Nakaramdam si Omeng ng disappointment kanina nang sunduin niya si Gabie at lumabas mula sa kanyang opisina na may dalang bouquet of flowers. May boyfriend na ba siya? ʼYon agad ang pumasok sa isip niya. Hindi naman imposible na magkaroon ito ng boyfriend lalo na ngayon, habang tinititigan niya ito ay lalo siyang gumaganda at napaka-sexy nitong tingnan dahil sa naka-expose na mga long legs nito. Kahit katulad ng uniform ni Gabie ang mga staffs nito ay mas kapuna-puna ang magandang hubog ng katawan ni Gabie. Ang kaibahan nga lang ay mayroon itong blazer. Para itong model na rumarampa sa stage habang papalapit sa kanya. Hindi niya napigilang itanong kung saan nanggaling ang mga bulaklak na hawak nito. Nakahinga siya ng maluwag na1ng kompirmahin ni Gabie na wala itong boyfriend. Pero nang p

