Chapter 14- Sebastian 'Baste' Dela Cruz

1653 Words

"Sa bahay mo idiretso ang sasakyan," pasuplada nitong utos sa'kin. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko siya sa kaniyang gawi. "What?" nandidilat ang mga matang tanong niya sa'kin. "Akala ko ba sa restaurant gustong kumain ng Mommy mo?" malumanay kong tanong sa kaniya. Naiiling na ibinalik ko ang paningin sa kalsada upang ipagpatuloy ang pagmamaneho. "Bakit nanghihinayang ka bang hindi ka sa restaurant kakain ng lunch ngayon?" painsulto niyang tanong sa'kin. "Heto na naman siya! Bumalik na naman ang sapak sa pagkatao niya!" usal ko sa isipan. "Kuh, kung 'di ka lang maganda!" pahaging ko sa kaniya. "What did you say?" mataray niyang tanong sa'kin. "Wala! Mabuti pa ngang sa bahay niyo na tayo kumain para makatipid ka naman," balewalang sagot ko sa kaniya. "Are you insulting me?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD