Nasagot ang isa sa mga tanong ni Gabie nang mapansin niya na sa ospital sila dumiretso ni Omeng. Hindi na siya nagtanong muli rito dahil hindi naman siya nito kinakausap sa buong biyahe nila papunta sa ospital. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod lang dito hanggang sa marating nila ang isang private room. Pumasok si Omeng doon kaya sumunod siya rito. Nang makapasok ay halos madurog ang kanyang puso nang makita ang kanyang Tatay na natutulog sa hospital bed. Agad na tumayo ang kanyang Nanay mula sa gilid ng kama nang makita sila na pumasok, sinalubong sila nito. Nagmano si Omeng dito at nagpaalam na lalabas muna. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Maluha-luha siyang yumakap sa Nanay niya. “Kumusta ang biyahe mo, Anak?” halos pabulong na tanong ng kanyang ina upang hi

