Nang umakyat na si Gabie sa kuwarto ay nagkatinginan silang tatlo nina Edne at Eric. “Ano bang ginawa mo kay Gabie, Omeng?” tanong sa kanya ni Edne. Nagkibit lang siya ng balikat. “Ewan ko sa kanya. Ni hindi ko nga siya kinakausap, bakit parang kasalanan ko pa?” Umismid si Edne. “Kaya naman pala, eh! Bitter ka pa rin ba hanggang ngayon? Akala ko ba naka-move on ka na?” tanong nito sa kanya. Umiling siya. “Akala ko rin.” Nagkatinginan sina Edne at Eric. “Kausapin mo nga muna itong si Omeng, Bheb. Aakyat na muna ako at sasamahan ko muna si Gabie sa kuwarto dahil for sure, mahaba-habang kuwentohan ito.” Humalik ito sa pisngi ni Eric bago umakyat. “Good night, Bheb at Omeng.” Bago ito tuluyang umakyat ay nag-flying kiss pa sa kanila. Tila naman may sinalo si Eric at hinalikan a

