas sa matanda ang pagiging straight forward kung magsalita. Hindi din nito batid na minsan napakasakit at bastos na pala ang kanyang pananalita.
"Good Morning Miss Czenaida," bati ni Don Manolo sa modelo.
"Good Morning din Sir," bati niya rin sa matanda.
"How are you? How's the feeling of being a new model ng Del Carmin Interior and Expo?" tanong nito sa dalaga ng may lokong titig dito.
"Mabuti naman sir. I'll go first. May trabaho pa kasi ako eh."
"Okay, take care Czenaida. Wala kasing nagtatagal na mga modelo rito, lalo na kapag magaganda at sexy," makahulugang sabi ng matanda.
Kinilabutan si Czenaida sa mga narining mula kay Don Manolo. Parang nagbabanta. Umalis na lang siya at hindi pinansin ang sinabi nito. Baka nagbibiro lang naman.
SAMANTALANG, may naghahanap naman kay Aling Fe. Baka may maganda itong pakay dahil nagawa nitong puntahan siya sa bahay nina Claire.
"Tita Fe, may naghahanap sa inyo, napakapogi," sabi ni Bibang kasambahay ni Claire. Kinilig pa ang ateng.
"Aba, Bibang, sino ba yan?" usisa niya dito.
"Hindi ko po alam Tita Fe, basta andon sa sala."
Agad na lumabas si Aling Fe at nakita agad niya ang lalaking nakaupo sa sala. Agad siya nitong nilingon ng maramdaman ang presensya niya.
"Magandang Hapun po," unang bati niya sa matanda.
"Hijo, ano ba't naparito ka? Anong kailangan mo sa akin?" usisa ng matanda sa binata.
"Aling Fe, naparito po ako para tumulong na mahanap si Haleh. Ako ang boss nila sa Del Carmin Interior and Expo. Labis po talaga kaming nangungulila sa kanyang pagkawala."
"Hijo, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal ang aking anak, walang kapantay iyon. Siya na lamang ang natitirang mahalaga sa buhay ko."
"Aling Fe, tutulong po ako sa abot ng makakaya ko."
"Maraming salamat hijo. Aasahan ko yan."
"Bigyan niyo lang po ako ng isang linggo. Marami naman akong tauhan na pinapakilos. Naghihintay na lang po ako ng new update mula sa mga private investigator ko."
Pagkatapos ng kanilang usapan at nagpa-alam na rin ito sa kanya.
Naging masaya at panatag ang kalooban ng matanda sa narining nito mula sa binata. Kaya nagpalakas siya. Ininom niya ang mga gamot na niresita sa kanya ng doctor.
Pagkaraan ng isang linggo ay bumalik ang binata at parang may magandang balita ito sa kanya.
"Hijo, bakit nandito ka na naman? Nahanap mo na ba si Haleh ko?"
"Opo Aling Fe, dadalhin kita sa kanya. Pero huwag ninyong sasabihin kahit kanino baka manganganib muli ang buhay niya." Paalala nito sa matanda.
"Talaga? Salamat sa iyo. Kailan ko siya pwedeng makita?"
"Sa susunod na araw po. Dadalhin kita roon."
Labis naman ang saya na nadama ni Aling Fe ng mga sandaling iyon. Walang ina ang matitiis na mawala ng matagal ang kanyang mahal na anak. Puno ng kasabikan ang puso niya ng mga sandaling iyon.