Chapter 13- Sebastian 'Baste' Dela Cruz

1730 Words

"Baste!" nanggigigil na sigaw sa'kin ni Cassy. Naiiling na bumaba ako ng sasakyan at saka umikot sa may driver seat kung saan ito nakaupo. Ang sarap lang talaga niyang inisin. Nakakatuwa kasi itong pagmasdan lalo pa't sa tuwing naiinis ito ay lumalabas din ang mga litid nito sa makinis niyang leeg. "Ako nang magmamaneho," turan ko sa kaniya pagbukas ko ng pintuan sa gawi nito. "What?!" manghang bulalas niya sa'kin. "Ako na ang magmamaneho patungo sa clinic ng Mommy mo," tugon ko sa kaniya. "No! Baka mabangga pa tayo," maarteng hayag nito. "Huwag kang mag-alala, marunong akong magmaneho at lisensiyado rin naman ako." Umupo ako sa tabi niya at saka isiniksik ang pang-upo ko sa upuan kung kaya't wala nang nagawa ito kung hindi ang umurong sa kabilang upuan. "Baste!" natitilihang hiy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD