KABANATA 8

1433 Words
NASA garden sina Haley at Claire, pinapasikatan nila ng araw ang bata. Maaga pa kaya mainam ang makukuhang vitamin E, mas nakakapag padagdag ito ng kinang sa balat ng bata. "What a very cute baby, Haley. Copy na copy niya talaga ang maganda mong mata, maging pilikmata, hugis ng mukha, lips, at ilong. My God, parang angel siya. Hmmm, tika lang may parang pamilyar rin ang mukha ni baby Kizanee,” wika ni Claire dahil sa nahalata niya, o baka nagkakamali rin lang siya. Kunot ang noo nito. "Kanino na man aber?"tugon ni Haley habang natatawa. "Basta ang ganda-ganda ng batang ito," manghang-mangha talaga si Claire sa Bata. She hoped she had to have a beautiful baby girl too. "Claire, tama na iyan. Oo na napaka-cute ni baby. Alam mo thankful ako na hindi ko siya pinalaglag." "Yeah, exactly Haley. Tama ang ginawa mong desisyon. Hindi kasalanan ng bata ang nangyari sa nakaraan mo. Dapat nga thankful ka pa kasi maganda ang lahi ng anak mo," pagbibiro ni Claire. "Excuse me, Maam Kristina. May gustong kumausap sa inyo," singit ni Manang Loling. "Nasa sala po ang bisita ninyo, " sunod nitong sabi. "Okay Manang Loling, susunod ako." "Sige Haleu, ako na ang bahala kay baby Kizanee. Mamasyal lang kami sa garden ng baby," sabi ni Claire habang bitbit ang bata. Tuwang-tuwa na naman ito dahil nilalaro niya. Samantalang pinuntahan ni Haley ang umanong bisita niya. Ngunit hindi naman niya nakita sa may sala ang sinasabing bisita niya kaya naisipan niyang umakyat muna siya sa kuwarto. Nag-ayos siya at nagsuot ng isang simpleng bestida. Naglagay ng kaunting makeup na dumagdag sa kanyang likas na kagandahan. Pumanaog na siya agad baka nga nandoon na iyon sa sala at naiinip sa kanya. "Good Morning sir," bati niya sa lalaking nakatalikod. For sure ito na ang bisita niya, wala namang ibang tao sa sala e. "Good Morning rin Kristina," sagot ng lalaki na biglang napalingon sa kanya. Nakagawi kasi ito kanina sa may mga kuwadro na nakasabit sa dingding. "Huh! Ikaw na naman? Ano na naman ang kailangan mo?" sunod-sunod na tanong niya sa lalaki habang lumalaki ang mga mata. "Well, I'm here because of you and for the baby. Hindi ko kayo pwedeng pabayaan ng basta-basta lang," sagot ng lalaki. Nag-ikot siya ng mga mata ng marinig ang sinabi nito. "Why are you doing this Mr? Who are you to care for us? I don't even know you. I can stand alone on my own, so better leave, leave–"wika niya sabay turo sa pintuan. "No, Kristina. I don't want to let you carry the responsibility of raising Kizanee on your own. I also have a responsibility for you and for the baby. I don't want to see that child growing up without a biological father. I don't want that child to suffer like what you've done before," giit ng lalaki. Umismid siya. Nagtaas ng kilay. "How dare you say that. In the first place you are a stranger who suddenly appeared into my life. I don't even know you." "I don't care. Basta kilala kita noon pa," pakli pa ng lalaki. "What do you know about my life?" Isang sampal ang binitiwan ni Haley. "I don't need any man to take any responsibility for us. I don't even know you?" "Haley, I'm so sorry but I have committed a mortal sin on you. I... I..." Naputol ang sunod nitong sasabihin ng marinig na papalapit sina Claire. "Haley, nandito na kami ni baby Kizanee," boses ni Claire na papalapit. "Claire, dalhin mo muna si baby sa kwarto, pakiusap." "Tika, tika.. Sir DM ikaw ba ‘to?" biglaang pagkagulat ni Claire ng makita si DM sa mansion. "Kilala mo siya Claire? Kilala mo ang walang modong lalaking ito? Susulpot-sulpot sa kahit saan. Tapos sasabihin ang kung any-ano? May lahing kabuti yata 'to eh," maangas na pahayag ni Haley . "Claire, let me explain about this," singit ng lalaki na maluha-luha ang mga mata. "Explain about what sir?" Naguguluhang tanong ni Claire. Akala kasi ni Claire na magkakilala na ang dalawa. Binalingan nito ang kaibigan. "Haley, hindi pa ba kayo magkakilala? Akala ko ba–" putol nito ng makitang pinanlakihan siya ng mga mata ni DM. Indikasyon na pinapahinto siya nito sa anumang sasabihin niya. Kaya tumahimik na lang siya. "Claire, please. Take baby Kizanee to the room, now. We have something to talk about," singit din ni Haley. “Okay, let's go baby Kizanee.”Agad namang tumalima si Claire sa pakiusap ng kanyang kaibigan. Labis ang kanyang pagtataka kung bakit nandito si DM saka bakit sila nag-aaway ng ganun. Akala pa naman niya si DM ang tumulong kay Haley na makaligtas mula sa dumukot dito. Mula sa itaas ay naririnig pa rin niya ang bangayan ng dalawa kaya bumaba si Claire para awatin ang dalawang nagtatalo. Nakatulog na naman si baby Kizanee at kanya ng pinabantayan kay manang Loling. "Ahem," tikhim ni Claire mula sa likuran ng dalawa. Hindi pa tumugil ang dalawa sa bangayan nila. "Excuse me! Tama na nga iyan, baka magising ang bata. Pinatulog ko muna siya dahil inaantok na sa kakapasyal ko sa labas." "Thank you Claire, but..." sagot nito pero hindi naman itinuloy ang kanyang gustong sabihin. "Ano Haley?" Nagtatakang sagot niya sa kaibigan. "Ah... ah...wala," nauutal na sagot ni Haley. Tumango na lang siya saka binalingan ang amo. "Sir, bakit ka pala nandito? Bakit kayo nag-aaway? Well, magkakilala naman siguro kayo, hindi ba?" "Claire, I am here to offer a big help for Haley but she doesn't want to agree with it," paliwanag ng lalaki. "Ano ba naman kasing tulong iyan? Ang dami mo ng naitulong mula pa noon, ‘di ba? Ikaw din ba ang nagpahanap kay Haley at sa Nanay niya?" "Yes, pero hindi ko pa nadadala dito si Aling Fe, ay nakuha na siya nina Haley." "Sinungaling siya. Never niya akong tinulungan. Hindi ko siya kilala." Mas lalong naguluhan si Claire. Tila natameme ang lalaki sa mga tanong ni Claire. Parang napako rin si Haley sa kanyang kinatatayuan, hindi maigalaw ang mga paa maging ang ilang bahagi ng katawan. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi at pinupunto ni DM. "Excuse me. I want to talk to Kristina." Magalang na pahayag ni Nicolaus. Dumating na ito mula sa pinuntahan niya. "Excuse us," agad na paalam ni Haley sa kanila. Tango lang ang sinagot ng dalawa. Naiwan sina DM at Claire kaya nag-usap silang dalawa ng masinsinan. "Tell me sir. Ano ba talaga ang totoong nangyari? Anong tulong naman ng pag-ako mo ng responsibilidad sa bata at para kay Haley?" tanong ni Claire, magulo ang utak niya, at mas magulo pa sa lovelife niyang bukya. "I want to be the father of Haley’s child. I want to help her by that." "And… Why do you have to do that sir? Any motives? Hmmm, hindi ninyo naman siguro pwedeng gawin iyon ng basta-basta lang kung walang malalim na dahilan, hindi ba?" " I'll tell you the whole story and please don't judge me, okay?" Tango lang ang naging sagot ni Claire sa kanya at nakinig sa kaniyang paliwanag. Sinabi niya ang malalim na rason kung bakit gusto niyang tulungan si Haley. Ikinuwento rin lahat ni DM ang mga nangyari. Nasa garden sina Haley at Nicolaus ng mga panahong iyon at nag-uusap din. Mula sa malayo pinagmamasdan sila nina DM at Claire. Malungkot ang mukha ng lalaki ng makita ni Claire. "Sir, okay lang ba kayo?" tanong niya sa boss niya. "Ah, I'm okay. By the way, Claire, do they have any relationships?" "Hmmm, I think wala silang relasyon sir. Sabi kasi ni Manang Loling close lang daw silang dalawa. Parang right hand niya daw ang lalaki." "Okay, Claire, please help me get close to Haley. I already told you about it. I hope you're gonna understand everything that happens." "Of course. Kung ako ang tatanungin pwede talaga. Before, I was shocked and I felt anger towards you but when you explained everything I understood it. Mas mabuti nang ikaw ang naka-una kaysa sa iba o si Manolo pa. Pero nag-aalala pa rin ako kapag malaman niya ang tungkol sa ‘yo, ang buong katotohanan." "Please. Huwag mo munang sabihin sa kanya. Ako ang nagsimula kaya ako ang tatapos nito, " determinadong wika nito. Tama naman ang katuwiran niya. Siya ang nagsimula kaya siya dapat ang tumapos. Pero paano niya sisimulan? Ni ayaw sa kaniya ni Haley. Pilit na ngiti naman ang pinakawalan ni Claire. "Okay, ikaw ang bahala." May tiwala siya kay DM. May isang salita ang lalaki. Kaya dapat itong ipakita na karapat-dapat din siyang pagkatiwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD