Tulala, hindi makakilos at hindi makapaniwala, ito ang magkakahalong nararamdaman ni Gabie nang mga oras na iyon. Totoo ba ang lahat ng nangyari? Ilang araw lang ay may nang-aaway sa akin sa text, pagkatapos ngayon naman pakiramdam ko ay nasa cloud nine ako! Ano ba talaga ang nangyari? Tapos biglang may dinner date ako mamaya sa taong matagal ko ng kinalimutan. Ay sorry, dinner lang nga pala, walang date. It's just a simple dinner para lang makabawi sa ginawa niya sa akin. As simple as that, paalaala niya sa sarili. “Gabie, huwag kang mag-expect ng kung ano-ano, may girlfriend na 'yong tao,” bulong niya sa sarili. Kanina, pagkaalis ni Omeng ay panay ang tanong ng mga HR Staffs kung sino raw ito. Kinikilig sila at guwapong-guwapo kay Omeng. Kinukulit din siya ng mga ito kung nanliligaw b

