bc

Unchained By Him (Agreement Series 4)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.9K
READ
possessive
contract marriage
kidnap
arranged marriage
playboy
goodgirl
drama
twisted
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Umiikot lang ang mundo ni Ezrah, sa bahay at trabaho niya. Hindi siya makakapagdesisiyon para sa buhay  niya dahil sa nakakatandang kapatid, na hindi rin siya binibiggyan ng karapatan  na mabuhay sa gusto  at kahit sa taong mamahalin niya. Kahit ang pag-aasawa niya ang Kuya niya pa rin ang nagdesisyon.

Wala siyang magawa dahil takot siya at kahit ang Ate Ezella niya ay wala rin magawa para sa kaniya. 

Pero dahil sa isang pagkakamali, sa maling pagdukot sa kaniya ng isang lalake ay nakaligtas siya na ikasal sa  taong hindi kilala at hindi rin  niya mahal subalit alam niya na  nagkamali rin ng pagdukot sa kaniya ang  binata at alam niyang hindi  rin siya talaga gusto ng lalaking  iyon.

Si Zeke Austine Ovonel. He's a playboy, an easy go-lucky man, and never f*cking care to others except for his close friends that he treats like his own brother. For him, a woman is just a toy that will please him. He gets especially the woman he likes. At ang lalaking ito ang dahilan kung bakit nakawala si Ezrah sa Kuya niya. Austine saves her life, and he unchained her from his brother. 

Pero walang kahit anong nararamdaman sa kaniya si Austine at ang nagugustuhan pa nito ay ang pinsan niyang si Amihan.  Pumayag si Austine magpakasal sa kaniya para makalaya na siya sa kapatid pero paano na siya kapag naisipan ni Austine na iwanan at nagkaintindihan na ang pinsan at ang asawa?

Babalik na naman kaya siya  sa kapatid  at habang buhay na  lang siyang makokontrol nito?

*Bago niyo po ito basahin ay basahin niyo muna ang mga naunang Agreement Series dahil konektado po sila na ngayon ay nasa Dreame*

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naalimpungatan si Austine nang may humaplos sa dibdib niya. Napaungol siya nang umabot hanggang sa pagitan ng hita niya ang haplos na iyon at kahit may suot siyang salawal ay minasahe nito ang nasa pagitan niyon. “Oh, honey, let's play again," narinig niya ang malanding boses na iyon sa taenga niya. Napamulat siya ng mga mata at napangiti sa magandang babae sa harapan. Isa ito sa mga naging kasama niya sa pagmomodelo at napakaganda at sexy nito. "Ride me, honey," utos niya sa dalaga at napangisi naman ito. Naghahanda na ang dalaga upang gawin ang inuutos nang tumunog ang door bell sa pinto. Wala sana siyang planong pansinin iyon at ipagpatuloy ang ginagawa nila ng dalaga pero walang tigil ang nasa labas at patuloy na pinipindot ang door bell. "f**k!” tungayaw niya sa isip sa nang-aabalang iyon sa kanila. "Just wait here. Haharapin ko lang ang istorbo!" inis na paalam niya sa kasamang babae. "Okay," tugon naman sa kanya ng dalaga. Hinalikan niya ito at nagsuot ng T-shirt na nakakalat lang sa sahig saka lumabas ng kwarto. Mabilis niyang binuksan ang pinto at nagulat siya sa walang paalam na pagpasok ng taong umabala sa kanila. "What the f**k are you doing here, Slant? It's too early?" inis na sita niya sa kaibigan. Hindi siya pinansin ni Slant at dire-diretsong naglakad ito patungong kwarto kung nasaan ang babaeng kasama niya buong magdamag. Nagmamadali siyang sundan ito upang kaagad pigilan. "Slant, don't go there--“ Narinig niya ang pagtili ng kasamang babae at nang makarating siya sa kwarto ay naabutan niyang hindi magkamayaw ang babae sa pagtakip sa hubad nitong katawan. "Get out of here, slut!" walang emosyong utos ni Slant sa babae. Natigagal ang babae at napatingin sa kanya."Sige na, Chem, kita na lang tayo bukas," utos niya na lang sa babae. Hindi na rin naman matutuloy ang binabalak nilang dalawa dahil dumating ang magaling niyang kaibigan at tiyak na hindi siya nito titigilan. Hinila niya si Slant palabas ng kwarto at dinala sa sala para makapag-bihis na rin si Chem at makaalis na ito. "Ano bang problema mo? Kung hindi lang kita kilala ay pagkakamalan na kitang bakla niyan, eh, na natitupuhan ako,” iritadong sita niya kay Slant. Binatukan siya ni Slant na hindi niya nailagan. "f**k you!” tungayaw nito sa kanya. “Sa susunod na magdadala ka ng babae ay doon sa bahay niyo at hindi sa isa sa mga unit ng condo ko, jerk!" inis na ganti sa kanya ni Slant. Napangisi siya. Hindi talaga dinadala ni Austine sa condo o kahit sa bahay niya ang mga babaeng naikakama dahil ayaw niya kasing matagpuan ng mga ito kung saan siya nakatira. Kaya kung hindi sa isang hotel ay sa condo ni Slant na pag-aari nito niya dinadala ang mga iyon upang iwas na rin sa mga babaeng maaaring manggulo sa pribadong buhay niya. "Alam mo naman ang reason, hindi ba?" aniya. "Maghanap ka ng ibang pagdadalhan! 'Wag dito!" iritadong tugon pa rin ni Slant.  "Sorry na, babe." Malambing niyang niyakap si Slant na hindi nito kaagad nailagan kaya nayakap niya nang buo ang katawan nito. Magkasing-laki lang sila ni Slant at kahit ang katawan nito kaya hindi siya nahirapang yakapin ang kaibigan. "Let me go!" waring nangingilabot na sigaw ni Slant na pumapalag pa na parang nandidiri kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito at hindi pinakawalan. "Hindi ko na uulitin, babe, 'wag ka ng magalit--" Napahinto siya sa sabihin sana nang makarinig siya nang pagsinghap at napalingon kaagad. Si Chem ang nakita niya at gulat ang namumutawi sa mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Slant. Nang makahuma si Chem ay nilapitan siya nito saka sinampal sa pisngi na ikinabigla niya. "Kadiri ka!" sigaw nito saka umalis. Hinaplos niya ang nasampal na pisngi at narinig niyang tumawa si Slant. "Paano ba 'yan? Mukhang napagkamalan ka pang bakla ng girlfriend mo?" Ngingisi-ngisi pa si Slant. "She's not my girlfriend!" inis na tugon niya kay Slant. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?"  tanong niya. "Birthday ngayon ng twins," tugon nito sa kanya na ikinagulat niya. Nakalimutan niya na ngayon pala ang birthday ng kambal ni Zion. Mabuti na lang na pinuntahan siya ni Slant  para paalalalahanan. "Hala! Nakalimutan ko!" bulalas niya. "'Wag daw tayong dadalo sa kaarawan ng anak ni Zin na walang regalo. Kaya bumili ka na muna bago tayo pumunta sa Tagaytay,” paalala sa kanya ng kaibigan. "Actually, mayroon na ako. Nakabili na ako noong isang-araw pa," tugon niya. Nang nagkaroon siya ng proyekto bilang modela sa US ay naisipan na rin niyang bilhan ng regalo ang kambal na anak ng kaibigan. Noong nakaraang buwan pa nga iyon at itinago na lang muna niya muna. "Mag-ayos ka na, nang makaalis na tayo," utos ni Slant sa kanya. "Sina Gian at Cyrus pala nasaan na?" usisa niya kay Slant. Wala kasing balita sa dalawang kaibigang iyon na ipinagtataka niya dahil malimit naman na mangyari iyon. Kahit abala kasi sila sa kanya-kanyang buhay ay may oras silang ibinibigay para magkita at mag-usap. "Si Gian ay nandoon na kina Zin at galing pang France iyon kasi may inasikasong business. Si Cyrus naman ay ang alam ko ay nasa probinsiya at nagpapaka-haciendero." "Hindi pa ba 'yon bumabalik?” gulat na tanong niya. Kilala niya ang kaibigang si Cyrus, hindi magtatagal iyon sa hacienda ng magulang nang ganoon katagal. Lalo na at may trabaho at negosyo rin iyong pinapatakbo sa Manila. "Hindi pa. Mukhang may problema,” anito. Nagtaka naman siya na napatingin kay Slant. "Ano namang problema ni Cyrus?” usisa niya. "Mukhang ayaw ibigay kay Cyrus ang hacienda nila doon ng Nanay hangga't hindi niya sinusunod ang gusto nito." "Ano bang gustong ipagawa ng Mama ni Cyrus?" nagtataka na niyang tanong kay Slant. "Magpakasal,” tugon ni Slant. "What?" gulat na bulalas niya. "And the worst, ay sa babaeng kinamumuhian pa ni Cyrus,” dagdag ni Slant na lalong ikinagulat niya. "s**t! Don't tell me--“ "So, I will not tell you,” putol sa sasabihin niya sana. "f**k! I think Cyrus need our help,” nag-aalala na niyang sabi. "Si Cyrus nga ba ang mas nangangailangan ng tulong o iyong babae na mapapangasawa niya? Kilala natin si Cyrus at alam natin kung anong kaya niyang gawin,” tugon ni Slant sa kanya. Hindi niya nagawang magsalita dahil totoo ang sinabi ni Slant. Kilala nila ang ugali ng bawat isa at alam nila ang kahinaan at kalakasan nilang magkakaibigan kaya mukhang mas nakakalamang nga si Cyrus kaysa sa babaeng mapapangasawa nito. Napabuntonghininga si Slant. "Fix yourself, bro, and let's go,” untag nito sa kanya. "Okay," tugon na lang niya at mabilis na tumungo sa kwarto para maligo. Nang matapos makaligo ay kaagad silang nagbiyahe pauwi na muna sa bahay niya para kunin ang regalo sa mga anak ni Zion at nang makuha iyon ay saka na sila nagbiyahe papuntang Tagaytay kung nasaan ang tirahan ni Zion. Doon na kasi naninirahan ang mag-asawang Zion at Ezella simula nang ikasal at magkapamilya at ngayong araw nga ay birthday ng kambal na anak ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook