Napabalikwas si Gabie mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang kuwarto.
“Ano ba? Istorbo naman, ang aga pa!” reklamo niya.
Pagbukas niya ng pinto ay hindi na siya nagulat na ang kanyang matalik na kaibigang si Edneliza Phoebe dela Joya ang nasa labas at agad na pumasok. Humiga ito sa kama niya.
“Ano ka ba naman, Edne, ang aga pa nambubulabog ka na agad! Bakit ba?” inis na tanong niya.
Bumangon si Edne at namaywang. “Wow! Good morning, too, Gabie! Nakakaloka ka! Nakalimutan mo na bang may exam ka ngayon sa Abnormal Psychology? ‘Di ba sabi mo nare-schedule ngayon ʼyon kasi ang Professor mo ay pupunta ng Vietnam tomorrow?” paliwanag nito sa kanya.
“Hala, oo nga pala! Sige liligo lang ako.”
Dali-dali siyang kumuha ng towel sa closet pero bago siya tuluyang pumasok ng banyo ay sinabihan niya ang kaibigan na hintayin na lang siya nito sa ibaba.
“Okay. Bilisan mo at dapat kumain muna tayo ng breakfast bago umalis. Masarap ang niluto ni Nanay Alona,” nakangiting sabi ni Edne habang palabas ng kuwarto niya.
Simula nang lumipat sina Gabie sa subdivision na tinitirahan nila ngayon at mag-transfer ng school noong Grade Three ay nakilala niya si Edne. Nang nag-transfer sa school na pinapasukan ay napunta siya sa section two. Pero first day pa lang ng klase ay kinakitaan siya nang pagkabibo kaya agad siyang inilipat sa section one.
Alphabetical order ang sitting arrangement sa classroom, pero dahil sa sobrang kadaldalan niya sa klase ay inilipat siya sa likod, katabi ng mga tahimik at mga nerdy. Doon niya nakatabi si Edne na sobrang tahimik at bahagya lang kung ngumiti. Maganda ito pero chubby at may pagka-chinita samantalang siya naman ay simple lang taglay na ganda, makurba ang katawan at morena.
Sa una ay nawirduhan siya kay Edne, pero dahil sa pagiging kikay niya ay binati pa rin niya ito.
During the class, Edne was very active. Halos ito lang ang madalas na magtaas ng kamay at sumasagot sa tanong ng teacher nila. Nalaman niya na ito pala ang top one sa klase noong Grade One. At dahil sa katalinuhan nito, na-accelerate ito sa Grade Three kaya mas matanda siya dito ng isang taon.
During recess tinanong niya si Edne kung saan ito nakatira and she learned that they live in the same subdivision, mas malayo nga lang ang bahay nina Edne sa bahay nila. Pagsapit ng uwian na ay sinundo si Edne ng Lola nito at nalaman nito na sumasakay lang siya ng tricycle pag-uwi. Nag-offer ang Lola ni Edne na isabay na siya. Nang makarating si Edne sa bahay nila, kinabukasan agad ay dinaanan siya nito at sinabing sabay na silang pumasok. Natuwa naman siya at iyon na ang simula ng pagiging magkaibigan nila.
Kapag wala silang pasok, kung hindi siya nasa bahay nina Edne, nasa kanila naman si Edne. Basta alam ng magulang niya na naroon siya kina Edne, ay hindi na sila mag-aalala. Ganoon din naman ang magulang nito kapag naroon ito sa kanila. Kung maglalamyerda naman sila, basta ito ang kasama niya ay walang tanong-tanong ang Nanay Alona niya.
Simula nang maging kaibigan niya si Edne, naging masayahin na rin ang huli. Lumabas ang totoo, ʼdi naman pala ito gano’n katahimik. Naimpluwensyahan niya ito sa pagiging sociable at friendly at siya naman ay naimpluwensyahan nito to become studious. Hindi man siya nakakasama sa top ten students tulad ni Edne ay hindi naman siya naaalis sa section one. Naging magkaklase sila hanggang fourth year high school. Nang nag-graduate sila, naging Salutatorian si Edne habang siya naman ay nakatanggap ng First Honorable Mention. At iyon ay dahil na rin sa impluwensya ni Edne sa kanya, at naisip niyang hindi na iyon masama sa isang tulad niya.
Nang mag-college ay napagdesisyunan nilang mag-aral sa iisang University ngunit sa magkaibang kurso. Nag-enroll siya ng Bachelor of Arts major in Psychology samantalang Bachelor of Science major in Mathematics naman ang kay Edne. Batid niya na sadyang paborito ni Edne ang Mathematics habang siya kaya Psychology ang kinuha ay dahil na rin sa impluwensya ng crush niyang si Vincent Villavicencio. Ahead ito sa kanila ng isang taon at officer nila sa Citizenship Advance Training o CAT noong nasa Third Year high school sila.
Sobrang bait sa kanila ni Vincent at inaalalayan sila nito during their training kaya ligtas sila sa mga parusa ng mga officers. Section one din si Vincent, matalino at isa sa mga editors ng school publication. Very active ito sa mga extra curricular activities at madalas na pareho sila ng club na sinasalihan. They became closer and they shared the same interests. Nahulog ang loob niya kay Vincent without him knowing it. Nasaktan siya nang sinabi nito na may gusto siyang ligawan, at hindi siya iyon.
Sa akin pa talaga sinabi, ang sakit! pagmamaktol niya.
Umiyak siya dahil hindi niya matanggap na may mahal na pala itong iba. All the while she thought that she has a soft spot in his heart dahil lahat ng ambitions ng binata and aspirations nito ay sa kanya sinasabi. She misinterpreted his actions. Mas lalo pa siyang napaiyak nang marinig niya sa radyo ang kanta ni Vanessa Williams na Save the Best for Last.
Cause how could you give your love to someone else and share your dreams with me
Sometimes the very thing you’re looking for is the one thing you can’t see
That was her first heartache. And Edne was there during those times na malungkot siya. Edne comforted her and she did the same thing for her noong ito naman ang ma-broken hearted sa crush nito na akala nila ay seryosong nanliligaw dito but found out na may girlfriend na pala. Naisip tuloy niya na para silang mga tanga. Hindi naman nila naging boyfriend pero pareho silang nasaktan. Pero pareho rin naman silang naka-moved on eventually.
She is still communicating with Vincent. Ayon sa binata ay Editor-in-Chief na ito ng kanilang University newsletter and even sent her a copy of his articles. Natatawa lang siya dahil sa tuwing makakatanggap siya ng sulat mula sa binata ay ang laging closing message niya ay Brotherly yours, Vincent.
“Come on! Kailangan ba niyang ipamukha sa akin na hanggang ganito lang kami? Tanggap ko naman na kapatid lang ang turing niya sa akin, Edne. Pero ganoʼn ba ako ka-obvious?” tanong niya kay Edne habang naghihimutok sa sama ng loob.
“ʼDi naman masyado, kapatid. Pa-demure ka pa nga. Assuming lang talaga iyang si Vincent,” paliwanag naman ni Edne, pampalubag loob sa kanya.
“As if he’s telling me na kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi uubra!” Masama pa din ang loob niya pero nagawa pa rin niyang sagutin ang sulat ni Vincent. And her closing message– Sisterly yours, Gabie. That was her last letter to Vincent.