Nang makauwi si Omeng sa kanyang condo ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Bumabalik pa rin sa alaala niya ang tagpo kanina sa bookstore. Halos ayaw na niyang pakawalan si Gabie, na aksidenteng napasandal sa kanya dahil na-off balanced ito sa pagkagulat nang magsalita siya mula sa likuran nito. Pakiramdam niya ay isa itong mababasaging porselana na kailangan niyang protektahan para hindi mabasag. Dama niya na nailang si Gabie kaya kahit hindi pa niya ito binibitawan ay nagdumali itong kumawala sa pagkakasandal sa kanya. Napatigil lang siya sa pagbabalik-tanaw dahil sa isang text message. Nang basahin niya ito ay galing kay Mickaela ang text. MICKA: Dear God, Please keep my family, friends and loved ones safe. Please watch over them always and let good health, happiness a

