Chapter Sixteen

2109 Words

Maagang nagising si Omeng para sa movie date niya with Gabie. “Date talaga? Ilusyonado ka talaga, Omeng. Group date ʼyon baka nalilimutan mo,” paalala niya sa sarili. “Wish ko lang naman na date namin ʼyon ni Gabie!” sabi niya sa sarili habang nakatingin sa harap ng salamin. Napansin niya ang kanyang eye bags dahil halos hindi siya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi dahil sa excitement. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang saya na idinulot ni Gabie sa kanya. Pero may halong kaba ang kanyang nararamdaman sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Animo ay isa siyang teenager na makakaranas ng kanyang first date. Hindi ako nakaramdam ng ganito noon. Bakit kung kailan ako tumanda at saka pa ako nagkaganito? Siguro hindi lang talaga ako sanay. Noon kasi ay ang mga babae ang nag-e-effort

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD