Chapter 4-Sebastian 'Baste' Dela Cruz

1872 Words
"Botchok!" "Sonia!" "Susie!" "Gumising na kayo at kakain na tayo!" Mahinang niyugyog ko ang mga ito upang bumangon na. "Inaantok pa ako, Kuya," humihikab pang sagot ni Sonia sabay talukbong ng kumot sa katawan. "Bumangon na kayo at may pasok pa kayo," muling gising ko sa kanila. "Bukas na lang ako papasok sa school, Kuya," tinatamad naman na sagot ni Botchok. "Hindi pwede!" matigas kong sabi. "Bumangon na kayo kung ayaw niyong magalit ako," dagdag ko pang sabi. Tanging si Susie lamang ang bumangon sa kanila. Nagdasal muna ito saka idinipa ang dalawang braso at naghikab. "Good morning, Bunso!" malambing kong bati rito. "Good morning, Kuya!" Tumayo ito sa higaang papag saka nagtungo ng banyo. "Botchok!" "Sonia!" "Bumangon na kayo riyan. Isa!" Pag-uumpisang bilang ko. Ganito ako sa mga kapatid ko magdisiplina sa tuwing hindi sila nasunod ay binbilangan ko na ang mga 'yan. Kailangang hindi lumampas sa ikalawang bilang dahil tiyak ng parusa ang kasunod. Hindi ako namamalo pero may kaakibat na disiplina akong inaatas sa mga kapatid upang matuto sila. Hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay lagi nila kaming kasama kaya mainam na iyong habang maliliit pa sila ay matuto na. "Dal-..." Naputol ang pagbibilang ko nang magkasabay na bumangon sa pagkakahiga sina Botchok at Sonia. Naiiling na pinagmasdan ko ang dalawang kapatid na parehong pupungas-pungas na nagmamadaling bumangon sa higaan. Matapos nilang magdasal ay agad niligpit ni Botchok ang higaan habang hinahanda naman ni Sonia ang kanilang uniporme sa paaralan. "Tapos ka na bang maligo riyan, Bunso?" tawag ko kay Susie na tila nakatulog na rin sa loob ng banyo sa tagal lumabas. "Patapos na Kuya!" sagot naman nito sa inaantok pang boses. "O, bilisan niyo na at baka mahuli pa kayo sa paaralan," bilin ko sa kanila. Madaling araw pa lang nang umalis sina Nanay at Tatay upang mangalakal ng basurang pwede pang pagkakitaan. Ako ang madalas na naiiwan sa aking mga kapatid upang asikasuhin ang mga kakailanganin ng mga 'to papasok sa paaralan. Pagkatapos kong maihatid ang mga kapatid ay saka pa lamang ako papasok sa trabaho bilang basurero. Bata pa lang ay batak na ang katawan ko sa pagkarga ng mga mabibigat kung kaya't parang ito na rin ang dahilan nang paglaki ng aking pangangatawan. "Sana makita natin ulit mamaya si Ate Ganda," nangangarap na tinig ni Botchok ang umuntag sa'kin. Nakabihis na ang mga 'to ng uniporme nang lingunin ko. Kakain na lang ang susunod nilang gagawin at saka papasok na sa paaralan. "Kumain na kayo at nang makaalis na tayo," anas ko sa kanila. Dumulog na sa hapag kainan ang mga kapatid at saka nagsimula na akong magdasal bilang pasasalamat sa aming pagkain. "Panginoon, maraming salamat po sa biyayang ipinagkaloob mo po sa amin. Amen!" panalangin ko. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. "Mamaya pag-uwi niyo maglinis kayo ng bahay ha para 'di na masyadong gagawa si Nanay ng mga gawaing bahay rito. Pagod na rin 'yon sila mula sa pangangalakal ng basura," bilin ko sa mga kapatid. "Opo, Kuya!" sabay-sabay naman nilang sagot. "Sana makita natin ulit mamaya si Ate Ganda, Kuya." Pag-uulit ni Botchok sa sinabi nito kanina. "Paulit-ulit ka naman, Kuya Botchok! Sino ba 'yang Ate Ganda na sinasabi mo?" iritableng tanong ni Sonia. "Si Ate Ganda, 'yong hinalikan ni Kuya kagabi sa pinuntahan naming bagong kinukuhanan niya ng mga basura," paliwanag ni Botchok kay Sonia. Sabay na nanlaki ang mga mata nina Sonia at Susie sa narinig na sinabi ni Botchok. "May girlfriend na si Kuya?" manghang tanong ni Susie kay Botchok. Umiling-iling naman si Botchok. "Eh bakit hinalikan ni Kuya si Ate Ganda?" kuryosidad na tanong naman ni Sonia. "Ganito kasi 'yon..." "Botchok! Sonia! Susie! Bilisan niyo na at may klase pa kayo," suway ko sa kanila. "Opo, Kuya!" kakamot-kamot sa ulong sagot ng mga kapatid. Pinigilan ko sila dahil tiyak na 'pag naumpisahan nila ang usapan ay tiyak ding tatamarin nang pumasok ang mga 'to sa klase. Hinatid ko na sila sa paaralan kasabay ng mga bilin ko sa kanila. Dumiretso na ako sa trabaho at saktong nagsalubong kami ni Melchor kung kaya't nagpasalamat ako rito sa pagrekomenda niya sa'kin kay Gabriel. "Salamat nga pala Pre, sa pagrekomenda mo sa'kin kay Gabriel." Pasasalamat ko ulit kay Melchor. "Kuh, wala 'yon. Ikaw naman." Tinapik ako nito sa balikat. "Nabalitaan ko ngang umalis na roon sa trabaho niya si Gabriel," dagdag pa nitong sabi. "Hah? Bakit naman?" maang na tanong ko sa kaniya. "Nagkaroon yata ng gulo kagabi roon tapos pinaalis daw siya ng Manager, kaya baka 'di mo na siya makita roon mamaya," kwento pa nito. "Ganoon ba?" Nalungkot naman ako nang marinig ang kwento nito. Kung alam ko lang na nagkaroon ng problema si Gabriel kagabi, tinulungan ko na sana ito. "O siya, dating gawi!" untag sa'kin ni Melchor. Ibig sabihin ng dating gawi ay maghahakot na kami ng mga basura sa isang barangay na aming pupuntahan. Pagsapit ng hapon ay umuuwi na muna ako sa bahay para makapagpahinga muna sandali. Nilalakad ko lang naman ang papasok at pauwi ng bahay upang makatipid. Sayang din kasi ang perang ipapamasahe ko pa. Habang naglalakad ay napansin ko ang karatulang nakasabit sa isang mataas na gate. Triple C's Corporation Wanted: Truck Assistant! Qualifications: Marunong makisama kahit hindi tapos sa pag-aaral. Nabuhayan ako ng loob nang mabasa ang nakasulat sa may karatula. "Subukan ko kayang applyan 'to?" bulong ko sa sarili. Malaking tulong din ang kikitain ko rito 'pag magkataon. Lumapit ako sa may gate at saka kinatok ko iyon. "Ano'ng kailangan mo?" tanong sa'kin ng guard nang pagbuksan ako nito ng gate. "A-apply-an ko sana iyong nakasulat sa may karatula," sagot ko naman dito. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. "Sandali, tatawag lang ako sa opisina." Tumango naman ako bilang tugon sa kaniya. Pinaupo ako nito sa isang mahabang upuan at saka pinindot nito ang parang walkie talkie na kinuha mula sa kaniyang baywang. "Bravo Romeo Alpha, come in!" maangas na anas nito sa walkie talkie. "Bravo Romeo Alpha In!" Dinig ko namang sagot mula sa kabilang linya. "May aplikante rito. Papasukin ko ba riyan?" maangas pa ring tanong ng guard sa kausap sa kabilang linya. "Yes, Papasukin mo!" matigas na sagot naman ng nasa kabilang linya. May kung anong pinindot muna ang guard sa hawak nitong walkie talkie bago ako hinarap. "Pasok ka na raw sa loob. Diretsuhin mo ang parang pasilyo na 'yan at makikita mo na ang opisina." Maangas na turo nito. "Salamat!" sagot ko sa kaniya at saka tinahak ang daang itinuro nito. Maliit na pasilyo lamang itong pinasukan ko at walang kahit na anong makikita rito kundi tanging dilim lamang. Nang matumbok ko ang pinakadulo 'non ay nakita ko ang isang pinto kung saan may nakalagay na 'OFFICE' sa pinakataas na bahagi ng pinto. Inayos ko muna ang sarili upang maging presentableng tingnan. Inamoy ko pa muna ang sarili at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong naamoy na masamang amoy. "Mabuti na lamang at hindi kumapit ang amoy ng basura sa aking katawan," bulong ko pa sa sarili. Kumatok muna ako sa may pinto ng dalawang beses bago ko iyon binuksan. Iyon kasi ang panuto na nakasaad sa may pinto. "Good afternoon, Mam!" magalang na bati ko sa babaeng nakaupo paharap sa may pintuan. Nakayukod ito at tila may kung anong hinahanap sa ilalim ng kaniyang mesa. "Good afternoon!" ganting bati nito na 'di nag-abalang tumingin sa aking gawi. "Mag-a-apply po sana ako sa bakanteng posisyon," magalang na turan ko. May kung anong hinugot ito na form mula pa rin sa ilalim ng kaniyang mesa at saka ito tumingin sa aking gawi. "Kanto Boys..." manghang bulalas nito at natulala na sa kaniyang kinauupuan. Lumingon ako sa likurang bahagi ko at tiningnan ko kung anong mayroon doon na nakapagpatulala sa babaeng kaharap. "Kanto Boys..." muling sambit nito at wala sa sariling nangalumbaba pa sa ibabaw ng kaniyang mesa. "Hala, nasiraan na 'ata ng bait 'to!" ani ko sa isipan. "What happened to you, Lyka?" mataray na tanong ng pamilyar na tinig. Napaigtad mula sa kaniyang upuan ang tinawag na Lyka. Nilingon ko naman ang pamilyar na tinig na nagsalita. "Ikaw?!" mataray nitong bulalas. "Ikaw, 'yong babaeng hindi marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan," paanas kong turan sa kaniya. "Why are you here? Sinong nagpapasok sa'yo rito?" magkasunod na tanong nito at salit-salitang nagtaas baba ang mga kilay niya sa'kin. "Aplikante po natin siya, Ms. Cassy," singit naman na sabi ng babaeng tinawag na Lyka. "Aplikante?" mataray nitong ulit sa sinabi ni Lyka. "Kailan pa tayo nagkaroon ng bakanteng position para sa isang basurero?" nakakainsulto nitong hayag. "Oo, basurero ako pero hindi naman ako kagaya ng ibang tao riyan na patapon lang ang buhay," nagtatagis ang mga bagang kong saad sa kaniya kasabay nang pagkuyom ng aking mga kamao. Natigilan ito sa aking sinabi at saka ito tumingin sa aking mukha. Sinalubong ko naman ang kaniyang mga titig at nakipagtagisan din ako ng tingin sa kaniya. Maya-maya'y tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You're not HIRED!" matigas niyang sabi saka itinuro nito ang pintuan. Pakiramdam ko ay nainsulto ng husto ng babaing ito ang pagkatao ko. "Pero, Ms. Cassy, nangangailangan tayo ng tao," sabad naman ni Lyka. "HIRED him and I'm gonna FIRED you!" mariing wika nang nagtataray nitong amo na si Cassy. "Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa isang kumpanyang may amo na masama ang ugali at higit lalong hindi ko gugustuhing makasama ang isang taong may mabahong hiningang katulad mo!" Titig na titig sa mukha nitong sabi ko. "B*stos!" Lumapit ito sa akin at saka ipinadapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Muli pa sanang sasampalin ako nito nang maagap kong nasalo ang kaniyang palad kung kaya't nahila ko siya palapit ng husto sa aking katawan. Nakakalokong ngumisi ako sa kaniya, "Nag-toothbrush ka na ba?" Inilapit ko ang ilong sa kaniyang bibig at saka inamoy-amoy ko ang kaniyang hininga. "Ang bango niya talaga kahit pa nga napakataray niya!" ani ko sa isipan. "B*stos ka talaga!" natitilihang sambit nito. "Nagiging b*stos lang ako sa kama." Kinindatan ko siya kung kaya namula ang kaniyang pisngi. "Lyka! Called our guards. Sabihin mong palabasin ng opisina ang b*stos na lalaking ito," utos nito sa natulalang si Lyka. "Hindi na kailangan, Ms. Lyka. Ako na mismo ang kusang aalis," pigil ko sa babaeng inutusan nito na nananatiling tulala sa panonood sa aming dalawa ni Cassy. "Rude!" muling bigkas ni Cassy. Kinabig ko ito palapit sa aking katawan at saka sinibasib ko siya ng halik sa kaniyang labi. Patuloy kong hinalikan ito sa kaniyang labi kahit pa nga nagpupumiglas siya sa aking ginagawa. "Basurero ako pero tao rin akong may pang-unawa at pag-intindi sa mga masasakit na salitang binibitiwan ng mga katulad mo," mariin kong turan sa kaniya nang bitiwan ko ang kaniyang matamis na labi. Napanganga ito sa aking sinabi. Humakbang na ako palabas at narinig ko ang malakas na pagsinghap buhat sa mga taong naroon sa paligid. Nang lumingon ako ay hindi lang pala si Lyka ang naroon dahil may isa na ring babaeng nakasaksi pa sa nangyaring enkwentro namin ng mataray na amo nilang si Cassy. "Lyka!!!" Narinig kong natitilihang hiyaw ni Cassy sa kaawa-awang babae. Naiiling na inilapat ko na ang pinto sa may hamba niyon. "Mga mayayaman talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD