CHAPTER 1
Yurika's POV
Maaga akong gumising para pumasok sa trabaho ko..
"ano pong almusal?" Tanong ko..
" Gising kana pala? Oh! Kumain kana" pagaaya ni tita..
Itlog,sinangag,at kape
Yan ang almusal ko ngayon..
Wala eh mahirap lang kami, hindi tulad ng ibang mayayaman bacon ang almusal...
"kumain kana din po tita" aya ko..
"Sige mamaya nalang..ahm..kailan pala sahod mo?" Tanong nya..
by the way step mother ko sya ah? Hindi ko sya tunay na nanay..kasi sabi ni papa iniwan na daw kami ng nanay namin noon,kaya nag asawa si papa ng bago,di ko alam ibig sabihin ng wala na patay na ba? O iniwan lang talaga kami?
At..si papa patay na,kaya ang nagaasikaso sakin ngayon ay stepmother ko..
"Bukas po..bakit po?" Tanong ko rin.. bakit?ipangsusugal nya na naman ba?
"Ahm...wala naman...ideretso mo sakin bukas ah?" Sagot nya..
Tss! Sabi ko na eh..
"Okay.." sabi ko nalang...
Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako..
Sumasakay lang ako ng jeep pag pumapasok sa trabaho..
At syempre kailangan maganda ako Pag pumapasok sa trabaho..
Kasi baka makita ako ni crush na panget kaloka! Hahaha!! Nakaka offened yun.
***
Pagkababa ko ng jeep nagayos na ako ng sarili ko sa cr ng kompanya na pinapasukan ko..
At.....perfect!! Yiiee!! Hahaha!!
"Yuri! Bat ka late?" Tanong ni joseph...
"Tss! Syempre traffic! Ano bang tanong yan?" Sabi ko at umupo na sa pwesto ko..upang mangalikot na sa computer..
Nakita ko naman si crush na nakatingin sakin..si carl na crush ko..
"Bakit?" Tanong ko..umiwas naman agad sya ng tingin.
"Anong bakit? Tss!" Sabi nya lang..
Ang sungit! tch!!
"Bakit ba ang sungit mo crush? Huh?" Pagbibiro ko kahit totoo heehe..
"Tss! " singhal nya..
Bakit ba ang init ng ulo neto?
Pumunta naman ako sa harap ng lamesa na nasa harap nya..
At tinignan ko ang maganda nyang mata..
"Huy! Magtrabaho ka na nga!" Saway nya..
"Ang sarap magtrabaho pag may inspirasyon ka noh?" Sabi ko at nangalumbabang pinagmamasdan sya..
"Oo nalang kaya umupo kana dun..baka mapagalitan ka na naman ni ma'm annie" sabi nya..sinunod ko naman sya at sinabing..
"Uyyy!! Hahahha concern sya!!" Pangaasar ko..nagsalubong naman ang kilay nya..
At parang sinasabi nyang..WAG - KANG - ASSUMING
Huhuhu!! Ouch! It hurts!!
"Guys! May chismis akong nasagap!!!!dali lapit!!" Sigaw ni shiela..
Naglapitan naman kaming mga babae as usual kasama si joseph chismoso din yan eh..
"Ano na? Ang tagal naman!" Inip na sabi ni chloe..
"Ito na nga!! Kasi...sabi nila ikakasal na raw si ma'm annie" sabi nya..
Tss!! Yun lang??
Umatras ako ng kaunti..
"Yun lang? Nag effort pa kaming pumalibot dito tapos yun lang?nako shiela! Natural pag tumanda ang isang babae papunta na sa kasal yun! Ano bang big deal dun?" Sabi ko at umupo na..
Haayy kahit kailan OA yan wala ng matinong chismis yan..
"Sinong matanda?" Nako lagot! Si ma'm annie na naman...
"Ay! Hehe goodmorning po ma'm"
"Goodmorning ma'm"
"Hello po ma'm goodmorning!" Plastik na bati ko..
Alam nyo kung ipagkukumpara mas maganda pa ako kay ma'm annie..kasi sya mukhang bakla alam nyo yun? Di ko maexplain yung mukha nya..
"What's good in the morning? Sino nagsabi ng matanda ako?" Mataray na tanong nya..
Isa pa tong OA! Anong big deal sa pagsasabing matanda sya? Ano sya baby ganon? Sanggol?kaloka tong mga toh ah?
"Bakit po ma'm?" Tanong ko habang nakataas ang mga kamay..
"anong sabi mo? Matanda ako? Paano mo nasabi ha?" Tanong nya..
"Kasi ma'm matanda na nga po kayo diba? Nasa wastong edad na para magasawa.. eh ano po ba gusto nyo itawag sa inyo? Bata? Baby? Sanggol?" Paliwanag ko..
"Iniinsulto mo ba ako?" Tanong nya..
Laking gulat namin ng may lalakeng mukhang mayaman sa likod nya..
"Hindi po ma'm...pinapapili ko lang po kayo" sagot ko..
"Hon...don't stress your self" sabi ng gwapong lalake..
yak! Kadiri!!iwww!!
Hon? Hahahah!! Ano yun? Yung canding tigpipiso? Honey?
Wahahahah!!
Bwahahah!!
Sabagay masyado silang sweet..
"Last warning!! Marquezlim!!" Sabi nya at umalis..
Anong warning? Di ako nainform?
May sinabi ba syang warning para naman mapaghandaan ko?
" yuri!! Yiiee!! Alam mo bagay kayo nung lalake! Kasi magkahawig kayo! Kasi..malalaman mo raw pag bagay ang dalawang tao pag magkahawig kayo!" Pangaasar ni shiela..
" shiela...alam mo wala ka ng matinong sinabi..paano kami magiging bagay non? Eh fiance ni ma'm yun?" Sabi ko..
"Hahah!! Ano ka ba! Sinabi ko lang!" Angal nya..
" tumigil na kayo! Kami ang bagay ni yurika..hehehhe!!" Singit ni joseph..
Nako!!
Mother Earth? Ano nang nangyayari sa mga tao?
"Haayy! Isa ka pa joseph! Magayos ka ng sarili mo para naman magustuhan kita" pagbibigay ko ng suggestion sakanya..
"Sige ba! Pag nagayos ba ako? Magugustuhan mo na ako?" Tanong nya..
"Di ko pa sure..yun ay kung may magbabago ba sa mukha mo" pangaasar ko sakanya..
"Aray! Ang sakit ah?" Angal nya..
Si joseph kasi..may eyeglass na bilog,pero cute sya..ahm..maayos naman sya pumorma..hindi naman nerd..
wala lang trip ko lang sya asarin na wala ng magbabago sa mukha nya hahahha!!
****
Out na namin sa trabaho,haayy kapagod! Grabe ang sakit ng likod ko at daliri ko kakapindot sa computer...
Nandito ako ngayon kasama mga katrabaho ko sa Outpost para maghintay ng sasakyan..
Yung iba kasi,may motor,may kotse,yung iba kasi nag cocomute lang ng jeep,bus,,basta ganon!!
Basta ako jeep..
Pero alam nyo tatlo nalang kami dito naghihintay..nakakalungkot lang na ako naman ang huli lagi makasakay...
At speaking of bus,,goodbye mga friend nakasakay na sila...
At ako na naman magisa okay lang sanay naman akong nagiisa....
Huhuhu!! Ang drama ko!!
Pero...bakit parang may malamig na metal sa leeg ko?
Dug!dug!dug!!
"Holdap toh!!" Sigaw nung lalake habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ko...
DUG! DUG!DUG!DUG!!!!
Wait? Holdap?
Waahhh!! Di pa nga ako sumasahod! Masyado silang excited pwede naman bukas...
"Pe-pero wa-wala po akong pera" sabi ko..pero mas lalo lang niya idiniin yung kutsilyo sa leeg ko..
Mygosh!!
Pag yan nahiwa lagot kayo sakin!!
Animal kayo!!
"Akin na cellphone mo!!" Utos ng lalake...huhuhu! GoodBye cellphone!!
Goodbye narin sa mga ka textmate ko...goodbye sa inyo..huhuhu!!
Pagkabigay ko ng cellphone habang nakapikit nagtaka ako dahil ayaw niyang tanggapin.kaya dumilat na ako...nasaan na sila?
Waahh!! Ano ginagawa nila sa semento? Bakit nakabulagta na sila?
Omygad! Di ako pumatay nun!
Huhuhu!! Inosente ako...
" okay na miss.." wait sino yun?
Pagkatingin ko may gwapong lalakeng nagsalita...
Omygosh!!My angel come and save me...
Shemaayyyy!!
"Ahm...thank you ah?" Sabi ko.tumalikod na naman sya at naglakad na..
Teka? Lasing ba sya? Bakit gumegewang maglakad?
Haaayy! Bahala na.. atleast nag thank you ako diba?
Iiiihhh!! Pero utang ko sakanya buhay ko eh..
Pati cellphone ko..
Kung di nya ako niligtas,wala na akong cellphone,at nasa ospital na ako ngayon,,
Tama! Tama!
Pero wala naman akong sasakyan ah?
Kaso Baka sya naman mapahamak?
Habang naglalakad sya sinusundan ko sya...
San ba sya pupunta??
Wait lumiko sya sa kanto..daliiii baka di mo maabutan!kaloka ang bilis nyang maglakad..
Ang sakit na ng paa ko dahil sa heels..
"Sinusundan mo ba ako?"
"Ay! Paa!!" Gulat na bigkas ko...
Sino ba yun?
Lah? Paano sya napunta sa likuran ko? Diba nasa harap ko sya kanina?tapos nasa kanto? Di kaya superhero sya? Nag teteleport? Waahh! Baka anghel talaga sya?
Pero may naglalasing bang anghel?
Baka sya yung tagapagligtas? Tapos susundan ko sya papuntang langit? Ayaw ko pa mamatay noh! Baka di na ako makabalik pag pumunta ako ng langit..
"Miss! I ask you! Sinusundan mo ba ako?" Bumalik ang ulirat ko ng magsalita ulit sya..
"Ha? Si-sinusundan kita? Hindi ah? Pauwi na ako noh! Maglalakad na ako pauwi" palusot ko..lumapit naman sya ng lumapit,oo nga amoy alak sya..ano gagawin ko?
"Tss! Maglalakad ka pauwi? Niloloko mo ba ako?"tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.. Eh? Ano ba sasabihin ko? Isip! Isip dali!!!
Nagulat ako ng hawakan nya braso ko at hilain ako kung saan..
Waaahh! Sabi ko na nga ba di maganda naisip kong sundan sya eh..
"H-hoy! Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko habang nagpipiglas..di porque gwapo ka pwede na akong sumama sayo?
Nagtaka ako ng buksan nya ang kotse at tinulak ako papunta sa loob at saka nya isinara..
Huhuhu!! Lord gabayan nyo po ako sa aking paglalakbay...
Anong gagawin nya sakin? Alam ko namang maganda ako,,pero di nya ako kailangan ganituhin..
"Don't worry..ihahatid lang kita pauwi" sabi nya,.kanya bang kotse toh? Hehhee..
Ihahatid lang pala eh..
Pinaandar nya na yung kotse hayy salamat..sana araw-araw may naghahatid sundo sakin noh?
Nako! Kung meron lang akong jowa na may kotse edi sana di na ako gumagastos sa pamasahe..hahahah..
Pero wala eh..wala akong jowa..saket?
"Tss!! Ano ba yang company na pinapasukan mo? Walang kwenta amo nyo!!" Paninira nya..
"H-ha??" Tanong ko..
"Sabi ko walang kwenta amo nyo!!" Paguulit nya..
"Ha! Sinabi mo pa!! Wala talaga!!" Sangayon ko...lumingon naman sya sakin at tumaas ang isang kilay..
"Tss!!" Singhal nya...bakit ba ganyan yung mga lalake? Tipid talaga silang magsalita?
"Hehehe!! Paano mo naman nasabi na walang kwenta amo ko?" Tanong ko..
"Kasi..wala kayong service!! Tss!! Wala syang kwenta kahit kailan!!" Sigaw nya..
"Wala syang kwenta!! Sumama sya sa ibang lalake? Ha! Ha! Ha! Tss! Pinagpalit ako sa matandang yun? Grabe!!" Galit na Sabi nya..
Yung totoo? Service ba namin kinagagalit nya o si ma'm?
Wait! Hahah ito yung magandang chismis bwahahah..
Siguro..may relasyon sila ni ma'm annie? Tapos iniwan tong lalakeng toh ni ma'm annie para don sa lalake kaninang gwapo na mukhang mayaman!
At..siguro pabagsak na yung kompanya ni ma'm annie kaya kumapit sya dun sa lalakeng gwapo? Ganon? Hahah! Akalain mo yun? Sa mukhang yon ni ma'm annie ginagamit nya pa yung lalake para sa pera? Hahahaha!! Grabe? Hoooohh!!
"Pfftt!! Hahahhaaha!!" Grabe yun ah? Si ma'm annie? Pineperahan yung lalakeng gwapo? Ahahaha sa mukha nyang yon? Hahaha feeling amp!!...
Namamakla ba yung lalakeng yon? Hahaha!! Di ko alam ganon pala taste ng mga gwapo? Yung mukhang bakla?
"Tss!! Why are you laughing? Are you insane?" Tanong nya..
"H-ha? Tumatawa ba ako?" Palusot ko..
"Ituro mo na yung daan pauwe sa bahay mo!" Sabi nya..
Di nya ako pwedeng ihatid sakto sa bahay noh!! Andami pa namang chismosa don! Sabihin may mayaman akong boyfriend..alam ko na yan!! Tss!! Tapos mangungulit yung stepmother ko,tapos hihingian ako ng pera...
Tinuro ko naman sakanya kung saan nya ako ibababa..at nakarating naman agad kami doon...
"Are you sure?" Paniniguro nya..
"Oo!! Kaya ko na sarili ko salamat ah? Maraming salamat! Sa pagligtas at paghatid andami mo nang naitulong sana next time pagnagkita tayo ako naman makabawi sayo" sabi ko...
"Welcome! Don't worry magkikita pa tayo! At sana ako naman matulungan mo okay?" Sabi nya...nagtumbs up naman ako..grabe para syang amerikanong nagtatagalog!.."goodnight miss" dagdag nya..
"Goodnight rin..ingat" paalam ko..hinintay ko muna makaalis yung kotse nya bago ako maglakad pauwe..
Kyaaahhhh!! Ang gwapo sheyt!!!
Lord sana magkita pa po kami lord..pleaseee.....
Shemaaayy! Talaga!! Bakit ba feeling ko andaming gwapo?
Una si carl,pangalawa fiance ni ma'm,pangatlo yung lalakeng may kotse na yun..
Grabe naman ayaw nilang magshare sa mga walang itsura....
Pero haaayys parang magiging maganda yung tulog ko ah? Hihihihih!!
Kinabukasan
Pagkatapos kong maligo at magbihis as usual bumaba na ako para mag almusal..hehehhe
"Yuri....ano?" Anong ano na naman? Sinisira nya na naman umaga ko eh...
"Anong ano?" Tanong ko...nakakainis!! Ayan na naman sya. Bwisit!!
"Teka nagagalit ka ba sakin ha?! Di porket may boyfriend ka na mayaman pwede mo na ako ganituhin! Nagmamalaki ka ba?" Tanong nya..
Sabi na eh...tang*** mga tsimosa na yan!!
Wala nang ibang ginawa kundi magdala ng problema sa ibang tao!!
Ako chismosa ako pero pag may nalaman ako di ko pinagsasabi....
"San nyo naman nasagap yang fake news na yan?" Tanong ko rin...
"Aba! Sinasabi mo bang sinungaling mga kumare ko?" Bwisit talaga yang kumare mo na yan eh!!
"May sinabi ba ako? Alam nyo nakakainis na kayo!! Perwisyo kayong mga sugarol at chismosa!!" Sigaw ko.. at tumayo na para iwan ang pagkain.
"Aba!! Ang kapal ng mukha mo ah?! Nag mamalaki ka na nga!! Pagkatapos kitang pakainin dito sa bahay sinasagot mo na ako ng ganyan?!" Sumbat nya.hahhaa wow!!
"FYI!! Ikaw lang ang nagluluto at naghahain pero ako ang gumagastos ng pagkain!! Pano mo nasabing nagmamalaki ako? Ikaw ba ang nagpalaki sakin ha?! hindi diba?! At isa pa hindi sayong bahay toh!!" Galit na sumbat ko..
"Aba!! Lumayas ka!!" Sigaw nya..
"Hahahha!! Dapat nga! Yan lang ang hinihintay ko...salamat ha? Wag kang mag alala lalayas ka rin dito .." Sabi ko at nagimpake ng mga gamit...kinuha ko na rin ang titulo ng bahay na ipinamana ni papa sakin.. tumawag na rin ako ng truck para dalhin yung mga naipundar kong gamit...
"Hoy!! Ano yang truck na yan? Balak mo bang kunin yung mga gamit dito??" Tanong nya..
"Hahha syempre naman...alangan namang iwan ko yung mga gamit KO dito" sagot ko..at ipinagdiinan pa ang KO...
"Ang kapal talaga ng mukha mong bata ka noh?!" Hahahhah ako daw yung makapal yung mukha?
"Hindi noh! Kaya ko dinala yan kasi baka maibenta lang ang naipundar kong gamit at ipangsugal lang.." parinig ko..
"Pinaparinggan mo ba ako?" Tanong nya...
" hindi ah! Sinasabi ko yun ng deretso sa inyo...hindi yun parinig lang...kasi tayo lang naman ang tao dito sa bahay diba? Edi sino ang sugarol dito? Diba ikaw lang?" Sabi ko habang nakangisi..
By the way di pala ako pumasok ngayon sa trabaho alam nyo na maglilipat ako sa apartment hehehhe...
"Hayop ka talaga!!" Sigaw nya..
" hindi rin! Mali ka na naman..tao ako hindi hayop..tss!!" Pilosopo kong sabi....
sasampalin nya na sana ako dahil sa inis nya pero lumabas nalang ako ng bahay...
Wala akong itinira kahit isang gamit ko sa bahay...
dinala ko yung ref,oven,tv,electricfan,sofa,kama,lamesita,pati na rin ang lamesa sa kusina at upuan,drawer at etc...
Bakit ko dinala? Hahaha!! Una Pagwala ng pera yan natural ibebenta nya yung mga gamit ko at ipangsusugal nya..pangalawa kaya ko dinala yung titulo ng bahay ay baka yung bahay naman maibenta nya...possible yun dahil gamit nalang nya yung natira...yung nasa kwarto nya..
Buong buhay kong maaalala yung mga pananakit nya sakin noong bata ako...pag nasa trabaho si papa binubogbog nya ako binabatukan,sinasampal,sinasabunutan...
《 flashback 》
"Hoy!! Babae!! Napakatamad mo talaga!! Pwede ba magwalis ka!! Ang dumi oh!!" Utos nya..
Kinuha ko naman yung walis at nagwalis na sa sala at sa kusina...
"Yuri!!!" Tawag nya..kaya lumapit naman agad ako sakanya..
"Bakit po mama?" Tanong ko..
"Wag mo akong tawaging mama!!hindi kita anak!! Ikaw na bata ka!!" *batok*"ayusin mo pagwawalis mo!! Nakita mo yon?di mo pa winawalis yun tanga ka talaga!!" Sigaw nya..
Bakit ayaw nyang tawagin ko syang mama??
Bakit lagi nalang syang galit sakin? Huhuhuhu!!
*iyak*hikbi*
"Anong nakakaiyak ha?! Ikaw talaga!!" Sabi nya at nilapitan ako para sampalin.."bwisit ka sa buhay ko eh!! Subukan mo ulit magpabili ng laruan sa papa mo masasaktan ka talaga!!" Aray!! Huhuuuhu..
Sinambunutan nya naman ako at kinaladkad papunta sa kwarto ko...binatukan nya naman ako at pinalo ang kahoy ng walis sakin..
"Tama na po! Tama na po!" Pagmamakaawa ko..
"Subukan mong magsumbong sa papa mo!! Malilintikan ka talaga sakin!! Punyeta ka!! Di ako makapagsugal dahil sayo!! Bwisit!!" Sabi nya at lumabas ng kwarto..
《End of flashback》
Simula nung mamatay si papa noong 16 years old ako inubos nya yung mga gamit sa bahay para ipangsugal..
Nagworking student naman ako para makabili ng uniform ko pamasok sa paaralan...
Kaya wala syang maisusumbat sakin...
Pag kakuha nang mga gamit sa bahay ay nagtaxi na ako papunta sa apartment na pagmamayari ng nanay ng kaibigan ko...
Ang bilis ko mag pa serve noh? Nagtataka ba kayo? Eh naka serve na talaga sakin yun nitong mga nakaraang buwan lang..napagisipan ko kasing magbukod sa step mother ko..eh ang ganda ng timing sya na yung nagpalayas sakin hahahha!!
Kaya ngayon nag text ako sa kaibigan ko na kukunin ko na yung apartment...kahit upahan ko lang, atleast malapit lang sa trabaho ko isang sakay lang ng jeep saglit lang....
Apartment
"Tao po!!" Sigaw ko habang nagpipindot sa doorbell...diba parang tanga lang?? Hahhaha!!
Ilang saglit lang ay lumabas na si ate jelly..(nanay ng kaibigan ko)
"Oh nandyan kana pala? Halika at ipapakita ko sayo yung uupahan mo" sabi nya,pagpasok ko sa loob ng apartment tinignan ko yung kwarto ayos na sakin dahil mag-isa lang naman ako..
At nang natapos na kami kakaikot ay binigay ko na ang down payment ko..dalawang buwan na upa na ang ibinigay ko.. para sa sahod ko ay pagkain nalang ang bibilhin ko...
Haaayyy!! Nasayang tuloy yung pasok ko ngayon di ko tuloy nakuha sweldo ko ngayon,di bale meron pa naman bukas eh hehehe!
****
Buong araw akong nag ayos ng mga gamit dito sa inuupahan ko..grabe nakakapagod maglinis at mag ayos ng mga gamit...inayos ko ang posisyon ng sofa,lamesita at iba pang gamit na dala ko...
Pag katapos kong maglinis ay nagpahinga muna ako sandali at naligo na upang magpahinga..
Haayy!! I'm so tired...!!
Pagkahiga ko sa kama ay nakatulog na agad ako....
*****KINABUKASAN*****
Maaga na naman akong nagising para pumasok sa trabaho...
Sabi kasi ng chairman kahit sino pwede pumasok ng linggo basta hindi pumasok ng sabado...diba ang bait nya? Pero anak nya hindi? Hahaha!!!
Company
" oh? Ano nangyari sayo bakit ang tamlay mo?"tanong ni chloe, pagka upo ko sa pwesto ko...
"Wala....pagod lang!" Sagot ko..
"Huy! Yuri.... KO!!! Hehehehhe!!! Bat di ka pumasok kahapon?" Tanong ni joseph...
Haaayy kaazar!! Bakit wala si carl?!
Huhuhu!! Wala tuloy akong gana lalo pumasok!!
"Wala kana don!!!" Sagot ko....
"Hoy!!!ano yun yuri ha? Kayo na ni joseph?!" Tanong ni shiela..
Haaayyy bat ba puro sila tanong? Wala akong gana dumaldal ngayon eh...
"Hindeeehhh...." matamlay na sagot ko..
"Ay!! Bat ka matamlay?" Tanong nya ulit.
"Uy! Yurey! Totoo ba yung chismis?" Pabulong na Tanong ng kaibigan kong si clariss....katabi ko lang kasi sya eh..
Halah?! Bat ba nakalimutan ko yung lalakeng yun?
Hehehe sana makita ko pa sya..emegerd!!
"Heheheh..." sana ako naman ang makatulong sakanya...ano kayang maitutulong ko sakanya??hmm....
"Uyyyyy!! Hahahah totoo nga!!" Pangaasar nya..
"Ang alin?" Tanong ko....
"Na may jowa kang mayaman...yiiiiee" Pabulong nya paring pangaasar...
Atleast concern sya sakin...binubulong nya lang para walang makarinig..
"Ha? Wala noh!"tanggi ko..
" eh sabi hinatid ka pa nga eh.." sabi nya pa.
"Porket hinatid lang..jowa na agad? Hindi ba pwedeng naholdap lang ako kaya hinatid nya na ako kasi gabi na?" Paliwanag ko...
Lumaki naman yung mata nya..
"Na-naholdap ka? Tapos hinatid ka pa?" Di makapaniwalang tanong nya...
"Ou!!" Sagot ko habang nakanguso at tumatango-tango...
"Oh? Ano? Gwapo ba? Hhihi!!" Kinikilig na tanong nya..
"Oum.."sagot ko.."alam mo ba? May nalaman ako sakanya?" Sasabihin ko ba? Wag nalang! Ayaw kong masabihan ako na chismosa noh!! Hahaha!!
"Ano nalaman mo? Nag open agad sayo?"tanong nya.
"Nag open? Nalaman ko lang na mayaman sya hahahah!!" Pagsisinungaling ko..
Alam mo na!! Ayaw ko maging kagaya ng mga kapitbahay ko...atleast ako nagsinungaling ng tama hindi nagchismis ng mali...
"Alam namin na mayaman sya!! Kaya nga may kotse eh!!akala ko ba naman jowa mo na!!" " nanghihinayang na sabi nya..
"Hindi noh!! Tss!! Sa yaman nyang yon? Magugustuhan ako? Aasa lang ako!! At tsaka hehehhe may iba naman akong gusto eh.. " kaso wala sya ngayon..
"Haaayy!! Mag jowa kana nga!!" Bakit naman ako magjojowa? Eh di naman ako gusto ng gusto ko..
"Wala akong pagasa sakanya!" Usal ko..
"Anong wala?! Kung sino man yang impakto na nagugustuhan mo ang tanga nya!!" Tanggol nya sakin..
"Tanga! Kilala mo yun!!tss!" Sabi ko.
" ahhh..hahahha!! Si carl?" Bulong nya.."tanga parin sya! Bakit? Sa ganda mong yan? iisnobin ka lang?" Huhuhu!! Supportive ko talaga tong bestfriend..love you!!
"Aawww....na touch naman ako don? Thank you bal!" Sabi ko habang nakahawak sa puso ko para dama..
" *ehem* Binabawi ko na yung sinabi ko" pagbibiro nya..lakas nya magbiro noh?
"Ikaw naman! Wala ng bawian! Kahit Alam kong nadulas ka lang sa sinabi mo alam ko naman na totoo yon!" Hahahah totoo talaga yun! Maganda naman talaga ako!
"Ikaw bahala!" Sabi nya saka na kami nag patuloy sa trabaho namin..
Pass doon
Pass dito
Bigay ng information
sagot sa tawag
Pindot sa computer
Then break
Habang naglalakad kami ni clariss papuntang restaurant malapit sa company ay may natanaw akong pamilyar na tao sa restaurant na yon..nasa may bandang entrance na kasi kami kaya kita ko sya dito...
Nang makapunta na kami malapit sa pwesto nila ay kilala ko na kung sino..
Nagde-date ba sila dito?
Pero bakit dito pa?
Para ipamukha nya sakin na may jowa na sya?
Meron namang ibang restaurant ah?
"Yurey! Diba si carl yun?" Tanong nya habang nakatayo parin ako at naiiyak na..
Akala ba nya kinagwapo nya yan?
"Hey! Miss!!" Singit ng isang lalake sa harap ko.pero di ko sya pinansin dahil sinisilip ko pa sila kung mag hoholding hands pero pagkakataon nga naman! Nangyari nga!
Humarang ulit yung lalake pero di ko sya pinansin dahil baka magkiss sila..alam nyo na naniniguro lang baka naman di nya jowa..
Pero ang tanga ng naisip ko! Dapat pala di yon ang inisip ko dahil hinalikan nya sa noo yung babae...
"Ganyan ka ba talaga? Nasasaktan kana nagpapakatanga ka pa? " sabi nya,kaya sa oras na toh tinignan ko sya at..0_0 sya yung nagligtas sakin ah?
"Pa-pano mo nalaman na--" -ako
"Diba tutulungan mo ako?" Sabi nya..wala ba syang pambili ng pagkain?
"Okay sige pero wag masyado madami yung order mo ah? Magkano nalang pera ko" sabi ko..
"Hindi yun...basta sasabihin ko nalang sayo mamaya...ngayon ako muna tutulong sayo" sabi nya at hinawakan ang kamay ko, bakit parang may kuryente yung palad nya? Baka may kapangyarihan talaga sya? Omg!
Pinaupo nya ako sa gilid nila carl,at parang ang asta ng lalakeng toh sakin ay gf nya ako..hahaha gentleman sya ah? Eto na ba ang tulong nya sakin? Pero marunong naman ako umupo ah?
"Babe! Um-order kana!" Teka babe? Di ko pa nga sya kilala? Kami na?! Ibang klase talaga karisma ko noh!!
"Babe?" Tanong ni clariss hahah kasama ko nga pala tong kaibigan ko..
"Yeah!" Sagot nung lalake sabay kindat kay clariss..tinignan nya naman ako na parang sinasabi...SUMAKAY.KA.NALANG.
kaya humanda naman ako at tumingin sa pwesto ni carl..nakita ko namang nakatingin sya sakin..
"Ahm...babe!.. carbonara nalang sakin" sabi ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harap ko..
"Haayy! Bakit ayun lang?" Tanong nya..
"Magdagdag ka pa" pilit nya sakin..
"may trabaho pa ako babe eh..ayun lang sakin" haayy! Bagay talaga akong maging artista..
"Okay your wish is my command" sabi nya sabay kindat..bakit ba ganyan sya kagwapo? Pero kaya Carbonara lang in-order ko kasi baka mamaya ako pagbayarin ng lalakeng toh..
Mahirap na wala akong pera ngayon..
"Excuse me? Pakisabay naman ako!" Sigaw ni clariss kay babe ko hehhe..pinanindigan ko na!
"Bumili ka magisa!" Sabi nya.
"Hoy! Yurey! Umamin ka nga! Kayo na ba?" Tanong ni clariss.
"Huh?hahahha! ano ka ba! Hindi noh" bulong ko kasi baka marinig ni carl.
"Wushuuu!! Okay lang yan yurey! Yiiieee!
Kaso bat hindi gentleman?" Tanong nya.
"Ewan ko! Basta ako alam ko na gentleman sya" pagtanggol ko sa lalakeng yun....
"Basta! Boto ako sa lalakeng yan! Ang nakakainis si carl! Nanggigigil talaga ako dyan!" sabi ni claris habang ang sama ng tingin kay carl, mukha syang aso na handang manakmal kay carl HAHAHA!.
"alam mo yuri! Dapat pakasalan kana ng boyfriend mo!" sinadyang lakasan ni claris ang sinabi nya para marinig ni carl.
" ewan ko sayo! Mag order kana!" mahinang sambit ko.
Kaya't tumayo naman sya at sya namang balik ng lalake. Matanong nga!
"hey babe! I'm back! Wait lang natin ang order" sabi nya at umupo na sa harap ko.
"ahhmm... Excuse me? Ano nga palang pangalan mo? Kasi ilang beses na tayong nagkita pero di ko pa natatanong pangal--" hindi nya na ako pinatapos.
"I'm Zean Michaelson" biglang bulong nya sa tainga ko.
My gosh bakit ako kinilabutan?
0_0 ay oo siguro ang ganda ng pangalan nya kaya kinilabutan ako.
" ahh HAHAHAH! okay!" sagot ko nalang wala akong masabi...
Ang pangalan nya ay nababagay sa gwapong tulad nya....
Hoy! Ano ba tong naiisip ko?! Haayyy!
"And you?" tanong nya. Napatingin ako sa mata nyang blue parang contact lens lang.
"ahm...im yurika marquezlim" sagot ko.
"My pleasure to meet you ms. Yurika marquezlim" nakangiting sabi nya at hinawakan ang kamay ko para halikan?! 0_0 di ko na kinakaya ang lalakeng 'to ang lakas maka prinsipe.
"My pleasure to meet you too Mr. Zean Michaelson" sabi ko at ngumiti. Kaya tumingin agad ako sa gawi nila Carl baka naririnig kami. Gulat akong umiwas ng tingin dahil nakatingin nga sya!
"sa akin ka lang tumingin, babe" sabi nya at ngumisi, bumalik naman agad si clariss at dumating na ang order namin and of course kumain na kami.
Hinatid ako ni zayn sa labas ng kompanya, bago sya umalis, pero nang papasok na ako sa loob ay may biglang humawak sa braso ko.
"Yuri wait!" hingal na banggit ni carl.
"oh? anong kailangan mo sa kaibigan ko?" pagtataray ni clariss.
"Hindi ikaw ang kakausapin ko, si yuri, kaya manahimik ka dyan!" Bulyaw ni carl, agad naman kaming nagulat ni clariss. Pero yung reaction ni clariss ang nakaka tawa. Nakahawak sya sa dibdib nya at nakanganga pa.
"yuri... Kailangan natin mag usap" sabi ni carl. Tinaggal ko muna ang kamay nya sa braso ko bago ako mag salita.
"May trabaho pa ako" pagdadahilan ko. Sa totoo lang ayaw ko na sya kausapin dahil ayaw ko manira ng relasyon ng iba. Pag nag ka gusto ako sa isang tao at nalaman ko na may karelasyon na ito ay tumitigil na ako. in short H-I-N-D-I A-K-O M-A-R-U-P-O-K.
"Kahit ilang minuto lang.." pangungulit nya.
"Ang minuto ay 'di dapat sinasayang sa walang kabuluhan."Deretsong sambit ko." Ang minuto ay ibinibigay ko lang sa taong importante sakin. Ikaw? Importante ka ba? "tanong ko rito.
" Oo Naman! " kompyansang sagot nito.
" Luh? Pala Desisyon ka? " angal ni clariss.
" paano mo nasabi na importante ka sakin? "tanong ko ulit.
" Dahil gusto mo ako. " Sagot nya ulit. Na ikinatawa ni clariss.
" Pala desisyon nga ang loko! Hahahah! Hoy carlito! Nakita mo ba yung kasama nya kanina? diba? Ang gwapo? " Pagpuri ni clariss kay zayn.
" tsk! Mas gwapo ako doon!" Hindi pag sang ayon ni Carl.
" Tama na nga! Matatanggal tayo pareho nito sa trabaho eh" Awat ko baka silang dalawa ang mag away. Kilala ko si clariss ayaw nyang di sya nakaka ganti sa sagutan, ayaw nya rin nang natatalo o nalalamangan sa away.
"Pero Yuri..." angal ni Carl.
Kaya't dumiretso na lamang ako sa loob dahil baka mapansin na naman ako nitong bruha na si ma'm annie.
"Yurika!" sigaw ni ma'am annie.
Nako! Eto na naman tayo....
"yes ma'am? Heheh" tanong ko at humarap sa likuran.
"I need to talk to you! Now! Follow me!" utos nya at sinundan ko naman sya kung saan sya pupunta. Suuss! Pakembot kembot pa! Marunong din ako nyan noh!! Ehe! I'm sexy and i know it. Tapos ang ganda ko pa,saan ka pa? Dito kana! Hahahaa!
"Anong ginagawa mo? Bakit ka ngumingiti? I know that I'm pretty, you don't need to say that to me!" pagmamalaki nya. Inirapan ko na lamang sya.
Pagkadating namin sa opisina nya ay agad akong umupo ng hindi naghihingi ng permiso sakanya.
"May sinabi ba akong umupo ka?!" sigaw nya, kaya medyo nagulat ako.
'Ano ba yan?kung maka sigaw akala mo inagawan ng upuan! Ang dami namang upuan d'yan napaka damot!'
"Sorry po ma'm.." mahinhin na bigkas ko, at tsaka tumayo habang nakayuko ang ulo.
'bigla akong tumiklop huhu! Ang hirap mawalan ng trabaho noh!'