KABANATA 7

1076 Words
GALIT na galit si Manolo ng malamang nakatakas si Claire. "Punyita! Nasaan na si Claire?"galit na tanong ng matanda. "Boss, may kumuha sa kanya. Todas na lahat ng bantay bago ako dumating sa hide-out." "Siraulo ka, papaano na 'yan? Hawak ko na ang alas nawala pa. Maghanda sila at matitikman talaga ang tamis ng aking paghihigante."Galit na tumawa ang matanda. Siya pa ang may ganang magalit dahil sa nangyari. At talagang gusto pa niyang maningil dahil kung tutuusin siya dapat ang sisingilin, siya ang may utang na dapat pagbayaran. Matapos niyang matalakan ng husto ang mga tauhan ay inutusan na niya itong hanapin si Claire at maging si Haley. SAMANTALANG nagising na rin si Claire mula sa pagtulog. Kahit mahina pa ay kinausap na nito si Haley . Marami siyang tanong na gustong malaman ang mga kasagutan. "Haley, bff. Papaano bang nangyari itong lahat ng ito? Buti na lang at kinaya mo. My goodness. I'm really sorry, " wika niya saka niyakap ang kaibigan. "Ano ka ba? Sinabi ko na sa'yo na walang dapat sisihin. Kung may mga dapat sisihin ay ang mga taong masasama kagaya ni Manolo at ang lalaking nagdala sa akin dito sa hacienda," tugon ni Haley. "Kilala mo ba siya? Sino siya? Dinala ka nga dito pero binigyan ka pa ng anak. Ang sama niya," sagot niya. "Hindi ko siya kilala pero sa oras na makikilala ko siya ay pagsisihan niya ang mga ginawa niya. Ang baboy niya. Ilang beses akong nagmaka-awa pero baliwala ang lahat," may galit sa boses nito habang naikuyom naman ang mga palad. Nagsimula nang tumulo ang mga luha nilang dalawa. "I'm sorry Haley, akala ko makakatulong sa iyo ang pagkuha ko sayo bilang isang modelo pero hindi pala. Nakasama pa sa iyo. I'm sorry," paghihingi nito ng tawad habang niyayakap ang kaibigan. Nagpunas ng luha si Haley. "Tama na iyan. Ang mahalaga pareho tayong buhay at ligtas ng sa ganun ay makakapaghigante pa tayo. Pasalamat din ako sa lalaking iyon kahit papaano. Binigyan niya ako ng lakas ng loob, pera at lahat ng mayroon ako ngayon. Hindi niya alam ay hahanapin ko siya kahit saang lungga man siya magtago. Pagsisihan niya ang araw na ginawa niya iyon," galit na galit niyang wika. Tumango naman si Claire. "I'll help you." "Sige na, maiba na tayo ng usapan. Nagugutom ka na ba? Ikukuha kita ng pagkain. Huwag ka munang bumaba. Siguro bukas magaling ka na man saka ka na pumanaog at magpahangin sa labas." "Sure. Thank you talaga bff." "Sige." Pumanaog na ito saka kinuhaan ng pagkain si Claire. Pagkatapos ay umakyat na sa kuwarto nito at pinakain ang kaibigan. Agad na din itong nagpaalam na aalis at pupuntang libingan ng nanay niya. Sariwa pa ang sakit sa puso niya ng mawala ang pinakamamahal niyang ina. Kaunti na lang ang panahon na nakasama niya ito ulit at binawi naman agad ng Maykapal. Kahit hindi pa lubusang matanggap ang nangyari ay inuunti-unti niyang tanggapin ang lahat. Nangako siya sa nanay niya na aalagaan niyang mabuti ang anak niya kahit nabuo ito sa making pagkakataon ay dapat pa ri niyang mahalin gaya ng ina niya. Nasa tabi na siya ng puntod ng nanay niyang si Fe. Nagsimula namang umagos ang luha niya. "Nay, I miss you." Mula sa malayo ay may mga matang nakatingin sa kanya. Mga matang nagluluksa rin. Mga matang may kasabikan na makita siya. Hindi ito napansin ni Haley dahil nasa malayo ito. Malaya lang siya nitong pinagmamasdan ng palihim. "Nay kung hindi sana tayo iniwan ni Daddy ay hindi mangyayari ang lahat no? Ang selfish niya. Nakaya talaga ng konsensya niya na iwan tayo at ipalit sa ibang babae. I hate him. At kahit kailan hindi ko nanaisin na makita siya," wika niya habang nagpupunas ng luha. Nagtangis ulit siya ng maalala ang nakaraan niya. "Daddy, saan ka pupunta?" tanong ng limang taong gulang na bata sa kanyang ama na nakahawak sa isang maleta. "I'm going home in Britain. You want to go with me?" "But why Daddy? Are you going to leave mommy here?" inosenteng tanong ng bata na nilingon ang inang umiiyak. "Yes, I will not going back here anymore so please come with me, okay?" Pagkarinig ng bata ng sinabi nito ay napatakbo ito sa kanyang ina. Yumakap sa mga paa nito. "Umalis ka na Roger, iwan mo na kami. Pero hindi ko ibibigay si Haleyah sa iyo. Mamumuhay kaming dalawa na magkasama. Umalis ka na," wika ng umiiyak na ina. "Okay fine. I will go. I will never come back here anymore. Forget me and I'll forget both of you," sabi nito saka tuluyan nang umalis. Umiiyak ang bata habang tinakbo ang pintuan para habulin ang ama pero nakasakay na ito sa taxi. Simula noon ay binuhay siya ng kanyang ina sa kahit anong trabaho. Pagiging maid, labandera at basurera mabigyan lang siya ng magandang buhay. Dahil sa pagkayod-kalabaw nito ay nagsimula na rin itong magkaroon ng sakit. Noong una ay tinatago pa niya ito pero kalaunan ay nalaman din ng anak. Dahil sa nangyaring iyon ay nagsimula siyang magtanim ng galit sa ama. Naiinggit siya sa lahat ng mga kakilala niyang may mga amang maalaga pero ng makilala niya si Claire at ang ama nito ay nakahanap ulit siya ng pangalawang ama kung ituring niya. Mabait kasi ang ama ni Claire kaya close sila. Tinulungan din siya nito na makapag-aral. Pinahid na niya ang mga luha. Hapun na kaya gusto na niyang umuwi baka hinahanap na siya ng bata. "Nay, paalam na. Babalik naman ako dito kapag hindi na ako busy. I love you." Umalis na siya saka sumakay sa kanyang kotse. Ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya ay parang nalugmok din. Pinanuod siya nitong makaalis na. Pagkarating sa mansion ay nasa baba na si Claire ng madatnan niya. Bumaba na ito ng kuwarto.Siguro nakaramdam na ng inip sa mahabang pagkahiga sa kuwarto. Nakikipaglaro na ito sa bata. Tuwang-tuwa naman ang bata sa kanya. Matamis ang mga ngiti nito at tawa. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot niya. "Haley, halika rito. Ang cute ni baby oh. Samahan mo akong laruin si Kizanee. Ang cute-cute talaga niya," tawag nito sa kanya. Nakita pala siya ni Claire na kakapasok lang ng pintuan. "Peekaboo, peekaboo," wika ni Claire saka nilaro ulit ang Bata. Tuwang-tuwa naman ito sa ginagawa ni Claire. Napangiti naman siya at lumapit sa dalawa. Natutuwa ang puso niya sa tuwing nakikitang nakangiti ang bata. Naiibsan nito ang lungkot niyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD