Chapter Eight

2207 Words

Napuna ni Edne kinabukasan na tila namamaga ang mga mata ni Gabie. Hindi kasi siya masyadong nakatulog dahil sa pagbabanta noong unknown texter nang nagdaang gabi. Ikinuwento niya kay Edne ang nangyari at hindi ito makapaniwala. “Hala! Mukhang seryoso nga, ah. Tawagan mo na kaya at ng malaman natin kung sino talaga ʼyang secret texter mo na ʼyan? O kaya naman ay i-report na natin sa pulis!” suhestiyon ni Edne. “Ang OA mo na naman, Bes! Pulis agad? At saka wala akong planong patulan ʼyon, ano. Baka wala lang sigurong magawa ʼyon sa buhay niya. Nangti-trip lang, ganern!” pabiro niyang sabi. “Walang magawa sa buhay? Eh, mukhang seryoso nga sʼya. Can you imagine, alam niya ang pangalan mo, ha,” paalala pa nito. “Bakit, ako lang ba ang Gabrielle sa buong Pilipinas? Let's still give that pe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD