Chapter Thirteen

1945 Words

Ilang araw din na nag-isip si Omeng kung ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Gabie. At ngayong gabi, kung kailan handa na siyang aminin ang nararamdaman dito ay mukhang huli na ang lahat. Nagdesisyon siyang pumunta kina Gabie ngunit nang papalapit na ang kotse niya sa apartment nito ay namataan niya si Eric at Gabie sa labas ng gate nila na magkausap. Kaya nagpasya siyang huminto sa ʼdi kalayuan para hindi siya mapansin ng mga ito. Hihintayin na lang sana niyang umalis si Eric at saka siya lalapit kapag wala na ito. Ngunit sa hindi inaasahan ay nakita niyang hinalikan ni Gabie si Eric sa pisngi nito. Nabigla siya sa nakita. Hindi siya makapaniwala na sinagot na pala ni Gabie si Eric. Sila na pala. Bakit ang sakit! Parang dinudurog ang puso niya nang mga oras na iyon. Akala pa nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD