Kinabukasan ay nagising si Gabie dahil sa ingay na likha ni Edne, nasa loob na ito ng kanyang kuwarto. “Hoy, Gabie! Anong oras ka na umuwi, ha? Saan kayo galing ni Omeng? Huwag mo sabihing bumigay ka na agad?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya. “Ginabi lang, bumigay agad? Puwede bang napasarap lang ng kuwentuhan?” “Kuwentuhan lang ba talaga?” pangungulit pa nito. “Oo naman! Grabe sʼya, oh.” “Bakit, saan ba kayo kumain at ang tagal nʼyo?” tanong ni Edne. “Sa may Roxas Boulevard, ang ganda roon, Bes. Hayaan mo, next time roon tayo gumimik.” Hindi siya tinigilan ni Edne kaya bahagya siyang nagkuwento ng nangyari nang nagdaang gabi. “Weh? Ang sweet naman ni Omeng! Kakainggit ka naman, Kapatid, mukhang magiging makulay na talaga ang love life mo.” “Oy, huwag ka nga mag-assume dʼyan.

