bc

Dealing With The Arrogant CEO

book_age18+
751
FOLLOW
14.3K
READ
billionaire
contract marriage
HE
arrogant
drama
bxg
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

It's just a deal, but destiny was playful sometimes. Sa halip na ipakulong dahil sa ninakaw niyang singsing matapos ang kanilang one-night stand, pumayag si Cassandra sa deal ni Stefan na pakasalan ito. She got the benefits she wants, ang matustusan ang paggagamot sa kaniyang type 1 diabetes. Tiniis niya ang aroganteng binata para lang maresolba ang kaniyang problema. Ngunit ang desisyon pala niyang iyon ang magdadala sa kaniya sa mas mabigat na responsibilidad, ang lihim na pag-ibig sa binata. Hanggang kailan niya matitiis ang sarili gayung nangako siya sa ex-girlfriend at babaeng mahal ni Stefan na isang taon lang ang marriage agreement? Palalayain ba niya ang hinaing ng puso o magpaparaya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
DALAWANG araw nang puyat si Cassandra dahil sa magkasunod na problema. Nagbawas ng empleyado ang restaurant na pinapasukan niya bilang waitress, on-call na muna siya. Tatlong buwan na rin siyang hindi nakabayad ng renta sa apartment na tinutuluyan at gusto na siyang paalisin ng may-ari. Ubos na rin ang budget niya para sa insulin. Isa sa pinakamalaking dagok sa kaniyang buhay ay ang pagkakaroon ng type one diabetes. Namatay ang kaniyang ina dahil din sa malubhang sakit na diabetes. Anak siya sa labas ng kaniyang ama na hindi siya kayang suportahan. “Wala na akong pera para sa insulin ko. Palalayasin na ako sa apartment,” mangiyak-ngiyak na kumpisal ni Cassandra kay Sasha. Kapapasok lamang niya sa bahay ng kaibigan. Animo binagsakan siya ng langit na umupo sa sofa na yare sa kawayan. Si Sasha ang takbuhan niya sa tuwing may problema ngunit katulad niya’y naghihikahos din, dalagang ina at may binubuhay na dalawang kapatid. Maaga kasing nawalan ng magulang si Sasha. Manager ito ng isang nigh club at bar sa Mabini. “Sabi ko na sa ‘yo, hindi sapat ang kita mo sa restaurant. Pambili lang ‘yon ng gintong sibuyas,” usal naman ni Sasha. Binigyan siya nito ng isang basong tubig dahil halos hindi na siya makahinga kakaiyak. “Sige na, kakapit na ako sa patalim. Hanapan mo ako ng bilyonaryong tigang. Basta iyong average size lang ang ano, ah?” hibang niyang wika pero iyon lang ang naisip niyang mabilis na solusyon. “Nako! Iyong kilala ko, American size. Pero feeling ko kaya mo. Sanay ka naman sa turok ng karayom na halos two times a week tinutusok sa ‘yo. Iyong karayom ng lalake, one time lang naman, yakang-yaka mo. Do or die?” “Can I die now?” “Gaga!” Tinapik siya nito sa kanang balikat. “Walang thrill mamatay na hindi nakatikim ng luto ng Diyos!” Napabuga siya ng hangin. Idinaan niya sa biro ang problema ngunit alam niya na hindi ito uubra. Ilang beses na niyang naisip na papasok na rin sa club kahit anong trabaho. Wala na siyang ibang choice at tila kakambal na niya ang malas. Lahat kasi ng kumpanyang pinagtrabahuhan niya ay hindi siya nagiging regular, at minsang natanggal pa siya dahil sa kaniyang sakit. Iginiit niya na hindi siya malas, sadyang mapanghusga lang ang mga tao sa lipunan. Hindi niya naawat ang paglukob ng mabigat na emosyon sa kaniyang puso ngunit pilit niyang pinatatatag ang loob. Desidido na siyang mag-side-line sa club nila Sasha para lang maresolba ang kaniyang problema. Pumunta na kasi siya sa bahay ng papa niya pero binigyan lang siya ng five hundred. Mayaman ang asawa ng papa niya at ito ay sumusunod sa gusto ng asawa na galit sa kaniya. Hindi naman niya ito masisi dahil nagkasala ang papa niya at ina. Naging kabet ng papa niya ang kaniyang ina noon at nagbunga ang maling relasyon. May tatlong kapatid siya sa ama ngunit hindi siya kinilala, sa halip ay ikinahihiya siya. “Seryoso na ako, beshy. Bigyan mo ako ng kliyente sa club ninyo,” wika niya. Napamulagat si Sasha. “Uy, Cass, iyang inuungot mo sa akin, hindi ‘yan mainit na sabaw na puwede mong ibuga once napaso ang dila mo. Mas mabigat na side-line ‘yan,” anito. “Gasino lang naman ang kikitain ko sa pag-extra sa club ninyo bilang waitress. Kulang pa ‘yon pambayad ng upa. Kailangan ko ng thirty thousand, beshy. Kung hindi ay sa kalsada ako matutulog at doon na rin mamatay dahil wala akong insulin.” Ilang sandaling natahimik si Sasha. “Sorry, beshy, wala rin talaga akong maibigay sa ‘yo. Kalahati na lang ang susuwelduhin ko sa buwang ito dahil nakapagag-advance na ako. Dalawang buwan pa ang utang ko sa babysitter ng anak ko, may bayarin sa school ang dalawa kong kapatid,” kumpisal din nito. “Naintindihan ko, beshy. Kaya nga tulungan mo na lang ako makahanap ng kliyente na magbabayad nang malaki. Kahit wala akong karanasan, pagbubutihan ko, basta iyong malinis na lalaki at hindi naman abusado.” “Hay! Ito na nga ang kinakatakot ko, ang matulad ka sa akin na kumapit na rin sa patalim dahil sa kahirapan. Huwag kang mag-alala, hindi pipitsugin ang tinatanggap naming kliyente sa club. May papeles na kailangan, medical bago sila makalabas ng babae. Siyempre, pipilian kita ng binata at matino. Marami akong kilala.” Kinakabahan ma’y wala na siyang balak umatras. “Salamat, beshy. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan.” “Sige. Basta kumalma ka baka bigla ka na naman mangisay riyan at babagsak ang blood sugar mo.” Tumango siya. SABADO ng gabi ay sumama si Cassandra kay Sasha sa club. Wala na siyang dahilan upang umatras dahil buhay niya ang nakataya sa problema. Tanging pagkapit sa patalim ang kaniyang naiisip na solusyon, at gamitin ang kaniyang puri upang mabuhay. Ilang beses na siyang nakapag-extra sa club bilang waitress kaya kilala na rin siya ng staff. Pero ang trabahong kailangan niya ay mabilisang kita at malaki. Karamihan sa suki ng club ay mga banyaga kaya kabado siyang pumasok. Pinagsuot na siya ni Sasha ng sexy na damit, sobrang iksi ng laylayan. Hindi naman niya kailangang sumayaw. Once may dumating na costumer, dapat ay lapitan kaagad para ma-entertain, ibigay ang nais nitong inumin. Iba naman ang bayad once natipuhan siya ng lalaki at ilalabas ng club. Meron namang motel ang club kung saan sila maaring dalhin ng lalaki. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang palapit sa dalawang lalaking kauupo sa mesa malapit sa bar counter. Ang isang lalaking payat na matangkad ay hindi naman mukhang banyaga. Ang kasama nitong tisoy ay halatang may lahi. Kinabisado niya ang linyang dapat sabihin sa kliyente. Una niyang nilapitan ang payat dahil ito ang pumansin sa kaniya. “Hi! Narito ba si Sasha?” tanong nito. “Opo, kaso busy siya,” confident niyang sagot. “Tumawag ako sa kaniya kanina at sabi niya may ipakikilala siyang babae,” sabi nito. Naalala niya ang sinabi ni Sasha na may kaibigan itong pupunta sa bar, kailangan umano ng lalaki ng babaeng entertainer. “Kayo po ba si Donie?” tanong niya rito. “Yes.” “Ako po ang kaibigan ni Sasha na entertainer.” Sinuyod siya ng tingin ng lalaki, tila may kasamang pang-uuyam. Tumitig din sa kaniya ang kasama nitong tahimik, seryoso. Namumungay na ang mga mata nito at malamang ay nakainom na ng alak. Nairita siya sa biglang pagbungisngis ni Donie. “I’m not sure kung magugustuhan ka ng kaibigan ko. He’s picky, and it’s his first time to come in this place,” sabi nito. “Sino pong kaibigan n’yo?” “Him, si Stefan.” Itinuro nito ang kasama. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Tingin kasi niya ay masungit si Stefan at mukhang hindi naman tipo ng lalaki na sugapa sa babae. Mabuti na lang dumating si Sasha at ito ang kumausap kay Donie. Uurong na sana si Donie pero biglang nagsalita si Stefan. “I like her,” sabi ni Stefan. “She’s a virgin, bro,” turan naman dito ni Donie. “Mas pabor sa akin. Basta ayaw ko ng maarte.” Awtomatikong kumabog ang dibdib ni Cassandra. Nasuyod niya ng tingin si Stefan nang tumayo. Ang tangkad pala nito, maskulado, bakat din ang karg*da sa hapit nitong pantalong maong. Halos mapunit ang suot nitong bughaw na pulo sa matipunong dibdib. Pinakilala naman ito maigi ni Dion, maging background at edad. Biyente otso anyos na si Stefan, matanda lang ng tatlong taon sa kaniya at kampante siya roon. “Okay na ba kayo, guys?” tanong naman ni Sasha. “Stefan agreed, pagbigyan natin. He needs this kind of entertainment. Depress ang kaibigan ko, Sasha,” ani Donie. “Okay.” Bumaling naman si Sasha kay Cassandra at bumulong. “Deal si Stefan sa thirty thousand, beshy. Galingan mo, baka magbago ang isip once hindi nagustuhan ang performance mo,” anito. Napabuga siya ng hangin. “Baka malaki ang ano niya, beshy,” nag-aalangang sabi niya. “Ano ka ba? Ikaw naman ang magku-kontrol. Lasing na si Stefan, baka hindi na ‘yan makabayo nang maayos.” humagikgik pa ito. “Sira, baka naman manakit.” “Hindi ‘yan. Alam mo na ang gagawin kapag sinaktan ka. May electric gun, pampamanhid lang ‘yon.” Tumango na lamang siya. Si Sasha na ang kumuha ng kaniyang bag at naroon ang electric gun. Ang usapan, si Stefan na ang magbibigay ng bayad sa kaniya pagkatapos ng performance niya. Ayaw nito sa motel ng club kaya sa hotel sa labas sila pumunta. Hinatid naman sila ni Donie sa kuwarto. “Don’t worry, mabait si Stefan. Kailangan lang talaga niyang maging wild para makalimot sa sakit,” nakangiting wika ni Donie. Tumango siya. “Sige. Ako ang bahala.” Pumasok na siya sa hotel suite at nauna na roon si Stefan. Pumasok na ito sa banyo at naligo. Iniwan lang niya sa mesita ang kaniyang bag na nakabukas para mabilis niyang makuha ang electric gun. Pinagpapawisan siya nang malamig dahil sa kaba. Mamaya ay may humilagpos sa loob ng banyo. Napatakbo siya papasok dito at hindi naman naka-lock ang pinto. Napamura siya nang mamataan si Stefan na nakasalampak sa sahig sa may shower room. “Mahabagin! Ang laki pala ng ano niya!” tili niya. Gusto na niyang umurong pero tila may kung anong kumakabig sa kaniyang mga paa. “Hey! What are you looking at?” masungit nitong tanong. “Ah, a-ano ba ang gagawin ko?” natatarantang tanong niya. “Undress yourself.” Nahimasmasan siya nang maalala ang kaniyang pakay bakit siya naroon. Kahit inaalipin ng kaba ay naghubad siya sa harapan ni Stefan. Nakatayo na ito at naghihintay. Nilunok niya ang hiya at pinakita ang kaniyang kah*baran kay Stefan. “Seriously, how old are you?” tanong nito, naniningkit ang mga mata. “I’m twenty-five,” mabilis niyang sagot. “But you look fifteen. Katutubo pa lang ata ng boobs mo.” Napalis ang kaniyang kaba at nahalinhan ng inis. “Ang yabang mo naman! Cute lang ang boobs ko, no!” paangil niyang turan. “Bilisan mong maligo. Maghihintay ako sa kama,” sabi nito. Iniwan na siya nito roon. Mabilisan siyang naligo baka biglang magtawag si Stefan. Tinuyo lamang niya ng tuwalya ang kaniyang katawan saka lumabas. Palapit na siya sa kama nang mapansing tulala si Stefan, mamasa-masa ang mga mata. Umiyak ata. “Hoy! Napano ka na? Itutuloy pa ba natin ‘to?” tanong niya rito. Sinipat siya nito. “Do something to ease my pain, lady. Stop asking me stupid questions!” anito. Sumampa naman siya sa kama at umupo sa gawing kaliwa nito. Nahahalata niya na may mabigat na emosyong pasan ang binata. Nag-iisip pa siya ng unang hakbang ngunit naunahan siya ni Stefan. Bigla siya nitong sinunggaban ng pangahas na halik sa mga labi. Dahil sa pagkagulat ay hindi siya nakakibo. Hindi pa siya nahahalikan ng lalaki sa tanang buhay niya kaya bago ang emosyong hatid nito sa kaniyang sistema. Dahil sa marubrob na paghalik sa kaniya ni Stefan ay tila nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang katawan. Nagpatangay na lamang siya sa bawat galaw nito. Kung kailan nakahiga na siya ay biglang tumigil si Stefan sa paghalik sa kaniya. Tumitig siya sa mapungay nitong mga mata na mayroong bakas ng luha. “How can I ignore pain without doing anything, huh?” tanong nito sa garalgal na tinig. “Kung ano man ang dahilan ng sakit na nadarama mo, naniniwala ako na malalagpasan mo ‘yan. Kung tungkol ‘yan sa love, I could say na wala ‘yan sa kalingkingan ng sakit na dala ko habang lumalaki. Huwag kang mag-fucos sa panandaliang sakit, dahil nagagamot ‘yan. Pero ako, habang buhay kong dadalhin ang pasakit. Kinaya ko ang lahat, dapat kayanin mo rin,” wika niya. Ilang sandaling natigilan si Stefan habang nakatitig sa kaniya. “You’re right. Let’s beat the pain together!” Napasinghap siya nang pumaibabaw ito sa kaniya at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Unti-unti ay nagiging agresibo ang kilos nito, malikot sa kaniyang ibabaw. Napapikit siya nang maghari ang init sa kaniyang kaibuturan at labis siyang nadarang. Iniisip na lang niya na nasa isang panaginip siya at kaniig ang lalaking mahal niya. Nanuot ang makapigil-hiningang kirot dulot ng pag-angkin sa kaniya ni Stefan. Hindi niya ito ininda at iginiit na immune na siya sa sakit ng karayom. Immune na siya sa pasakit ng mundo. Inanod ng luha ang kirot at nahalinhan ng ginhawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
461.6K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
494.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
599.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook