Wala sa plano ni Gabie ang makaharap si Omeng nang araw na iyon. Ngunit nang matapos ang klase nila ni Michaela pagsapit ng hapon ay nabigla siya nang bigla na lang siyang hinila ni Mickaela palapit kay Omeng para ʼdi umano ay ipakilala rito. Nasa labas ng kotse si Omeng habang naghihintay kay Mickaela. I need to survive this! sabi niya sa sarili. Hindi niya alam kung paano siya magre-react kapag ipinakilala siya ni Mickaela kay Omeng. Nahihirapan siyang magkunwari na hindi sila magkakilala pero wala na siyang nagawa kung hindi sumunod kay Mickaela dahil hila-hila na nito ang kamay niya. Pakiramdam niya ay nangangapal ang mukha niya at pinagpapawisan ang mga palad. This is really awkward! Wari ba ay may nag-uunahang mga kabayo sa kanyang dibdib sa lakas ng kabog. Nang makalapit sil

