"Lyka!!!" natitilihang sigaw ko sa nakatungangang staff.
"I command you to call our guards, but you did not obey me!" gigil na gigil kong sabi.
"Sorry po, Ms. Cassy!" hinging paumanhin sa'kin ni Lyka.
"Sorry?" nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa sobrang inis.
"Hindi sapat ang sorry mo sa ginawang pambabastos sa'kin ng w*langhiyang lalaki na 'yon!" Nilapitan ko si Lyka at saka dinuro-duro.
"Ms. Cassy, pasensiya na po talaga. Kahit po kami ay nabigla rin sa nangyari," hinging paumanhin naman ni Elsa.
"Paano kaya kung mabigla rin ako at tanggalin ko kayong lahat sa trabaho?" Isa-isa ko silang dinuro ng aking daliri.
Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko dahil sa mismong harapan ng mga tauhan ko ay sinabihan ako ng w*langhiyang lalaki na 'yon na masama ang ugali ko.
Partially yes!
Pero higit akong nanggigigil nang sabihin nitong mabaho ang hininga ko kasabay nang pagnakaw niya ng halik sa'king labi.
"I'm gonna kill him!" impit kong tili sa isipan.
Hindi katanggap-tanggap sa isang Cassandra 'Cassy' Concepcion na ganoon na lamang kung itrato ng isang hangal na lalaki.
"Cassy, Honey, you're here!" malamyos na tinig ni Mommy ang pumukaw sa lumilipad kong diwa.
Inayos ko muna ang sarili bago humarap sa ina.
"Why you look mad?" malamyos na tanong pa sa'kin ni Mommy.
"Because of them, Mom." Tinuro ko ang nakatayong sina Lyka at Elsa.
"Ms. Cassy!" pasinghap na bulalas nina Lyka at Elsa.
"Is it true?" tanong naman ni Mommy sa dalawang staff.
Natatarantang yumukod ang dalawang babae sa harap ni Mommy at mababanaag ang takot sa kanilang pagkilos.
Lihim naman akong napangiti sa nakitang anyo ng mga tauhan.
"Yes, Mom! They'll not obey me," nakalabing sumbong ko sa ina.
"Remember, there's a lot of CCTV here, Cassandra!" Tila kulog na dumadagundong sa loob ng opisinang 'yon ang tinig ng aking ama.
"Don't you believe in me, Dad?" may himig tampong saad ko sa ama.
"I believe in you, Honey. But, you'll forgot what I've teach to you, maging patas sa tao," pangaral pa sa'kin ni Daddy.
"Here we go, again!" bulong ko sa sarili at saka pinaikot ang mga eyeball sa aking mga mata.
"Lyka! Elsa! Go back to your work now," maawtoridad na utos ni Daddy sa dalawang staff.
Mabilis na tumayo ng diretso ang dalawang dalaga saka bumalik sa kanilang mga trabaho
Lihim kong inirapan naman ang mga 'to.
"And you, Cassy, come to my office," utos naman sa'kin ni Daddy.
Lumapit ito kay Mommy at masuyong inalalayan nito ang asawa patungo sa loob ng mismong opisina.
Padabog na sumunod ako sa kanilang dalawa.
"Honey, come here!" Ibinuka ni Mommy ang dalawang braso niya upang yakapin ako.
Lumapit ako kay Mommy saka yumakap ako sa kaniya.
"Mom!" Nawala ang anumang inis na nararamdaman ko nang gumanti ng yakap sa'kin si Mommy.
"I love you, Baby!" malambing na wika ni Mommy.
"I love you too, Mom!" Isiniksik ko ang sarili sa dibdib ni Mommy.
"Pa'no ko naman magagawang magalit, kung ganiyan ang nakikita kong view sa'king harapan." Napalitan ng malamyos na himig ang galit na tinig ni Daddy.
Lumapit ito sa'min ni Mommy at niyakap din kami nito.
Mahigpit si Daddy pero pagdating sa'min ni Mommy ay lumalambot agad ito. Dahil nag-iisang anak ako, ibinigay nila ang lahat ng gusto ko. Pero may exemptions at limitations din ang lahat ng iyon.
"Honey, ba't 'di mo pa simulang pag-aralan ang pagpapatakbo sa negosyo?" maya-maya'y tanong sa'kin ni Daddy.
"Do I need to obligue myself, Dad?" balik tanong ko sa ama.
"Yes, dahil ikaw ang nag-iisang anak namin at ikaw lang din ang tanging tagapagmana ng lahat ng negosyong mayroon tayo. So, kailan mo planong simulan na pag-aralan ito?" may himig tampong tanong sa'kin ni Daddy.
"Dad, kaya nga po tayo may mga tauhan 'di ba, para sila na ang bahalang magtrabaho para sa'tin," pagdadahilan ko naman sa ama.
"Honey, it's not right. Mali ang kaisipang 'yan," agad na sansala ni Daddy sa sinabi ko.
"Listen to me, Honey. Hindi porke't may mga tauhan tayo ay ituturing mo na rin silang mga robot o puppet na basta na lamang nating uutusang gawin ang kanilang mga trabaho. Kailangan din natin silang tratuhin ng tama." Hinagod-hagod ni Mommy ang madulas kong buhok.
"But, Mom... Hindi pa po ako nagsasawa sa buhay pagkadalaga ko," nakalabing turan ko sa ina.
"At kailan mo pa planong pag-aralan ang mga negosyo? Kung patay na kami pareho ng Mommy mo?" malungkot na tanong naman ni Daddy.
"Dad!" malakas kong bulalas sa ama. "Don't say that words!"
Marahas na bumuga ito ng hangin at saka niyakap ako nito. Nagsumiksik naman ako sa dibdib ng ama.
"I love you, Honey! But, please... Please be matured for everything. Hindi na kami bumabata ng Mommy mo. Sa edad mo ngang 'yan, dapat mayroon na rin kaming apo mula sa'yo."
"Dad!" maktol ko sa ama.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na sinabayan pa ni Mommy.
"Bakit ba pakiramdam ko ay minamadali niyo na akong mag-asawa niyan?" nakalabing tanong ko sa ama.
"Para mapanatag din kami ng Mommy mo na mapupunta ka sa tamang tao," tugon naman ni Daddy.
"Darating din ako riyan, Dad. Sa ngayon, ie-enjoy ko muna ang pagiging single." Humalik ako sa pisngi ni Daddy at ganoon din ang ginawa ko kay Mommy.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka nagpaalam sa kanilang aalis na ako.
"See you later, Mom! Dad! Love you!"
Tinungo ko ang sasakyang nakaparada sa parking lot at mabilis akong umalis ng Triple C's Company.
Tinawagan ko sina Marla, Airah, Teria at Laureen upang ayaing magpunta ng bar, ngunit pawang mga busy ang mga 'to sa kung anumang bagay na kanilang pinagkakaabalahan.
"Tsk! Tanging ako na lang yata sa magkakaibigan ang walang pinagkakaabalahang mga negosyo," naiiling kong saad sa sarili.
Hindi ako tamad sadyang wala lang akong interes pa na humarap sa kaseryosohan ng buhay.
Ang dahilan ko ay darating din ako riyan sa tamang panahon at hindi pa iyon ngayon!
********
I went to LiquidDoze Bar.
Kung saan madalas tumatambay ang mga sosyal na mayayaman at feeling mayayaman dahil lamang sa mga nagkalat na 'Kanto Boys' dito.
But, I'm not belong to those idiot person's na humaling na humaling sa mga mahihirap na gwapong lalaki.
Hindi ako magkukumahog sa mga 'Kanto Boys' na 'yan para lang mapansin ng mga mabababang uri ng tao sa lipunan.
Kasalanan din naman nila kung bakit sila mahirap dahil mas pinipili nilang mamuhay sa kahirapan.
Sorry for those words of mine, but that's the reality of life!
And base on my experience, I met someone before who used me as her financial wallet only.
"Pitty for her!" Ipinilig ko ang ulo ng muling maalala si Rhea.
Si Rhea, ang taong akala ko ay siyang tunay kong kaibigan dahil sa kabaitang ipinakita sa'kin nito.
Ngunit isa pala iyong malaking pagkakamali!
Ginamit lamang ako ni Rhea upang sustentuhan ang mga financial needs niya sa school.
Sa sobrang tiwala ko ay sige lang din ang bigay ko ng pera sa kaniya upang matugunan ang pangangailangan nito sa pinansyal.
Until one day, I heard her talking some idiots at the back of our school.
"Mabuti natiis mo ang sama ng ugali ni Cassy?" tanong ng kaedaran ko rin na babae.
"Kailangan, dahil siya lang ang alam kong makapagbibigay sa'kin ng malaking halaga na walang anumang pag-aalinlangan," sagot ni Rhea.
"Ang swerte mo nga eh. Kung alam ko lang na uto-uto rin pala 'yan si Cassy, sana ay binola-bola ko na lang din para parati akong may imported chocolates with dollars," natatawang saad naman ng isang babaeng kausap ni Rhea.
Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig kung kaya't lumabas ako mula sa pinagkukublihan. Matapang na hinarap ko ang mga 'to.
"Cassy!" Sabay-sabay nilang singhap.
"I trust you! But you lied on me!" nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa sobrang galit ng mga sandaling iyon.
"Magpapaliwanag ako, Cassy!" sabi naman ni Rhea saka humakbang ito palapit sa'kin.
"Diyan ka lang, Rhea! Huwag na huwag mo akong lalapitan dahil hindi ko kailangan ang isang mapanlinlang na tao." Dinuro ko siya gamit ng hintuturong daliri ko.
Tinitigan ko sila mula ulo hanggang paa. Pinipigilan kong umalpas ang galit sa'king dibdib at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila, lalo na kay Rhea.
Tinalikuran ko ang mga ito saka tinawagan ko ang driver namin upang sunduin na ako.
Mula nang mangyari 'yon ay kinausap ko sina Mommy at Daddy na ilipat ako sa isang exclusive school kung saan walang mahirap na estudyanteng mag-aaral.
Doon ko nakilala sina Marla, Airah, Teria at Laureen, na kapareho kong mga spoiled brat kung kaya't nakasundo ko agad sila.
"Cassy!" maarteng salubong sa'kin ng Manager ng bar.
"Hi!" tipid kong tugon sa kaniya.
"Where's your friends?" maarteng tanong pa nito.
"They're all busy!" Pinaikot ko ang mga eyeball sa'king mga mata.
"Oh!" Pinabilog pa nito ang buka ng kaniyang bibig. "So, your a solo flight tonight?"
"I don't think so!" maarteng sagot ko rito saka sumenyas sa bartender upang humingi ng shots.
"Would you like to table one of our 'Kanto Boys' here?" alok pa sa'kin ng manager.
"No, thanks!" maagap ko namang sagot.
"Okay!" Ngumiti ito sa'kin. "Please excuse me!"
Naiiling na tinitigan ko ang papalayong bulto ng katawan ng manager. Normal na para sa kaniya ang i-offer ang mga nagkalat niyang 'Kanto Boys' dito sapagkat doon manggagaling ang malaking kikitain ng bar na ito.
Natural na 'yon sa kanila dahil ito ang mundong iniikutan ng kanilang negosyo.
Inisang lagok ko ang laman ng shot glass na inabot sa'kin ng bartender. May ilang ulit pa akong humingi muli ng shots.
Narinig ko ang maingay na sigawan ng mga kalalakihang nag-iinuman sa may bandang gilid at tila lasing na ang mga 'yon kung kaya't nauuwi na sa pagtatalo.
Muli akong humingi ng shot sa bartender, pero sa pagkakataong iyon ay nasa bote na ang hiningi kong alak.
Nang iabot sa'kin ng bartender ang bote ng alak ay agad kong nilagok ang laman niyon na tila isa lamang iyong tubig na walang hatid na panganib sa'king kalusugan.
Muli kong pinagmasdan ang mga lalaking ngayon ay malalakas na ang boses habang nagsasagutan sa kanilang kinaroroonan.
Isang lalaki ang tumayo at dinuro nito ang kainuman. Tumayo na rin ang iba pang lalaki at saka nagsimula na silang magkagulo.
"Tsk!" Napapailing kong sambit.
Napunta sa kinaroroonan ko ang isang lalaking sinuntok. Nangudngod ang mukha nito sa hita ko.
"B*stos!" natitilihang sambit ko saka ipinukpok ko sa ulo nito ang bote ng alak na iniinom ko.
Plakda sa sahig ang lalaki.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naiiling na humakbang palabas ng bar.
Kalalabas ko lamang ng bar ng may kumapit naman na manyakis sa isa kong braso. Hinaplos nito ang makinis kong hita.
"Paligayahin mo ako," nakangising bulong sa'kin nito.
Pilit nitong dinadala ang kamay kong hawak-hawak niya na, sa kaniyang hita.
"B*stos!" Umigkas ang isa kong kamay na may hawak ng bote at hinampas ko iyon sa ulo nito.
Ngumisi lamang ang manyakis na lalaki sa'kin saka pinuwersang hilahin ako nito palapit sa kaniyang katawan.
"Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas kong hiyaw sa manyakis na lalaki.
"Paligayahin mo ako!" umuusal nitong sambit na tila isang asong ulol na naglalaway sa gitna ng kalsada.
"F*ck!" tanging salitang nanulas sa labi ko habang nag-iisip ng paraan na makatakas sa manyakis na lalaking 'to.
"Yes, F*cked me!" pumupungay ang mga matang sambit nito.
Nandidiring tinitigan ko ito habang pilit ko namang hinahablot ang isang kamay mula sa pagkakahawak nito.
Nawala na rin yata lahat ng espiritu ng alak na nainom ko sa katawan dahil nagsisimula na akong makaramdam ng takot mula sa g*gong manyakis na lalaki.
"Bitiwan mo ako! Help!" malakas kong sigaw upang may tumulong sa'kin.
"Hindi ka nila papansinin dahil iisipin lang nilang magsyota tayo," nakangising turan ng manyakis na lalaki.
"Sh*t!" bulong ko sa sarili.
Kung pagmamasdan nga kaming dalawa ay tila lamang kami magsyota na nagkatampuhan na pilit sinusuyo ng lalaking ito.
Hindi rin kasi mababakas sa anyo nito na isa itong manyakis dahil na rin sa pormal na kasuotang suot nito.
Muli nitong hinila ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko ng buhat sa loob ng pantalon nito ay inilabas ng isang kamay niya ang kaniyang ari.
Ipinilig ko ang ulo sa kabilang banda upang hindi makita ang nakahihindik na anyo ng inilabas nito.
Malakas akong sumigaw upang humingi ng tulong.
"Bitiwan mo siya!" sigaw ng pamilyar na tinig ang nagpalingon sa'kin sa bandang likuran ng manyakis na lalaki.